Chapter 19: A date with her

1.3K 66 17
                                    

Chapter 19: A date with her
Bj's POV

Kinabukasan......

Nagising ako sa malalakas na katok ng pinto ng kwarto ko. Tumagilid ako ng pagkakahiga at tinakpan ng unan ang tenga ko.

"Ughhh. Ang ingay!"

"Takte Bj! Anong oras na! Nakakainis ka talaga!" napabangon ako bigla ng marinig ko ang boses ni Adellaide.

Tumingin ako sa orasan at alas dyes na pala ng umaga. Bumangon ako sumigaw.

"Wait lang! Hintayin mo ako sa baba. 20 minutes." at kumuha na ako ng bihisan ko. Kumuha lang ako ng simpleng T-shirt at pantalon.

Pumasok na ako ng cr at mabilis na naligo at nag ayos. Mga 16 minutes siguro natapos na ako, kinuha ko ang maliit na suklay ko at bumaba na. Nakita ko syang nakaupo sa hagdan habang nagsusuklay. Nakadress sya at nakalugay ang mahabang buhok nya.

Tumabi ako sa kanya at tinitigan sya. Nagtama ang paningin namin at agad syang umiwas ng tingin.

"Ahmm. Tara na?" sabi ko. Tinago na nya ang suklay na hawak nya ganun na din ang ginawa ko. Ibinulsa ko na rin.

"Ako na magdadrive." prisinta ko

"Hindi magpapadrive tayo."

"Uhmmm. Ok sige. San ba tayo pumunta?" tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin. Ang sama ng tingin.

"Di ba ikaw ang lalaki?"

"Oo."

"Edi ikaw ang mag isip."

"Eh?"

"Fuck you! Grrr." sabi nya at nagmartsa palabas ng mansion. Kung di ko lang alam na bampira sya iisipin kong meron sya.

Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanya. Nang nakarating ako ng parking lot nakita ko syang nakasakay na sa kotse nya. Tss. Favorite nya yung Ferrari na yun ah? Sumakay na rin ako.

"San po tayo?" tanong nung driver. Tumingin ako kay Ade at talagang mukhang wala talaga syang balak magsalita.

"Uhmm. Kuya 8-12 tayo. Bili muna tayong pagkain." sabi ko. Nagdrive na sya. Tinignan ko ang laman ng wallet ko at meron lamang akong 500. San makakarating to? Buti na lang may nasave ako sa baon ko this week. Scholar kasi ako mg school.

Nag isip ako ng mga pwedeng bilhin na chichirya. Nova, piatos, mang juan, Marty's crackling, shoes string at uhmm. Ano pa ba? Kailangan din ng tubig. Eh kung juice kaya? O kaya choc-o o kaya chuckie. Tapos kailangan din ng panghimagas ano kaya? Kung tictac kaya o kaya mentos. Ah! Yung favorite ko na hanny at mikmik. Pati na yung lala.

Naputol ang pag iisip ko ng magsalita yung driver.

"Serrrrr nandito na tayo." sabi nya sakin. Tumingin ako sa kanya ng blangko. Nandito na agad kami? Pero di pa ako nakakapagdesisyon ng bibilhin.

Bumaba na ako at pumasok. Nakatayo lang ako sa pinto ng muntik na akong matumba dahil biglang ding bumukas yung pinto.

"Ay! Sorry kuya! Tatanga tanga ka kasi dyan sa pinto." sabi nung babae na kakapasok lang.

Hinimas ko ang likod ko na ang sakit. Takte tong babaeng to. Imbis na magsorry nang tanga pa.

"Tss." yun na lang nasabi ko at kumuha ng basket. Pumunta ako sa section ng mga chichirya.

Kinuha ko na lang ang lahat ng makita kong mura. Tapos kumuha din akong paper plate tsaka disposable cup. Pumunta din ako sa chocolate section at kumuha ng ilang chocolate.

Dirediretso ako sa bayaran at inilapag ang pinamili ko. Ng sabihin ng babae kung magkano ay napasimagot ako. Inabot ko ang 500 sa kanya. At inabot naman nya sakin ang sukli. Hinablot ko sa kanya ang resibo at lumabas na ng store na yun. Nang nakalabas na ako tinignan ko yung resibo. 499.75 pesos. -_-

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now