Chapter 11: Revelation

1.5K 92 9
                                    

A/N: Hi! Nakabili na ako ng cp kaya makakapagupdate na ako ng maayos. Yung tipong bibihira ang typo. XD So eto na, enjoy!

Chapter 11: Revelation
3rd person's POV

Tila natigilan ang lahat sa nakita nila. Kahit ang dalagang naggagamot kay Bj ay halos manigas sa kinatatayuan nya.

"Pa-panong nangyari yun?" Kinakabahan na tanong ni Avril. Ngunit tila mga wala pa rin sa sarili ang mga magkakaibigan kaya walang sumagot sa tanong nya.

Lumipas ang ilang minuto ngunit tila wala pa rin sila sa mga wisyo. Ang dalagang si Adellaide na ang naglakas loob na kumibo.

"Sa tingin ko kailangan na nating umalis dito." aniya

Nagumpisa ng gumalaw ang lahat maliban kay Avril at Steffanie na nakaupo pa rin sa tabi ni Bj.

"Steffanie. Avril. Anong problema?" tanong ng dalaga

"Parang may mali." sagot ni Steffanie

"Bakit?"

"Nasuntok lamang sya pero pinagpapawisan sya ng malamig at linalagnat ng mataas."

"Teka. Anong temperatura?"

"43"

"Huh?! Panong mangyayari yun? Ang normal na temperature ng isang tao ay 37 at ayon sa nabasa ko kapag umabog ito ng 40 maaring mawala ito sa katinuan dahil sa maaaring msunog ang utak nito na maari ding sanhi ng pagkamatay." mahabang eksplenasyon ni James

Nakatingin lang ang lahat kay Steffanie. Nag aantay na sumagot. Yumuko ito at saka sumagot.

"Ang maari lang nang mangyari ito ay pag nag coconvert."

"You mean.... As a vampire?" nag aalangan na tanong ni Vlademaire. Dahan dahan na tumango si Steffanie.

"Shit. " mura ni Demeclaire at dali dali na binuhat si Bj.

"Isa lang ang makakatulong sa atin ngayon." seryosong sabi ng binata. Nagkatinginan ang barkada at sa ka tumango.

- - - -

Sa bahay ng mga Young ..........

Nasa loob ng isang silid ang magkakaibigan. Nakahiga sa isang kama si Bj habang sinusuri ng isang ginoo.

"I'm sorry pero nag uumpisa ng kumalat ang venom. Isa pang pinagtataka ko ay kung bakit ganun itong kabilis. Kung isang oras pa lang ang nakalipas at kahit hindi ganun kadami ang dugo na nalagay sa kanya bakit masyadong naging mabilis ang proseso. " sabi ni Dr. Van Joshua Young ang tatay ni Steffanie Young

"Anong ibig mo sabihin mo Pa?" tanong ng anak nito

"Pagmagcoconvert ka ng isang tao from to vampire nakadipende ito sa dami ng dugo na gagamitin. Mas marami mas mabilis. Mas kaunti mas matagal."

"Panong nangyari yun nong? E kita ng dalawang mata ko na kaunti lang ang nainom nya. Grrrr. Kung nainom man ang term nun. " -Vlademaire

Humawak ang ginoo sa baba nya at yumuko bago sumagot.

"Isa lang ang naiisip ko."

"Ano?!" sabay sabay na sabi ng magkakaibigan

"ang gwapo ko." nakangising sagot ng ginoo, halos nagpigil ng hininga ang magkakaibigan ngunit ito lang pala ang isasagot ng matanda sa kanila

"Nong! Alam kong gwapo tayo pero, nong naman. Seryoso to." sabi ni Vlademaire

"Eto naman. Kasi ang seseryoso nyo. Ang naiisip ko lang ay kung sakali, maaring tao ang isa sa magulang niya at ang isa naman ay bampira." biglang seryoso na sabi ng matanda

Natigilan ang magkakaibigan. Naisip nila ang eksena sa sementeryo kanina. Ang tatay ni Bj. Isang bampira. At isa ding black wizard.

"Kung. Kung. Kung ganun. Galing sa black clan si Bj?" bulong ni Vlademaire. Bulong ito pero halos narinig pa rin ng lahat ng nasa loob ng silid. Natahimik ang lahat.

"Mabait si Bj at wala syang malay dito. Di nya alam ang tungkol dito. Kaya pakiusap kung ano man ang iniisip nyo tigilan nyo na. Di yan makakatulong sa ganitong oras."

Napatingin ang lahat sa kama ng makita nilang namimilipit sa sakit ang kaibigan nila. Ang balat nito na namumutla kanina ay lalong namutla. Ang buhok na itim na di gaanong kahabaan ay naging brown at humaba ng one inch. Ang mga kuko nito ay humaba ng ten inches. At bumukas ang mata nito na ang kulay dati ay black din ay naging pula. Nakatitig lang ito sa kawalan lumipas ang ilang sigundo ay naging kulay lila ang mata nito.

Nang oras na nagpalit ang kulay ng mata ni Bj ay parang oras din na nagkamalay ito. Pumikit pikit ito at inalog ang ulo. Nagbabakasali naman ang magkakaibigan na kung sakali na pumikit ito ay mawala ang sumpa na napunta sa kanya. Para sa kanila sumpa ang pagiging bampira. Isang di tiyak na hinaharap.

"Ughhhh. Anong nangyari? Asan tayo?" tanong ni Bj nang makita nya ang mga kaibigan nya.

"Nasa bahay tayo nila Steffanie. Ayos ka lang ba? May kakaiba ka bang nararamdaman?" tanong ni Demeclaire

"Na-nauuhaw ako. " husky na sabi nito

Biglang pumasok sa eksena si Ginoong Young

"Iho. Inumin mo muna ito. Wag mo ng tanungin kung ano yan." nakangiting sabi nito sa kanya

Kinuha ni Bj ang pitsel. -_-
Binigyan ng ginoo ng isang pitsel na dugo si Bj. Walang sabi sabi na ininom ni Bj ang nasa pitsel. Parang hinahabol ito ng aso. Wala pang isang minuto ay ubos na nya ito.

"Ahhhhh." sabi nito sabay punas ng dugo sa may labi nya. Sa kabila namang banda, biglang namula si Adellaide sa nakita.

"Binata. Isa ka na ngang ganap na bampira! Nakakamangha! Isang napakabilis na proseso." tuwang tuwa na sambjt ng ginoo habang nakatayo sa tabi ng kama nito

Tila nabato sa kinatatayuan nya si Bj dahil sa narinig nya.

"Nako ginoo ano ba ang ibig mong sabihin?" tanong nito sa kanya ngunit bago pa makasagot ang matanda sa kanya ay nagsalita si Adellaide

"Secher' pakigawa na nga." sabi nito at napabuntong hininga

Lumapit ang kambal sa tapat ng kama. At katulad ng dati nitong ginawa noong sumugod ang mga fiend sa eskwelahan nila ay ginawa ulit nila ang tinatawa na orengen. Isa ito sa mga kapangyarihan ng mga Liaison. Ang mga Liaison ay may kapangyarihan na bumasa ng isip, makakita nang mga panaginip, pangyayari na naganap sa oras na napatingin sila sa isang tao, kontrolin ang katawan ng isang tao, at makipagcommunicate gamit ang isip.

Nakita ni Bj ang lahat ng nangyari isang oras ang nakalipas hanggang sa kasalukuyan. Di sya makapaniwala sa lahat ng nangyari.

"I-isa na akong bampira? At ga-galing ako sa black clan?" di makapaniwala na sabi nya.

"Bj." sabi ni James

"Hindi. Hindi. Hindi pwede to." sabi nito at ay tumulo na luha sa pisngi nya. Naiintindihan naman sya ng mga kaibigan nya. Di sya makapaniwala hindi dahil isa na syang bampira. Di sya makapaniwala dahil isa na syang bampira na galing sa Black clan.

Ang clan na pumatay sa nanay nya.

- - - -

Ate Dada: Hi pls voice out your opinions. Negative o positive man. I accept. Vote and comment!

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now