Chapter 42: Truth

795 27 0
                                    

(A/N: ginanahan ako bigla. Enjoy! Last 18 chapters.)

Chapter 42: Truth
BJ's POV

"Ang cutie cutie naman ng baby Hell." sabi ko sa inaanak ko habang kinikiliti ang tyan nito. Tumawa ito na para bang naiintindihan nya ang sinasabi ko.

Inaanak ko na. Alam ko namang gagawin akong ninong nila Deme.

"Paglaki mo ligawan mo si Charles ah. Paamuhin mo ng hindi ganun kaseryoso yun. Mamaya tumandang binata yun." hagikgik nya ang sinagot nya sa akin sa mga sinabi ko, itinaas nya ang kamay nya na para bang inaabot nya ang pisngi ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kamay nya at iniling ang mukha ko habang pinapadaan ang kamay nya sa balat ko.

"Hoy! Wag mong ganyanin ang pamangkin ko." sigaw sakin ni Bale sabay nagmamadaling kinuha ito, sinimangutan ko muna sya bago tinignan ng masama.

"Baka maputol ang kamay." dugtong pa nya bago niyakap nya ito mg mahigpit.

Tsk. Nagmomoment kami ng future daughter in law ko eh!

"Tsk. Di mapuputol kamay nyan dahil lang sa ginagawa ko. Baka ikaw mamatay pa yan dahil sa higpit ng yakap mo." tumingin syang bigla kay Hell bago niluwagan ang pagkakayakap dito

"Woooo. Ang baby Hell. Tatawa na yan. Bleh bleh bleh!" pagmumukhang tanga nya sa sarili dahil gusto nya atang mapatawa si Hell pero ako ang natatawa sa pagmumukha nya

"Baby Hell, bakit ayaw mong tumawa kay Tito? Ayaw mo ba sa gwapo?" lumapit ako sa kanya at kinuha ito

"Sorry pero ayaw nya sa panget." nagtawanan ang lahat ng nasa loob ng kwarto. Maging si Baby Hell ay humagikgik habang kalong kalong ko sya.

"Akin na nga yang anak ko! Pinipirat nyo na eh!" sabi ni Avril sabay lapit at kuha sa anak nya

"Ayan. Yang brother in law mo ang may kasalanan."

"Bakit ako babes?"

"Pinirat mo kasi."

"Tss."

"Honey may knock knock ako sayo." napatingin kami kay Deme na kalong ang dalawang anak

"Oh?" tanong ni Avril ng di nakatingin

"Knock knock?" pero di sya sinagot ng asawa nya kaya kami ang sumagot

"Who's there?"

"Avril Lavigne"

"Avril Lavigne who?"

"Avril Lavigne you forever." isang mahabang katahimikan ang namayani

"Waley Bro. Corney." sabi ni Bale saka tumayo at umalis.

Tinapik ko sa balikat si Deme bago nagsalita

"Ayos lang yan Deme."

"Tama na nga yan. Kakain na tayo." sabi ni Deme, lumakad sya papuntang kusina kaya sumunod na rin kami.

Lumapit ako kay Adellaide sabay akbay sa kanya.

Nandito pa rin kami natutulog kanila Deme. Pang huling araw na namin actually dahil ang usapan namin hanggang mag one week old lang ang kambal kami magistay sa kanila.

Pagpasok namin sa kusina mga mababangong pagkain agad ang sumalubong sa amin.

Umupo na kami sa mga kanya kanyang pwesto. Buhat ni Deme si Hell na tawa ng tawa dahil sa balloon na nakatali sa braso nya. Samantala buhat naman ni Avril si Seven na nakatingin lang sa cake.

Parang mga hindi one week old eh. Kung di ko lang alam na mga bampira ito iisipin ko mga isang taon na tong mga to.

"Babe oh." abot sakin ni Adellaide ng plato na may spaghetti inabot ko ito pero bago ko pa nailapag ang plato ay naibagsak ko ito dahil nakaramdam ako ng sobrang sakit sa ulo ko.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now