Chapter 12: Secrets

1.6K 82 3
                                    

(Vote and comment guys! Nakakatuwang makita na may nagbabasa pero mas maaapreciate ko kung may magvovote at comment. Kahit comment na lang. And use the #HDTVG. Thanks for reading! )

Chapter 12: Secrets
Bj's POV

Isa na akong bampira. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi. Gusto kong maging bampira para magkaroon ng lakas para makapaghiganti para kay mama. Pero yung fact na galing ako sa Black clan parang mas gusto kong mamatay na lang.

"Bj." tawag sakin ni Adelaide. Isang oras na ang nakalipas ng malaman ko ng isa na akong ganap na bampira pero wala pa rin akong kinikibo sa kanila.

Umupo sya sa side ng kama ko.

Nakasuot lang sya ng short at loose sando. Ayan na naman sya. Pwede bang wag syang magsuot ng ganya. Naiinis ako. Hindi. Mali to. Bat naman ako maiinis.

"Kapag ba naging bampira ano ang kapangyarihan?"

"Dipende kung saan kang galing na clan. Katulad ni Steff galing sya sa mga Young, kilala ang Young clan bilang magagaling na manggagamot. Nagagamot nila ang kahit na anong karamdaman."

"Ah eh ikaw?" tanong ko sa kanya

"Isa akong Liege. Ang Lauderdale clan o mas kilala bilang Laude Clan ang namamahala sa ibat ibang clan sa buong mundo. Kami ang nag aayos ng kapayapaan. Sa clan namin' nagtataglay ng ibat ibang kapangyarihan ang bawat miyembro." paliwanag nya.

"Kung ganun, ano ang kapangyarihan mo?"

"Ako ang nagtataglay ng Debonair. Ang debonair ay isang rare na kapangyarihan kung saan pili lang ang nagkakaroon nito. Tanging may mabubuting puso lamang daw ang nakakatanggap nito. Ang debonair ay nagtataglay ng malakas na kapangyarihan kung saan ang ano mang gustuhin ng nagtataglay nito ay pwedeng mangyari."

"Bakit di mo hilingin na mawala ang mga black clan?"

"I cant. Masaydong mahabang storya. Kung gusto mong malaman may klase kami bukas pagkatapos ng klase ng mga tao."

"May hiwalay na pagtuturo sa inyo?"

"Oo pagkatapos ng turo ng pangtao ay may klase kami kung saan pinagaaralan namin ang kasaysayan ng mga bampira. At nagsasanay din kami upang mahasa ang aming mga kakayahan."

"Yung iba, anong kapangyarihan?"

"Si Avril dating tao, pero ng tumuntong sya ng ika labing limang taong gulang ay naging oracle na sya ng bampira. Sa katunayan wala namang pinipiling edad yun. Sa oras na mamatay ang isang oracle ay otomatikong mapapalitan ito. Mga karapat dapat at malapit lamang sa itinakda."

"Ang itinakda? Itinakda na pamahalaan ang mga bampira?" tanong ko para makasigurado, isang marahan na tango ang isinagot nya sakin. Bakit ba feeling ko kapag naging bampira nagiging matured? Sakin lang ba to o talagang nakaapekto ang mga nangyari sakin.

"Si James nakita lang namin sya dati. 7 years ago. Mga bata pa kami nun. Nakita namin syang duguan kaya tinulungan namin sya. Tapos ng gumaling at nagkamalay sya nalaman naming isa syang amerongen. Ang amerongen clan ay kilala bilang magigiting na knight at isang tapat na tagapaglingkod ng Laude Clan. May mga kakayahan sila na huwag maggamit ng isang bampira ang kapangyarihan nito kung nanaisin nya. Pero may limitasyon ito. Dipende sa kasanayan ng gumagamit ng kapangyarihan." mahabang paliwanag nya, huminga muna sya bago nagpatuloy na nagsalita.

"So magkakababata kayo?"

"oo."

"Ang kambal na Secher. Sila ay galing sa white clan. Ang clan na ito ang mahigpit na kalaban ng black clan. Iba iba ang kakayahang taglay ng miyembro ng clan. Sila ay may ibat ibang kategorya, summomer, wizard, at iba pa. Napakalaking clan ito. Ang kambal ay isang mental wizard."

"Ganun pala yun ibig sabihin marami pang clan?"

"Sa totoo lang may limang clan. Ang Lauderdale, Young, White o kilala din sa pangalan Jhave Clan, Yeats clan at Black Clan o kilala din bilang Wilkerson Clan."

"ano yung yeats clan?" tanong ko

"Ughhh. Sabi ko sayo mahabang kwento to, kaya pwedeng pumasok ka na lang." sabi nya sabay irap

"Sige na last na promise!" sabi ko sabay pout. Ano ba naman to, nakakabakla.

"Tss. Sila yung mga elementist. They have the power of the world's elements. Water, fire, and etc."

"uhmmm okey. Okey. So di ba bampira na ako ibig sabihin di na ako makakakain ng pagkain."

"Pwedw ba? Wag mo naman tayong igaya sa mga nababasa mo. Duh. Sinong tanga naman ang mabubusog lang kung panay dugo ang kinakain. Ano tayo baby? Panay gatas." sabi nya sabay irap

"Hey! Easy! Natanong lang ee. Buti na lang, kala ko di ko na mararanasan yun ee."

"Tss. Magpahinga ka na nga." sabi nya at tumayo na sa pagkakaupo. Alangan namang sa pagkakatuwad. Tss korni ko. Teka nakalimutan ko yung sa black --S

"Bukas nga di ba may klase tayo? Wag kang mag alala yun ang topic namin ngayon. Lalo nat kailangan nang umaksyon dahil sa mga nangyayari." sabi nya at binuksan na ang pinto.

"Si-sige. Goodnight na kahit maaga pa." sabi ko at ngumiti sa kanya. Nginitian din nya ako at sinara na yung pinto.

Pagkalabas na pagkalabas nya at tumayo agad ako. Sa napapanood ko nakakapaglakad sa kisame yung mga bampira. Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim. Tumalon ako, narinig ko na may kumatok pero di ko yun pinansin. Kasabay ng pagtalon ko ang pagbukas ng pinto.

"Bj!!" narinig kong sabi nila, nabigo ako sa binabalak ko. Plakda ako sa sahig. Parang nagtambling lang ako na mali ang pagkakabagsak. Grrrr. Ang sakit ng batok ko!

"Seriously? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong sakin ni Steffanie

Umayos ako ng pagkakaupo habang hinihimas ang batok ko.

"Ee kasi sa mga napanood ko nakakatayo sa kisame ang mga bampira." sabi ko at nagpout. Ano ba to.

"Gosh Babe! Pinagaaralan yan. Di yan yung basta basta mahuhulog sa langit. Tsaka para saan ba yan. Kahit nga kami di na kami nag-aksaya nang panahon para lang matutunan yan, as long as marunong ka sa personal defense mabubuhay ka." sabi ni Bale habang may gesture gesture pa ng kamay.

"Gurang. Personal personal defense ka dyan. Para namang sinabi mong mahina si Bj." sabi ni Steffanie, tatlo silang nandito ngayon.

"Ano ba pake mo sa sasabihin ko? E sa trip kong sabihin yun eh!"

"Abat? Sumasagot ka na?! Halika dito sasapakin kita!" sabi ni Steffanie at hinabol si Bale

"Tss." sabi ni Demeclaire at lumakad papalapit sakin

"Ayos ka lang?" tanong nya sakin, umiling ako. Feeling ko nagkastif neck ako. Nagulat ako ng hawakan nya ang ulo ko at biglang ibinaling sa kabilang parte ang ulo ko.

"Arghhh." shit ang sakit. Ginalaw galaw ko yung ulo ko

"Ano ka ba naman kasi Babe kung anu ano kasi pinag gagagawa mo?"

"Ay nako. Kalimutan nyo na nga yon. Bakit nga pala kayo nandito?"

"Wala lang. Dinalaw ka lang namin. Sige mukhang maayos ka naman na at nakakagawa ka na ng kalokohan aalis na kami." sabi ni Steffanie at pumunta na ng pinto.

"Ansama mo. Triny ko lang naman." sabi ko at nagpout.

"Oo nga pala babe yung mga gamit mo nanjan na sa closet mo. Aalis na kami tutal maayos ka nga naman." sabi ni Bale

"Tss. Sige pre." si Demeclaire nagbro fist kami at umalis na sila.

Pagkasara ng pinto tumalon ako sa kama. Tumalbog ako ng ilang beses. Napahinga ako ng malalim.. Masyadong marami ang nangyari ngayong araw. Ang daming revelation ang nabunyag.

Bukas kaya?

Napahinga ulit ako ng malalim. Kailangan kong ihanda ang sarili. Dahil bawat minuto o sigundo man ay maaaring may mangyari na si inaasahan.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now