Chapter 21: Fight

991 57 4
                                    

--> Update for you. Tinamad akong gumawa ng assignment at wala pa ding teacher kaya nakapagdraft ako kahit papaano.

Chapter 21: Fight
Bj's POV

Tumalon ako sa pinakamalapit na puno. Umakyat ako ng umakyat hanggang maabot ko ang pinakatuktok at duon ko nakita ang lahat.

Ang mga fiend na nakalagay sa air balloon.

ANO TOH? MODERN TYPE NG PLANT VS ZOMBIE??!!

"Shit Bj. Asan ka ba?" narinig kong sigaw ni Ade

"Nandito ako sa taas!"

"Grrr. Ano namang ginagawa mo jan?!"

"Kasii..."

"ANO??!!"

"Ang dami nila dito sa taas. Nasa airballoon." sabi ko at bumaba. Sakto naman pagkababa ko nakatalikod sakin yung fiend kaya pinahaba ko ang kuko at dinukot ang puso nya. Bumagsak sya sa lupa. Huh! High class nga.

Tumingin ako sa gawi ni Ade at tapos na rin sya dung sa isang fiend. Tumingin sya sakin at umirap.

Nagulat ako ng bigla nyang punitin ang manggas ng uniform nya. (long sleeve kasi ang uniform ng mga babae)

"H-hoy! ano yan?!" sabi ko. May balak ba syang kagatin ang sarili nya at kinagat nga nya. Pipigilan ko sana sya pero masyado syang mabilis kaya nakagat na nya ang braso.

Nang makasipsip siguro sya ng sapat na dugo ay pumikit sya. Pinatapat nya ang dalawang kamay nya at inilagay sa tapat ng dibdib nya at inumpisahang magsalita ng kakaibang salita.

"H-hoy! Adellaide! Ano ba yan!" nilapitan ko sya at pipigilan sana pero may humara sakin. May invisible na hara na nakapaligid sa kanya.

Wala na akong naggawa kundi tignan sya. Napatingala ako. Malapit ng makarating ang ibang airballoon na may fiend.

"Eripmav City. Warning alert 3. Calling for your all attention. Suddenly attack of fiends. Get ready every one. Class s valencer call for a back up. Class f valencer assist the humans. Bring them in the infirmary of academy. Others surround around the city." may bumulong sakin na kaboses ni Ade?

Tumingin ako sa kanya at wala na ang invisible na harang. Dumilat sya at natumba. Mabuti na lang at nasalo ko sya.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo."

"Halika dali." sabi ko at binuhat sya.

"Ibaba mo ako. Ka-kailangan kong protektahan ang Eripmav."

"Hindi. Hanggat hindi ka nakakainom ng dugo."

"Pls. Bj." pagmamakaawa nya sakin. Umiliing ako at nag umpisa ng magteleport sa abot ng makakaya ko.

Sa awa ng dyos nakarating din kami ng infirmary ng school. Dineretso ko sya sa isang kama at inihiga. Tumakbo ako papuntang ref sa loob ng personnel room at kumuha ng isang supot na dugo. Kumuha din ako ng baso at inisalin ang dugo dito. Tinapon ko ang basura at bumalik kay Ade.

Pagkarating ko sa tapat nya ay kinuha nya agad ang baso at ininom. Halos masimot ang baso sa uhaw nya.

"Bakit ganun?" Tanong ko sa kanya. Alam ko na alam nya kung ano ang tanong ko. Bakit ang bilis nyang maubusan ng lakas. Yumuko muna sya bago sumagot.

"Malaki ang nababawas sa lakas ko dahil sa harang sa buong city. Kaya imbis na isang bese lang sa isang buwan ang inom ko ay nagiging lima na kung minsan ay nagiging anim at pataas pa."

"Ade delikado yan!"

"Pero magiging delikado din ang Eripmav kung di ko to gagawin!" balik sigaw pa nya sakin

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now