(Hey guys! Pasukan na, kaya naman eto ang update para sa inyo. Don't forget to vote and comment)
Chapter 17: The day (part one)
Bj's POVLinggo alas tres ng hapon....
Tatlong araw. Tatlong araw na ang nakalipas. Napakabilis naman kasi ng timeline ni author eh. So yun na nga, tatlong araw na akong nagrereview. Nagprapractice din ako incase na kung ano ang mangyari. Ayaw kasi nila sabihin kung anong ginagawa sa pagtataya.
At andito kami ngayon sa gym. Ang laki ng pinagbago ng gym kung dati normal na gym na pinagdadausan ngayon ay may makapal na glass ang nakapaligid dito. Siguro para hindi tamaan ang mga manunuod kung sakali.
Lahat pala ng baguhan ay mga convorted. Pag pinanganak kang bampira na talaga mag gaganto ka din pero sa edad ng limang taong gulang. Wow lang di ba?
Napalunok ako. Kung may ganito edi expected na may mangyayaring di kanais nais na bagay.
"Attention. Attention. Goodafternoon every one we are all here to witness the first test that will be given to the newbie vampires. I am your master of ceremony for today, Mark Jay Suarez. But first I would like to present to you our special guests for today. From White clan, Dianna Jhave, Fianna Jhave, Martin Jhave, Shacaina Robles and Yammaire Tamanny Secher." sabi nung mc. Lumabas ang limang tao galing sa gitnang pinto ng stage. Apat na babae at isang lalaki. Napatingin ako dun sa pinakamatangkad na babae. Ang lakas ng appeal nya. Nakapants at T-shirt lang sya pero ang ganda nya at teka? May nakalagay na papel sa mga dibdib nila nakalagay ang buong pangalan at ang clan na pinanggalingan. At isa syang Secher. Sya ata yung sinasabi nila Deme na kapatid nila.
"Moving forward here are Louis Young, Louisa Young, Maybelle Young, and Steffanie Young from Young clan." sabi ulit nung mc lumabas ang isang lalaki at tatlong babae kasama nila si Steffanie.
"Also from Yeats clan. Rayah Yeats, Samoisette Yeats, Zac Yeats and Elizabeth Yeats." katulad ng kanina lumabas naman ngayon ang apat na tao. Dalawang babae at dalawang lalaki.
"And our own young lady from Laude clan, Ms. Adellaide Laude." nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng gym.
Pumasok si Adellaide at talagang napanganga ako sa ganda nya ngayon. Nakasuot sya ng floral dress na sa harap ay hanggang tuhod nya pero sa likod ay mahaba. Nakalugay ang buhok nyang parating nakatali, nakakulot ito sa dulo.
"Ang ganda ng young lady noh?"
"Oo nga kaya lang masungit."
"Yun lang." narinig kong sabi ng mga katabi ko. Nandito kami sa bandang kaliwa ng gym kasama ang iba pang beginner.
"So as you can see. This will be the first beginner's test for area 11. We have our lieges here to lead the ceremony. And like we use to..." sabi nung mc na pabitin. Ano ba naman yan! Di na lang tuluyin at pasuspence pa.
"Magbubunutan tayo!" tuloy nya at talagang halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko sa kaba. Asdfghjkl! Ano to? Bakit kailangan pang magbunutan?!
'Aishh! Bwiset! Sana di ako mauna.'
"Ok so for our first step. Miya! The name box please!" sabi nung mc. May lumapit na babae na may dala dalang box. Pinasok nung lalaki ang kamay nya at paglabas nito ay kay hawak na syang papel. Napatingin ako sa mga liege. Nakaupo sila sa may stage na parang wala lang.
"Onyx Laria Russi." sabi nung mc. May tumayo na babae at tsss, yung babaeng italiana lang pala. Pero begginer lang pala sya.
"So I want you to hold this first." sabi nung mc at may inaabot na bolang cristal di naman ito kalakihan mga kasing laki ng bola sa basketball. Nung hinawakan ito ni Onyx ay lumiwanag ito at may nakita akong mga bilog na naka lagay sa guhit ng isa pang malaking bilog. Knower daw ang tawag dun.
"So you'll be in Jhave clan. Lets see in what area you excell most." sabi nung mc tinalikuran nya si Onyx at humarap sa mga liege. "Anyone?" sabi nya sa mga ito
Tumayo yung nakapalda ng maiksi na may nakalagay na name tag sa gilid nya. So Shacaina Robles. Since ang white clan ang pinakamalaking clan at isa pa silang pamilya ng mga wizard inaasahan ko ng magkakaiba ang kapangyarihan ng limang yun na galing sa Jhave.
Pumunta si Shacaina sa gitna sa tapat mismo ni Onyx. Nakapoker face na akala mo inip na inip sa ginagawa.
Halos mapatayo kami sa inuupuan namin ng lumipad sya at tangay tangay nya si Onyx pataas. So isa siyang celestial wizard?
Nang nakarating na sya sa pinakatuktok ng gym ay binitawan nya si Onyx. Tanging sigaw lang ni Onyx ang naririnig ng oras na yun pero laking gulat namin ng isang dangkal na lang ang layo ni onyx sa lapag ay bigla syang lumutang.
Nagpalakpakan ang mga liege. Si Shacaina naman ay lumipad na pabalik ng upuan nya.
Ano! Ganun lang yun?
'Tandaan mo malas ka kapag napunta sayong liege ay masungit. Yung tipong kung anu ano ang pinapaggawa.'
Naalala ko yung sinabi sakin ni Bale. Aishhh. Nanlalambot akong umupo sa upuan ko dahil di ako Nagkaroon ng pagkakataon na umupo kanina.
"So Ms. Onyx Laria Russi is a celestial wizard." sabi nung mc. At may kinuha syang makapal na libro at may isinulat.
"Astig. Sana makapasa din ako para masulat din ako sa book of vampire." narinig kong sabi ng nasa tabi ko.
"Oo nga. Ayoko namang maging valencer na lang noh." sagot pa nung isa. So ganun pala yun. Ang hindi makakapasa sa pagtataya na toh ay magiging isang valencer. Ang mga valencer naman ay may clan at hawak sila ng mga Laude pero di ganun kataas ang katayuan nila sa buhay.
Nagtawag na ulit yung mc. "Jewel Kristine Jargue." tumayo yung babae at katulad kanina humawak din sya sa bolang kristal. may bumaba naman na isang liege na galing sa Yeats. Kapag nga pala napunta ka sa Laude, Yeats at Young clan mapapalitan din ang apelyedo mo base kung saan kang clan na galing.
Samoisette Yeats. Nakatayo lang sya sa gitna. Si Jewel naman siguro kinakabahan medyo nanginginig sya.
Sa isang iglap nawala sa gitna si Samoisette at napunta sa likod ni Jewel nakaporma ang kamay nya ng parang baril at may lumabas na apoy sa kamay nito. Kung ganun isa syang fire elementist.
Mukhang naramdaman ito ni Jewel kaya yumuko sya. Nung nakalampas na ang apoy sa kanya ay bumangon sya kasabay nun ay may tubig na nakabalot sa braso nya. Tinira syang muli ni Samoisette pero isa ng dragon ng apoy ang ipinangsugod nito. Kaya naman gumawa ng isang Water Lion si Jewel na tanging ulo lang niyo at nilamon ang fire dragon ni Samoisette.
Nakarinig kami ng beep na tunog at nagsalita ang mc.
"Ok. Ms. Jewel Jargue for yeats clan. As a Water bender." sabi nung mc habang nagsusulat sa tinatawag nilang book of vampire.
"Ok for our next contestant. Uhmmm. Oh! Mr. Bryant James Heteo." sabi nung mc tumingin sakin. Nanlamig ako. Ako na ba talaga? Halos lahat ng bampira sa loob ay nakatingin sa kin. Kinakabahan akong tumayo at bumaba.
'Kapag nasa mismong pagtataya ka na. Huwag mong ipahalata na takot ka dahil lalo ka nilang pahihirapan.'
Naalala kong sabi ng Valencer ko. Inayos ko ang tindig ko at naglakad ng maangas. Kaya ko to.
"Wuhhh! Go Bj! Galingan mo!" -James
"Babes! Wag kang papatalo." sabi ni bale. Nakita kong binatukan sya ni Steffanie. "ano yan lalaban o makikipagpatayan? Manahimik ka nga bale!" narinig ko pang sabi ni steff
Nakarating na ako sa tapat ng bolang kristal. May isang bilog na malaki na may limang bilog sa paligid ng guhit ng malaking bilog. May mga simbolo ito na sa tingin ko ay simbolo ng mga clan.
"Ok hold the knower Mister."
Pinahawak na ako ng mc. Pagkahawak ko ay lumiwanag ito. At pagtingin ko ay may dalawang bilog ang nakapaibabaw. Teka? Dapat isa lang yun tulad nung kanila Onyx.
"Huh!" narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa loob ng gym.
"What?! Youre from Laude and Black clan?!"
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...