Chapter 50: Last
BJ's POVBagamat kinakabahan ay buong tapang ako nakatayo ngayon sa tapat ng isang abandonadong gusali.
Di ko nakita ang sarili kong babalik dito. Nang makatakas ako dito ay tinanim ko na sa isip ko na di na ako muling babalik dito.
Tumingin ako sa paligid at inis na napapadyak ng maalala ko ang plano nila.
Pinain lang naman nila ako.
Mag isa nila ako pinapunta dito para matiyak kung nandito ang tatlong kumag na yun.
Adellaide hindi mo ba ako mahal? Bakit pinagkakaluno mo ako?
Hindi ako gumalawa sa pagkakatayo ko dito. Sa tantya ko ay mga apat na kilo metro ang layo ko sa mismong gusali.
Ramdam ko pa rin sa buong sistema ko ang inis.
Bakit kasi ako pa! Di ako makamoved on.
Inisip ko ang prinactice ko kahapon bago naupo sa lapag. Bahala sila jan. Sabi nila nasa paligid lang daw sila nagmamasid.
Inisip ko na may bomba akong hawak. Matapos ay kunwari na sinindihan ko ito at saka hinagis papunta sa gusali. Inisip ko na nakarating ito aa second floor at wala pang isang minuto ay sumabog ito.
Hahahaha!
Masaya akong tumayo at nagtatatalon dahil nagawa ko ang gusto ko.
Mukhang masaya to ah?
Nagkagulo ang mga bampira sa loob ng gusali. Kusang nag adjust ang mata ko at nakita ang tumatakbong Vlademaire Secher. Papunta sa tauhan nila, alam kong tinatanong nya kung ano ang nangyari at ng mapatingin din sya sa bintana ay kinawayan ko sya at nginitian ng nakakaloko.
Sa isang kisap mata ay napunta sya sa harap ko.
"How dare you! Ang lakas ng loob mong mang gulo dito." at matapos nun ay tinangka nya ako suntukin. Bago pa lumapat sa balat ko ang kamao nya ay mabilis na naggala ang mata ko at nakita ang isang galit na Onyx na nasa entrance ng building.
Inisip ko na nandun ako at mabilis akong nakarating dito bago pa man nya ako masuntok. Dahil sa lakas pwersa na binitawan nya ay natawa ako sa itsura nya dahil na out of balance sya.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ni Onyx na mukhang ngayon lang naramdaman ang presensya ko. Di ko pinansin ang tanong nya at pinagpatuloy ang pagtawa.
Alam kong bwiset na bwiset na sa akin ngayon si adellaide dahil sa mga pinag gagagawa ko.
Tinignan nya ako ng masama. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at nginitian sya.
"Chill. Nandito ako para makipag ayos."
"Makipag ayos?"
"Yup. Inulit mo lang sinabi ko."
"Fuck you BJ!"
"Sorry pero si Ade lang ang ifufuck ko." sagot ko sa kanya sabay tingin sa isang direksyon kung saan nagtatago si Ade sabay wink
Panigurado pulang pula na yun at naalala ang nangyari kahapon
Sumigaw sya sa inis. Akala ko ay normal lang na sigaw ito pero nagulat ako ng may maglabasan na tao galing sa malawak na lupain sa tapat ng gusaling ito, or should i say fiend?
Halos mapuno nito ang buong paligid matapos ay panay kagubatan na ang makikita mo.
"Ano to? Zombie marathon?" tanong ko pero sinugod na nya ako.
Woah. Asan na yung back up ko?
"Hey di ako napatol sa babae."
"Then, you should! Ng mapatay na kita!"
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...