Chapter 28: Thoughts

784 33 1
                                    

A/N: Ang hirap pala mag update sa web. Anyway etoo na?!

Chapter 28: Thoughts

Bj's POV

Napatingin ako sa pinto ng bigla itong tumunog. Nagpanggap akong tulog hanggang sa naramdaman ko na may pumasok sa loob.

"Hindi pa rin po sya gising. Opo. Sige po." mula sa pagkakapikit ko rinig na rinig ko ang pagsalita ng isang babae. Alam kong babae sya pero di ko alam kung sino ang kausap nya.

Napakadilim ng kwarto na pinaglalagyan ko kaya kahit dumilat ako ay hindi nya ako maaninag maliban na lang kung may kapangyarihan syang nakakakita sa dilim.

May liwanag akong naaninag pero di ko tiyak kung saan galing.

May narinig akong tunog at base dito ay alam kong may nilapag sya. Di sya nagtagal at umalis din sya. Pagkasara na pagkasara nya ng pinto ay agad kong inimulat ang mata ko.

Mabuti at hindi ako nakatali kaya malaya akong nakakakilos. Tumayo ako ng mapalingon alo sa maliit na lamesa di kalayuan sa akin na may mga lamang pagkain, di ko ito pinansin at naghanap ng bintana, di naman ako nabigo ay nakakita akong isa.

Mabilis akong lumapit dito at inakyat. Ganun na lang ang panglalambot ko ng makita ko ang labas.

Isang malawak na bukirin.

Pinagmasdan kong maigi ang kapaligiran at mukhang nasa second floor ako kung anong klaseng bahay man tong pinagkakalgyan ko.

Nasipa ko ang lamesa sa inis ko.

Tsk. May bintana nga di naman ako kasya.

Wala pang ilang sigundo ay nakarinig ako ng mga yabag papunta sa kwarto ko. Bumukas ang pinto at lumabas dito ang isang taong pinakaiinisan ko ngayon.

Ang tatay ko.

"BJ." tawag nya sakin. Nakita ko sq gilid ng mata ko ang isang upuan. Mabilis ko itong kinuha at inihagis sa kanya. Mabilis namang kumilos ang dalawang fiend sa gilid nya na syang humara sa binato. Ang isang di tinamaan ay dumiretso papunta sa akin at tinangkang suntukin ako pero nakailag ako.

Sinipa ko sya sa tuhod dahilan para bumagsak sya. Pinahaba ko ang mga kuko ko at dinukot ang puso nya. Kasabay na pagdukot ko sa puso nya ay sumugod muli ang dalawang fiend.

Sabay nila akong sinuntok pero nanatili akong alerto.

Focus BJ. Totoong laban na to BJ, hindi na to practice.

Tinira ako ng isang fiend na pangalanan nating fiend 1 sa tiyan pero mabilis akong umikot at hinila si fiend 2 dahilan para si fiend 2 ang masuntok ni fiend 1.

Magaling BJ. Nakakapagisip ka pa ng kalokohan kahit nasa alanganing sitwasyon ka na.

Tumumba ang fiend 2 na sinuntok ni fiend 1. Tinignan nya ng masama ang kasama. Bumaling naman sa akin si fiend 1 na dapat ay susuntukin akong muli pero sumigaw ang walang hiya kong tatay.

"Tama na!!" pag agaw nya ng pansin sa epal na fiend na sugod ng sugod sakin.

"Tss." pagsinghal ko sabay pagpag ng damit ko.

"Lumabas muna kayo. May pag uusapan lang kami." utos nya.

Nagsialisan ang lahat ng nasa kwarto at ang natira lang ay ako at ang tatay ko.

Sinara nya ang pinto pagkalabas ng mga alagad nya sabay harap sa akin, tinignan ko sya ng masama pero bumuntong hininga lang sya.

"Pakawalan mo ko."

"Hindi pwede."

"Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko. Natigilan sya sa tanong ko pero mamaya maya ay ngumiti sya saka nagsalita.

"Papakawalan kita sa isang kundisyon."

Inismiran ko sya saka tinalikuran.

"Alam mong ayoko sa mga kundisyon." sabi ko at nawala ang ngiti nya sa mga labi.

"God BJ. Anak ba talaga kita. Bakit napakihirap mong kumbinsihin?"

"Kumbinsihin?! Kinukumbinsi mo ba ako sa paraang ito?!"

"Huminahon ka, para sayo din naman tong ginagawa ko."

"Para sakin? Bakit?! Kelan ka ba nagkaroon ng alala sakin?!" Maangas na sabi ko. Mukhang naubusan na sya ng pasensya kaya sinuntok nya ako. Di ko inaasahan ang isang yun kaya di ako nakailag. Natamaan ako sa bibig.

Pinunasan ko ang labi kong masakit at di nga ako nagkamali, pumutok ito.

"Ayan dyan ka naman magaling. Ang manakit. Ang saktan kami palagi ni mama."

"Alam mong hindi totoo yan BJ."

"Alam kong alam mo papa na yun ang alam ko!!" sigaw ko. Natigilan sya saka umiling

"Sa susunod na kita kakausapin. Di tayo magkakalinawan kung parehong mainit amg ulo natin." sabi nyabat dumiretso na ng lakad. Isasarado na nya sana ang pinto ng magsalita ako.

"Ayan dyan ka din magaling." pag uumpisa ko "ang iwanan at mang mang iwan kapag di mo na alam ang gagawin mo." at tuluyan na tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha.

"Hindi ko alam BJ. Sa dami na ng nangyari hindi ko na alam ang gagawin. Pero sana ako ang pakinggan mo ngayon kahit ako muna. Pagkatapos nito kahit patayin mo na ako." Yumuko sya bago sya nagpatuloy. "Para sayo tong ginagawa ko, para sa inyo ni Adellaide." Sabi nya saka tuluyan ng lumabas.

Nanglalambot akong umupo sa gilid ng kama.

Tsk. Fuck him!!!

- - - -

Someone's POV

"Hindi ko na kaya ang pananahimik na ito. Kailangan nilang malaman na buhay pa tayo."

"Manahimik ka! At ano sisirain mo na lang ang lahat ng plinano natin?"

"At ano nahihirapan na an---"

"Nahihirapan din naman ang anak ko ah! Pero tinitiis ko." napatingin kaming dalawa ng bigla syang umiyak.

Pinunas ko din ang basa kong pisngi saka nagsalita

"Pasensya na. Nagaalala lang ako."

"Nag aalala din kami pero kailangan natin hintayin ang tamang panahon."

"Tama sa tamang panahon."

Oo tama. Sa kabilugan ng buwan. Ang tamang panahon.

****************************************************

A/N: pasensya na kung maiksi. Please comment guys. I love you #ALDUBmeetsTVJ
Baha tweeter ko sa dami ng tweets ko jan. Follow me on tweeter @BabyChububu and like the official page of he's dating the vampire girl www.facebook.com/hdtvg

Anyway thanks and a special mention to @IGotExo0794 sa paggawa po ng book cover. I really love it po. Thank you!

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now