Chapter 5: Alchemy

485 12 2
                                    

Chapter 5: Alchemy
BJ's POV

"Sâ mergen unde vrem." bigkas nya. Mabilis na may lumabas na isang magic circle sa ilalim ng inaapakan namin. Umangat ito pataas habang ang lahat nang nadadaanan nitong parte ng katawan namin ay lumiliwanag at nawawala. Wala akong nararamdaman na kakaiba. Ganun lang ang nangyari hanggang sa lumagpas ng ulo namin ang magic circle.

Sa una ay tanging liwanag lamang ang nakikita ko ngunit ng makalipas ng ilang segundo ay unti unti nagkaroon ng hubog at itsura ang paligid namin.

Inilibot ko ang paningin ko kaya nalaman ko kaagad na napunta kami sa ibang lugar.

Pero ano nga ba ang ginawa nya?

Isa iyong itim na mahika. Alchemy sa english. At ayon sa nabasa ko nung isang araw na pinabasa sa akin ni John ay Alchemy is a philosophical and protoscientific tradition practiced
throughout Egypt and Eurasia which
aimed to purify, mature, and perfect
certain objects. Common aims were chrysopoeia , the transmutation of " base metals " (e.g.,
lead ) into " noble" ones (particularly
gold ); the creation of an elixir of
immortality ; the creation of panaceas
able to cure any disease; and the
development of an alkahest, a universal solvent . The perfection of the human body and soul was thought to permit or result from the alchemical magnum opus and, in the Hellenistic and western tradition, the achievement of gnosis . In Europe, the creation of a philosopher's stone was variously connected with all of these projects.

Agad akong napatingin kay Leticima ng maramdaman kong nakatitig sya sa akin.

"Hindi ka marunong makiramdam. Dapat maging alerto ka sa lahat ng oras." hindi ako kumibo at nanatili lamang na tahimik. Hindi ko alam kung bakit Leticima ang pangalan nito, babae ata to eh.

"Ang pag-aaralan mo ngayon ay ang paglalakbay sa ibang dimensyon ng hindi gumagalaw at lalabas ka sa ibang lugar."

"Dimensyon? Napunta tayo sa ibang dimensyon kanina?"

"Oo ang liwanag na iyon ay ang mga pintuan ng walang hanggang lugar. Alin man ang buksan mo ay may mapupuntahan ka. Pero kapag nagkamali ka sa pagcacast ay maaring makulong ka sa dimensyon na ito."

Makulong? Nakakatakot naman, di ko gagamitin yan.

"Sige subukan mo. Wag kang mag-alala di tayo makukulong dahil kasama mo ako."

"Anong mangyayari sa atin kung sakaling makulong tayo?"

"Mamamatay ang katawan natin. Kung isa tayong sinaunang uri ng bampira ay maaring dumaan tayo sa proseso kung saan unti unti manunuyo ang balat, iiyak ng dugo at kakawala ang mga kapangyarihan sa katawan hanggang sa ma-abo ka."

"Ah."

"Pero dahil naiba na ang kalagayan natin, mamamatay na lang tayo sa simpleng paraan katulad ng kung paano mamatay ang isang tao."

"Mabuti naman."

"Pero maaring umiyak ka pa rin ng dugo." mabilis nyang dugtong sabay halakhak

Tinignan ko sya ng masama pero isang ngiti lang ang isinukli nya sa akin. Sumenyas sya na lumapit kaya lumapit ako papunta sa kanya. May iniabot syang papel sa akin.

"Ayan ang spell. Kailangan malinaw mo iyang bigkasin para di ka mapunta sa iba pang dimensyon

Sâ mergen unde vrem

Ayon sa nabasa ko kanina there arw different kind of dimension, in tagalog madaming klase ng dimensyon. Katulad ng 2D, 3D, at 4D. Pero hindi joke yan. Yan ang dimensyon na alam ng mga tao at sa mga may kapangyarihan o biniyayaan ng pagkakataon ay nakakapunta sila sa iba't ibang klase ng dimensyon. Ang dimensyon ng oras, dimensyon ng panaginip, dimensyon ng ala-ala at marami pang iba. Napakakumplikadong bagay tanging matatalino lamang ang makakaintindi tulad ng sabi ni John.

"Sige na gawin mo na. Kailangan mo lamang isipin ang lugar na gusto mong puntahan. Yang spell na ginamit ko sayo ay short cut na yan. Pinadaling way baga."

"Bakit may iba pa ba?"

"Oo. Dimension din ng oras pero ikaw mismo ang papasok sa pintuan papunta sa lugar kung saan mo gusto pumunta. Sige na." paliwanag nya, bumuntong hininga ako at tinitigan ang papel bago ito binigkas

"Sâ mergen unde vrem!" katulad ng kanina ay may umangat muling isang magic circle. Napunta kami sa bahay namin ni Adellaide.

"Magaling. Yaan lamang sa ngayon. Aalis na ako."

"Sige. Maraming salamat Leticima."

"Isa kang magaling at mahusay na bampira kung naging isa kang sinaunang bampira ay ay tiyak na bagay na bagay ka sa papel bilang hari."

"Oo. Makakaasa kang gagalingan ko pa." sagot ko at tumango sya bago sumagot

"Sayang lamang at nabahiran ng dumi ang lahi natin." sabi nya at matapos ay mabilis na syang naglaho

Ganun ba kabikat ang ginawa ng tatay ko para kanila? Hindi ba sila naging masaya dahil nakawala sila sa sumpa ng araw?

Bumuntong hininga ako at pumasok na ako sa loob ng bahay.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now