Chapter 13: As a vampire

1.6K 81 21
                                    

(Vote and comment guys! Nagkakaroon na ng thrill at saysay tong story ko. Nakakatuwang makita na may nagbabasa pero mas maaapreciate ko kung may magvovote at comment. Kahit comment na lang. And use the #HDTVG. Thanks for reading! )

Chapter 13: As a vampire
Bj's POV

"Eto yung schedule mo. Tapos mamayang ala sais may training tayo. Magdala ka ng extra na damit na madami dami. Ipapakita ko rin mamaya sayo yung locker mo." sabi nya sakin pero wala akong paki ang sarap ng kain ko kaya mamaya ko na sya iintindihin

"Hoy Bj nakikinig ka ba?" tanong nya sakin

"Hindi." sabi ko sabay subo ng hotdog

"Aish. Bj umayos ka nga." aniya habang Nakatingin ng masama sakin

"Ade wag ka nga muna magulo ang sarap ng kain ko kaya pwede ba?" sabi ko at sinubo ang pancakes

"Tss." sagot nya at kumain na rin. Nandito kami ngayon sa dining area nila kung saan ang lamesa nila ay pagkahaba haba. Nakakaloko. At ang pagkain, sows. Ang sasarap. Nakaupo sya sa pinakadulo ako naman sa kanang part. May mga maid na nakapaligid samin

"Tss. Papasok na ako. Mamili ka na lang ng driver jan. Tawagin mo si Quintin." sabi nya at tumayo na

"Call manong Edi." sabi nya dun sa unang maid na namataan nya. Yung maid naman yumuko at biglang naglaho. Kaparehas ng sa black wizard kaya lang ang pinagkaiba puti ang aura ng usok nito.

Tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Tinuloy ko ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto ko. Nakakatuwa lang at sa haba ng hagdan di ako napagod umakyat. Pagkatapos kong magayos bumaba na ulit ako. Nakasalubong ko si Quintin na nakatayo sa main door. Yumukod muna sya bago nagsalita.

"Young master this way." sabi nya at iginay ako papunta sa parking lot nila

Pagkarating namin sa parking lot halos tumulo ang laway ko dahil sa mga kotse ko. Shit! Lahat ng latest na kotse ng lahat ng brand.

"Young master.... "

"Shit ang gaganda ng kotse. Uhmmmm. Gusto ko itim kuya. Ano bang gamit ni Ade?" sabi ko habang lumapit dun sa itim na Lamborghini

"Yung itim na Ferrari Young master." sagot nya sakin

"Hohoho. Sige na kuya alis na tayo." sabi ko at sumakay na sa loob ano ba yan ang init naman dito. Nakita kong yumukod na si Kuya Quintin.

Nanatili lang ako sa loob nun ng ilang sandali. Nang may biglang pumasok na isang lalaki.

"Kuya ikaw ba ang driver ko? Anong pangalan mo? At ilang taon ka na?" tanong ko sa kanya. Ini on na nya ang makina at pinaandar na. Ngumiti muna sya bago sumagot.

"Ako po si Mateo. Ako po ang napiling magiging driver nyo ni Young Lady. 153 taong gulang na po ako." sabi nya at tumingin na sa daan. Tss sabi nya ako ang pipili? Bakit sya ang pumili sana sinabi nya kotse ang piliin hindi driver. Pipili sana ako yung sexy. Hahahahahahaha.

Nakarating kami ng skwelahan sa loob ng limang minuto. Nung tumapat kami sa gate hiningi ni Kuya Mateo yung id ko at iniscan. Tuloy tuloy na kaming nakapasok.

Pagkapark na pagkapark ni kuya bumaba na ako. Huminga muna ako bago lumakad. Naisip ko lang, baguhin ko kaya style nang pananamit ko? Yung malabad boy para magkaroon ng maraming magkakagusto sakin.

Tumingin ako sa relo ko at 5 minuto bago mag umpisa ang klase. Binilisan ko na ang lakad ko. Pagkapasok ko ng room wala pa namang teacher. Lumakad na ako papunta sa upuan ko. Nakasalubong ko ang mga mapanuring mata. Nakakita din ako ng mga bagong mukha na siguro ay mga transferry.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now