Chapter 3: First day

3.1K 160 14
                                    

Chapter 3: First day
Bj's POV

Sa sobrang pagiisip ko di ko namalayan ang oras, kaya nalate ako. Tumakbo ako papunta room ko, at kamalas-malasan naligaw pa ako kaya halos kalahati na nang oras ng first subject nang makita ko ang room namin.

Pagkakita ko ng room iniscan ko agad ang ID ko at pumasok. Di ako pinansin ng teacher as expected. Umupo lang ako sa pinakalikod. Linabas ko ang nb ko at inumpisahan magsulat. Ano ba yan? 30 minutes pa lang ang itinatagal nya dito napakadami na agad ng nasulat nya.

Mga limang minuto pa lang ata ang itinagal ng pagsusulat ko pero sumasakit na yung kamay ko. Nakarinig ako ng tawa at paguusap sa magkabilang panig ko.

Tumingin ako sa kanan at nakita yung maarteng babae kanina.

"Ano ba yan! Sya lang pala ang kaklase natin na kulang. Akala ko pa naman si Vlademmaire. Asarr! Umasa pa naman ako." Bulong nung maarte habang nagsusulat.

"Ayan girl masamang umaasa. At ano bang problema mo kay kuya? Ang cute kaya nya."

"Anong cute? Basta Vlademmaire lang ako. Asdfghjkl....."

Nakita ko yung babae na kaibigan nung maarte na nakapangalumbaba habang nakatingin sakin. Nung magtama ang paningin namin kinindatan nya ako. Kaya naman kinindatan ko din sya.

"Kyahhhhhh!" Nagulat ako ng bigla syang sumigaw. Kaya ang ending pinalabas sya ng teacher.

Habang kinukuha nya yung bag nya at umaalis panay ang tingin nya sakin at muntik muntikan pa nga syang madapa.

Napatingin ulit ako dun sa babaeng maarte. Ang sama ng tingin nya sakin. Ng makalabas yung kaibigan nya pinakyuhan nya ako at pinagpatuloy na ulit ang pagsusulat.

Nakarinig ako ng tawa. Tumingin naman ako sa kaliwa at nakita ko naman yung magandang babae na nakita ko di kanina na pinipigilan ang tawa.

Napailing na lang ako. Anong klaseng skwelahan ba tong napasukan ko at ang wiwierd ng tao.

- -

Lumipas ang buong hapon ko at naging maayos lang naman. Alas kwatro na kaya uwian na namin.

Papalabas na sana ako ng room ng makita kong nakasandal sa pintuan yung magandang maputlang babae sa pinto. Kami na lang pala ang tao dito.

Di ko sya pinansin at lumakad na sa kabilang pinto. Hahawakan ko ma sana ang door knob nung pinto ng di ko namalayan na nasa harap ko na yung babae.

Teia? Andun sya kanina aa?

"Hi."

"Amm. Hi."

"Come on. Wag ka ng mahiya sakin. Adelaide nga pala." Sabi nya sakin at ianabot ang kamay.

"Ahmm. Bryant James Heteo, pero you can call me BJ." Sabi ko at inaabot ang kamay nya.

*dugdug dugdug dugdug*

Ano ba to. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Binawi ko na ang kamay ko at inayos ang komposisyon ko. Tinignan ko sya at napansin ko na mukhang natatawa na naman sya.

"Hahahahahaha. Nakakatawa ka talaga."

Napakamot ako sa batok ko dahil di ko naman alam ang sasabihin ko.

Ano ba kasing nakakatawa sakin?

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now