Chapter 14: Bale and Steff
BJ's POVNagkagulo sa council dahil sa nalaman nila. Takot at galit ang nakikita ko sa pagmumukha nila.
Takot dahil isang ancient vampire daw ang kalaban namin. Mahirap daw ito patayin at hindi ganuon kadali itong mapatay. At galit dahil alam kong naiinggit sila sa kalagayan ng Vien na iyun. Alam kong naiinggit sila dahil isang ancient vampire ang kalaban namin ngayon at sila ay isang kalahating tao at kalahating bampira. Damphyr kung baga. Ang kapangyarihan nila ay hindi nila nagagamit ng buo dahil sa katawang tao. Kaya nagkukulong sila sa loob ng apat ng sulok na gusali na sentro ng syudad ng Eripmav at nagpapalakad kuno ng syudad para lang matawag silang malalakas.
"Sa oras na mahuli natin si Vien anong balak mong gawin?" tanong sa akin ni James. Nagulat ako ng malamang kilala nya ito, pero hindi nya sinabi kung paano nya ito nakilala.
"Hindi ko alam. Wala pa akong balak."
"Gusto ng council na patayin mo sya."
"Hindi ko maaring gawin iyun. Wala sa bokubularyo ko ang pagpatay. Ang council ay masyadong gahamad sa kapangyarihan. Alam kong kapag ako ang umupo sa pwesto bilang hari ay paiikutin lamang nila ako."
"Baguhin mo amg mga batas."
"Titignan ko." sagot ko at tinungga ang isang basong alak nasa bahay kami ngayon ni Ade nag-iinom
"Galit na galit si Demeclaire."
"Wala akong magagawa. Kasalanan ko ang lahat."
"Alam mong hindi totoo iyan."
"Alam mong totoo yan. Sabihin na nating hindi ko kasalanan lahat pero may kasalanan pa rin ako."
"Lahat tayo ay may kasalanan."
"Hindi na ako magtataka kung hindi na ako pansinin ni Deme."
"malamang. Anak nya iyun. Pero unawa din."
Mahabang katahimikan ang nangibabaw. Pumasok si Ade at malungkot nginitian ako at saka yumakap.
"Babe."
"Pasensya na babe."
"Wala yun babe."
"Ano ba kayo? Magshota na o M.U. pa. O engage na. Ang gulo nyo ah." sarkastikong sabi ni James
"James naman."
"Ade hiwalayan mo na yan bago pa mahuli ang lahat."
"Manahimik ka nga James. Hindi ka nakakatuwa."
"Mahal hindi ka natutuwa sa akin?" malungkot na sabi ni James na para bang naluluha luha pa lumapit ako sa kanya at saka binatukan sya ng malakas
"Siraulo! Babe wala yun ah!"
Hindi sumagot si Ade sa akin at nakapoker face lamang sya na nakatingin sa amin.
"Mahal."
"Shut the fuck up James."
Sigaw ko sa kanya at bumalik sa upuan ko. Hinapit ko ang bewang ni Ade at iniupo sya sa binti ko.
"Babe galit sa atin sila Avril."
"Oo nga babes eh. Syempre anak nila iyun at nasa bahay natin ang dalawa ng mangyari ang krimen kaya tayo dapat ang masisi."
"Pero di ba nila maintindihan na yung anak nga natin ang nakuha!"
"Babe." hinawakan ko ang pisngi nya saka nilapit ang mukha nya sa akin at inilapat ang noo ko sa noo nya "Magulang sila. At ang gusto lamang nila ay ang makakabuti sa anak nila. Nag aalala lamang ang mga iyun kaya ganun ang nararamdaman nila."
"Oo nga tulad ni Bale. Buntis na."
Sabay kaminh napa ubo ni Ade ng biglang magsalita si James na nakaupo pa pala sa tapat namin.
"Buntis si Steff?!" gulat na sigaw ng asawa ko, este syota
"Oo at mukhang madami dami." isang ngiting nakakaloko ang nakasuot sa labi nya
"Kambal din? Aba nasa dugo ah."
"Baka hindi lang! Mwahahahahaha!"
"Seriously! Kaya ba yun ni Steffbabes?" nag aalala na tanong ni Ade
"Kaya nya yun. Nakaya nga nilang gawin eh." naiiyak na paliwanag ni James matapos nyang sabihin iyun ay muli na naman sya tumawa na parang baliw
"Para kang baliw. Ano naman kung madami."
"H-hindi. Nung nagbati kasi sila kasi nga di ba nagalit si Steff dahil nga sumanib kami sa masama, humingi si Bale ng tulong sa akin kung ano ang dapat gawin nya kaya bumuo kami ng candle dinner para madate nya kaso kamo nakita ko sila sa kotse nagbabasket ball na." muli ay tumawa sya at ang saya saya nya talaga, samantala kami ni Ade ay nakatingin lang sa kanya dahil wala kaming naintindihan sa mga sinabi nya kakatawa nya
"Narinig ko ata pangalan ko." napatingin kaming lahat ng biglang pumasok si Bale. Dire diretso syang naglakad at saka tumalon sa likod ni James.
"Napakadaldal mo talaga!"
"Bakit ako! Mwahahahaha!"
Masaya akong ngumiti at hinigpitan ang yakap ko kay Ade. masaya akong makitang masaya na ulit si Bale. Nung umpisa ay medyo ilap pa sya sa akin, sa amin. Pero araw araw lagi kong sinasabi sa kanya na pinapatawad ko na sya. At walang makakatibag sa pagkakaibigan namin apat. Maging si James ay ganun din sa umpisa pero ng makita nyang napalapit ang loob ko kay Lynyx ay binuksan na din nya ang puso nya.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko ito.
Walang pangalan ang natawag sa akin. ganun pa man ay sinagit ko ito.
"Bryant James Heteo. Magkita tayo."
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...