A/N: Opo! Hahahaha. Kaya ayan! Enjoy reading and Happy Vacation!
Bj's POV
Nagulat ako ng makita ko ang sarili kong sakal sakal si James ng isang kamay ko habang may puting liwanag na nadaloy sa paligid ng kamao ko na sa tingin ko ay dapat na isusuntok ko sa kanya.
Agad ko syang binitawan at saka lumayo. Lumayo din sya at umubo ubo.
Tinignan ko ang kamao ko. Anong nangyari? Bakit wala akong maalala?
Ang huli ko lang natandaan ay nung nagsalita sya ng masakit patungkol sa akin. Nag init ang ulo ko at, at hanggang doon lang ang naaalala ko.
Ng mapatingin ako sa kanya ay gulat at galit na tingin ang ipinukaw nya sa akin.
"A-anong nangyari?" tanong ko pero katulad ng tingin nya sa akin kanina ay ganun pa din. Di man lang sya umimik at sumagot.
Lumakad ako paunti unti palapit sa kanya. Pero mabilis syang tumayo at lumakad papalapit sa pintuan. At walang sabi sabing lumabas. Padabog pa nyang sinara ang pinto.
Nasipa ko ang kama sa inis ko. Anong katangahan ba ang naggawa ko? Ano ba talagang nangyari? Bakit may liwanag sa kamay ko? At saan nanggaling yun? Ayun na ba ang kapangyarihan ko?
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Napakadaming tanong ang natakbo a isipan ko.
Fuck it!!!
Nagulat ako ng biglang may pumasok. Si james na may kasamang limang lalaking fiend sa tingin ko.
"Ipasok yan sa Exodus Room. Wag yan papalabasin." sabi nya at mabilisan akong nilapitan ng mga tauhan nya. Ipinosas ako at saka hinila.
Nilakad namin ang kahabaan ng hallway at tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. Binuksan nila ito at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang laman ng kwarto.
Mga bampirang buto't balat!
"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko pero parang nanghihina ako
"Wag ka ng manlaban mahal kong kapatid. Wala ka ng magagawa. Mabubulok ka dyan kasama ng mga kalahi mo at kaclan mo." sabi nya ng blanko
"Humanda ka lang James. Dahil pag ako nakalabas dito papatayin kita!! Sumusobra na ang kasamahan mo!!" lumapit sya sa akin at nilapit ang ulo nya sa ulo ko. Hawak hawak pa rin ako ng dalawang fiend
"Sige lang kung makakalabas ka." bulong nya sabay hagupit ng tawa. Nagsitawanan din ang mga fiend. Tinignan sila ng masama ni James dahilan para tumigil sila sa pagtawa.
Tss! This is impossible!
Nilibot ko ang tingin ko at ganun na lang ang awa ko sa mga bampirang nandito.
"So alis na ako. Goodluck dyan sa bago mong mundo." sabi nya. Sumunod sa kanya ang mga tauhan nya at saka sinarado ang pinto. Ngayon ko lang napansin na bakal ito.
Niyukom ko ang palad ko.
Grrr. Nakakainit ng ulo. Dapat kanina pa ay pinatay ko na yun!!!
May lumapit sa aking lalaki at tinanggal ang posas ko. Inikot ikot ko ang kamay ko dahil medyo masakit dahil nahihigit kanina
"Saan nyo po nakuha ang susi?"
"Sya talaga ang taga hawak." sagot ng isang matandang babae na may hawak ng boteng babasagin
Binilang ko sila at sa tingin ko ay nasa 16 kami dito sa kwarto. Hindi ko na sinama ang mga patay na. Nakabulagda na lang sila sa isang sulok sa sahig.
"I-ilang araw na po kayo dito?"
"Walong buwan na ako dito. Si Marco ang pinakamatagal dito isang taon sya." nagulat ako isang taon? Natiis nila ito?
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...