Chapter 6: Investigation

512 12 0
                                    

Chapter 6: Investigation
Bj's POV

"Babe!" sya agad ang bumungad sa akin ng mabuksan ko ang pintuan. Patakbo syang lumapit sakin at humalik sa pisngi ko.

Nawala agad laat ng pagod ko makita ko lamang sya. Kung hindi lamang nya gusto na ako ang maging hari ay hindi ko ito gagawin. Para sa kanya gagawin ko ang lahat.

"Kamusta ang araw mo babe? Ang pag eensayo?" masiglang tanong nya, ipinulupot ko ang braso ko sa bewan nya at sabay kami naglakad.

"Ayos naman. Nakakapagod lang."

"Halika! Lulutuan kita!" sigaw nya na para bang nakaisip ng magandang ideya pero bigla syang tumigil sa paglalakad na para bang naalala

"Ay. Nasa receiving room pala si Kuya John babe." aniya sabay pout "gusto ka daw nya makausap saglit." dugtong pa nya

Tumikhim ako at tinanggal ang pagkakapulot ng braso ko sa kanya. Kakakita lang namin kanina ah? Ano na naman kailangan nya? Bakla ata yun eh, may gusto sakin. Gustong lagi ako makita.

"Sige babe puntahab mo na sya. Wag kang mag alala lulutuan pa din kita. Uumpisaan ko na din na." masigla pa din nyang sabi

Nagpaalam na sya at dumiretso na ng alis at pumunta ng kusina. Habang papunta ako ng RR nakasalubong ko si Charles na dala dala si Hell habang umiiyak na para bàng pilit na pilit lang sya ng buhatin ito at nakalaylay pa ang bata sa bisig nya

"Bakit umaiiyak yan? San mo dadalhin?" tanong ko lumapit sa anak ko

Pinasok na namin sya sa school at grade six na sya ngayon. Mabuti na lamang at may ari ng skwelahan ang nanay-nanayan nya (dahil di pa kami kasal) kaya di kami nahirapan ipasok ito.

Tinignan nya ako ng masama tapos ay nagulat ako ng bigla nyang tangkain ilaglag sya pagkakabuhat si Hell dahilan para mas lalo ito umiyak dahil nagulat.

Nasapo ko noo ko sa nakita ko. What is this time charles?

"Bakit mo dala dala si Hell? Saan mo dadalhin?" nagtitimpi kong tanong

"I hate her." diretsong sabi nya. Lalo lumakas ang pag-iyak ng bata

"Charles!"

"Itatapon ko lang muna to Dad" sagot nya sa sigaw ko at dire-diretsong naglakad at linampasan ako

"Your kidding right?!" tanong ko pero ni hindi nya ako tinapunan ng tingin at diretso pa rin ng lakad

"Babe!!! Si Charles!! Itatapon si Hell oh!" sigaw ko, mamaya-maya ay nakarinig ako ng kalampagan ng mga kaldero at kawali matapos ay mahabang katahimikan. Mga isang minuto nangibabaw muli ang atungal ni Hell.

Napabuntong hininga na lang ako at tumuloy na ng lakad. Si ade na ang bahala dun.

Pagpasok ko ng receiving room ay naabutan ko dun na nainom ng tsaa si John. Tumango sya ng magtama ang mga mata namin bago binaba ang tasang iniinuman nya.

Sinarado ko ang pintuan at nilock para walang makapasok na mang-gugulo sa usapan namin. Matapos ay tumuloy ako at naupo sa katapat na upuan

"Naparito ka?" tanong ko pero di nya ako sinagot bagkus may nilapag syang envelope sa lamesa

"Ano yan?"

"Buksan mo." katulad ng sabi nya ay kinuha ko ito at binuksan. Tumambad sa akin ang ilang litrato ni Onyx na may kasamang binata. Sa tantsa ko ay mga nasa 12 anyos pa lang sila dito

"Nakita ko yan sa locker ni Onyx."

Tinignan kong maigi ang itsura ng binata at di ko matandaan kung saan ko nakita ito

"Xiron Vien Reynes. Kababata ni Onyx. I think he is necessary para sa imbestigation para sa kaso mo." pinapaimbestigahan ko kasi kung bakit ganun ang kinahantungan ng lahat. Maliban sa dahilan na pinatay ni Papa ang nanay ni Onyx parang di sapat na dahilan ang paghihiganti nya. Naalala ko ang binanggit nyang ako ang may kasalanan ng lahat.

"Nag-aaral din sya sa skwelahan nyo."

"Si Xiron?"

"Malamang. Alangan si Onyx patay na nga di ba?" pamimilosopo nya sabay irap

Tumango tango ako at inisa isa muli ang mga litrato.

"Aalis na ako. May natutunan ka ngayong araw?"

"Oo maganda ang pinag-aralan namin ñi leticima ngayon."

"Mabuti ipagpatuloy mo yan. Makakatulong iyan sayo sa hinaharap."

Hindi ko na sya sinagot at umayos ng upo. Isinandal ko ang likod sa sandalan.

Meron akong nararamdaman na may paparating na kakaibang laban.

Tama.

Kakaibang laban.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now