Chapter 10: Blood

330 10 0
                                    

Chapter 10: Blood
Xiron's POV

Dahan dahan akong yumuko at inihilig ang ulo ko papuntang kanan.

Tinignan kong mabuti ang anak ni Heteo na nakikipaglaro sa dalawang batang maliit. Nasa loob sila ng isang kwarto kaya napangiti ako ng matagumpay dahil sa magandang pagkakataon na ito.

Kung seswertehin ka nga naman.

Nagteleport ako papasok ng kwarto at nag appear ako sa likod mismo ng pintuan. Nagulat silang tatlo ng makita nila ako. Ang batang babae ay tinangka pang tumakbo papunta sa pinto para siguro makalabas pero hindi ko to hinayaan.

"Mode um hurria." pagbanggit ko, otomatiko nagkaroon ng isang solid barrier na pumalibot sa buong kwarto

"Anwong kwaialngwan mwo?!" bulol na sabi ng batang babae humara pa sya sa harap ng anak ni Heteo

"Ano ang pangalan mo Iho?" magalang na tanong ko sa kanya

"Wala kwang pwakielam!" sigaw sa akin ng isa pang maliit na batang lalaki

"Matapang ka ah? Pasensya na hindi ikaw ang kailangan ko." pumitik ako at mabilis na nagkaroon nang isang pintuan kung saan nakaugnay sa pintuan sa bahay ko. Lumabas dito si Shin na inis na inis na nakatingin sa akin.

"Bakit ba ang tagal mo? Nasaan na!"

"Ayun. Yung pinakamalaki." sabi ko sabay nguso sa binata

Hinawakan nya agad ang bata at nilagyan ng hand cuff. Nagpupumiglas ito pero mas malakas si Shin kaya nag aaksaya lamang sya ng lakas dahil hindi sya makakawala jan. Isa pa ang hand cuff na nakagapos sa kanya ay isang uri ng armas kung saan once na nakasuot sayo ay hihigupin nito ang lahat ng lakas mo hanggat gumagalaw ka.

"Bwitawan mo si Kwuya!" sigaw sa kanya nung batang babae at pinahaba ang kuko at sinugod si shin

Woah. May future ang batang babae na ito pero hindi sya ang kailangan ko. Nakailag sa unang kumpas ng kamay ng bata si Shin.

"Alam mo bata hindi ako napatol sa mga bata pero sa ginagawa mo mapipilitan ako lalo na at bad trio din ako ngayon!" hinagis nya muna ang katawan ng anak ni Heteo papasok sa pintuan na nakakonekta sa bahay ko bago hinarap ang bata. Sinabunutan nya ito at iniuntog sa cabinet.

Maglalakad na dapat ako ng biglang kong maramdaman na hindi ako magalaw. At hindi ko rin maramdaman ang mga parte ng katawan ko.

Kahit paralisado ay pinilit kong humarap sa batang lalaki at tinignan sya ng masama. Nakapula ang mata nya at galit na galit na nakatingin sa akin.

Napasmirk ako sa isip ko. Maghihintay lang ako ng ilang saglit at titiisin ang ginagawa nya. Mauubos din ang lakas nya.

Pinakalma ko ang sarili ko at dahan dahan na pinilit na paganahin ang kapangyarihan ko. Anong ginagawa ko?

Linalakasan ko ang pwersa sa katawan ko para mabilis maubos ang lakas nya at di nga ako nagkamali. Ng muli kong igalaw ang mata ko at tumingin sa bata ay lumuluha na ang mata nito ng dugo.

Iwinaksi ko ang katawan ko at nakawala na ako sa pagkakaparalyse ko mula sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tinapik sya sa balikat.

"Nice try men." sabi ko at tinulak ang katawan nya bumagsak ang katawan nya sa upuan at sumampay ito doon. Patuloy pa din ang pagluha nya ng dugo.

Masaya akong lumakad papuntang pintuan. Hindi na naglalaban si shin at ang batang babae, ng madaanan ko ang katawan ng babae ay nakahandusay ito at nadugo ang ulo putol din ang mga kuko nito.

Kaawa-awang bata.

Pero natutuwa ako sa kanila. Kung hindi lang ako nagmamadali ay kinuha ko din sila at ginawang alipin. Kahit na bata pa sila ay gusto ko ang lakas ng loob nila at nakakamangha ang kapangyarihan nila.

Pero sa ngayon kailangan ko ng gawin ang ritwal.

Para sa anak ko.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now