Chapter 45: Captured

744 30 0
                                    

Chapter 45: Captured
BJ's POV

I found myself alone in the dark. Staring the long path way of darkness. I close my eyes when suddenly someone poke me.

Slowly I open my eyes. I still see the darkness covering my world yet I can't do anything.

Humarap ako sa gawi ng kumalabit pero wala ng tao dito. Inilibot ko ang tingin ko pero tanging kadiliman ang nakikita ko sa lugar na ito.

Nasan ako?

Anong ginagawa ko dito?

Inihakbang ko ang kanang paa ko at naglikha ito ng tunog na umalingawngaw sa paligid. Nanatili ako sa ganoong pwesto hanggang sa makarinig ako ng may nagsalita.

"Ganyan ka na langba habang buhay?" tanong ng boses. Aligaga akong nagpaikoy ikot ng tingin para hanapin ang may ari ng boses pero wala akong makita, katulad kanina ay panay kadiliman ang nakapaligid sakin.

"Kailan ka matututong lumaban? Kapag may namatay na muli? Kapag nasasaktan ka na ng sobra sobra?" Muli itong nagsalita, ibinuka ko ang bibig ko pero walang salitang lumalabas dito.

"Buksan mo ang mga mata mo pati ang iyong isipan. Damahin mo ang kapangyarihan mo. Malakas ka. Ikaw ang pinakamalakas." pagpapatuloy nya. Natigilan ako sa sinabi nya.

Unti unti nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.

Napakalakas na enerhiya ang dunadaloy at pumapalibot sa katawan ko. Kahit hindi ko alam kung saan nangagagaling ito pinagpatuloy ko ang paghakbang.

Ang kaninang kadiliman ay unti unti ng nawawala. Una kong nakita ang mga frame na nakasabit sa wall. Ang mga gamit sa dati naming bahay.

At sina Adellaide at Charles na duguan.

Napasigaw ako sa sa isip ko sa nakita ko. Naramdaman ko ang paglakas lalo ng kapangyarihan na nasa katawan ko sa oras na ito.

Alam ko na. Natatandaan ko na.

Dumating si Vlademaire kanina.

Humanda ka Vlademaire. Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo!

- - - -

Author's POV

"Bj. Sa tamang panahon. But for now. Please bumalik ka na sa bahay." Nakayukong sabi ni Adellaide kay BJ

Ngumiti ito ng matamis at hinawakan ang baba nya sabay angat ng mukha nya.

"Of course babe." sagot nito dito at nagwink sa kanya

Niyakap nya ang binata saka muling nagsalita.

"I'm sorry BJ if I'm so selfish. Na sarili ko lang ang iniisip ko. Hind ko man lang hinayaan na makapagpaliwanag ka o ni hindi ko man lang kita binigyan ng oras para makapagpaliwanag." sumabt ng dalaga. Nakayakap pa rin ito sa binata habang nakanguso

"Hindi ko din alam Ade. Pero isa lang ang alam ko. Pagdating sayo natotorpe ako." dahil sa sinabi ng binata ay namula bigla ang dalaga

Napatingin naman bigla ang dalawa ng tumikhim ang anak nila

"Ah Mom and Dad. Am i display here?" nababagot na tanong nito

"Tsk. Ikaw talaga." sabi ni Bryant sabay taas ng kamay at hinila ang bata sabay yakap dito. Nagtawanan silang tatlo dahil sa inasal nito.

"Mukhang happy ending na ah?" napatingin silang lahat ng may magsalita

Ang binatang Secher na si Vlademaire

Agad na naalerto si Bryant at pumunta sa harap ng mag ina nya para takpan ang mga ito pero alam nyang walang magagawa ang ginawa nya dahil mahina sya.

"Wag mo akong patawanin Bryant. Sa tingin mo may magagawa ka?" tanong ni Bale (ba-le) sabay smirk

Sa isang iglap ay napaupo si BJ at namilipit sa sakit. Pero pilit nya itong nilalabanan. Ngunit hindi nya alam ang kanyang gagawin.

"BJ!"

"Dad!" Sigaw ng mag ina nya. Sumugod si Adellaide kay Vlademaire.

Sinuntok nya ito papuntang mukha nito ngunit nakailag ito. Umikot sya at hinagis ang paa nya para sipain ito sa tyan pero mukhang nabasa ng binata ang gagawin nya kaya sinalo nito ang paa nya sabay pinilipit paikot ang binti ng dalaga dahilan para mawalhan ito ng balanse at tumumba. Hindi ito nakuntento at inihagis nya si Adellaide at tumama ito sa pader.

Sa lakas ng tama nyang yun ay nasira ang pader.

"Walang hiya ka! Tigilan mo na to Bale!" sigaw ni BK bagamat nahihirapan at kinukulang na sa hangin. Maging ang ilong nya ay dumudugo na.

"Sa tingin mo ganun kadali yun?" tanong sa kanya ng binata. Tinignan muna nito ang anak ni BJ na nakatayo ngayon sa tapat ng Ina na duguan pero malakas pa.

"Wala kang alam BJ. Wala kang alam!" matapos nyang sabihin ito ay mabilis nyang kinuha ang flower vase na nasa likod nya at inihagis ito kay Charles.

"No Charles!!" sigaw ni Ade kaya kahit nahihirapan ay pinilit nyang tumayo at sinugod si Vlademaire.

Pero mas malakas na sa kanya ngayon ang binata kaya walang hirap sya nito pinatumba.

Walang kaalam alam ang mga ito na sa maiksing panahon na nawala ito ay nagpalakas itong maigi.

"Tama na ang siyam na buwan na kasayahan. Ipaparamdam ko sa inyo ang sakit na nararanasan ko ngayon!" sigaw nito at may nilabas na kutsilyo sa jacket na suot nito.

"At uunahin ko na kayong dalawa sa paglinis ng landas na gagawin ko." isang malademonyong ngiti ang gumuhit sa labi nito

Dahan dahan itong lumakad papunta sa dalaga at inangat ito gamit ang pagsabunot sa buhok nito.

Sinipa sya ni Ade pero parang bato ito na hindi man lang nasaktan at walang emosyon na tumingin kay BJ.

"BJ. Panuorin mo ako." sabi nya. Hindi na namimilipit sa sakit ang lalaki. Nakaluhod na lang ito naghahabol ng hininga

Ganun na lang ang gulat ni BJ ng saksakin bigla ni Bale si Adellaide sa tyan dahilan para sumigaw sa sakit ang dalaga.

Pero walang alin langan ding sinugod ni BJ si Bale. Gamit ang ulo nya ay sinugod nya ito at marahas na tinulak papuntang pader. Ang dalaga naman ay bumagsak na naghahabol ng hininga habang hawak hawak ang tyan na may saksak.

"Walang hiya ka!" parang nawala sa sarili si BJ at pinagsusuntok si Vlademaire.

May mga oras na nakakailag ito pero mas lamang ang eksenang nasusuntok sya ng lalaki.

Kumuha ng buwelo si Vlademaire kahit duguan na ang mukha nya at nabawasan na ang enerhiya nya ay tinulak nya ang lalaki palayo sa kanya. Pero ganun na lang ang pagtataka nya dahil hindi ito kumikilos.

Nakapikit lang ito at nakatayo.

Tumingin muna sya mag ina nito na baka may ginawa ang dalawa para magkaganito ang binata pero katulad nya ay nagtatakang nakatingin lang din ang dalawa kay BJ.

Wala syang inaksayang oras at kinuha agad ang kutsilyo at sumugod papunta sa pwesto nya. Sumigaw ang dalaga sambit sambit ang pangalan ni BJ na para bang may mangyayari para kumilos ito at dumilat.

Napasmirk sya bigla.

Tapos ka na BJ!

Pero ganun na lang ang gulat nya ng magbukas ito ng mata.

At kulay pula ang mata nito na akala mo ay nagliliyab.

Napaatras sya bigla.

Ano ito? Bakit nangyayari ito? Tanong nya sa sarili.

Ang mga matang iyon. Ngayon lang nya ulit nakita. Sambit nya muli sa isip.

Nabitawan nya ang kutsilyo na hawak dahil sa gulat ng kumilos ito at mas mabilis pa sa kisap mata na nawala sa pwesto nito at napunta sa likod nya

"Dead." Bulong sa kanya ni BJ at nagdilim ang kanyang paningin

****************************

A/N: As requested. Anyway sino may fb dyan pm nyo ko sasali ko kayo sa gc at makipagkulitan sa mga cast ng HDTVG. Tsaka published na po ang prolouge ng book two ng HDTVG entitled HDTVG 2: The vampire's sacrifice.

#PabitinMode

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now