Pasensya na kung maiksi. May gagawin kasi ako this week kaya di muna ako makakapagupdate. Kaya ayan muna, enjoy!
Chapter 9: Miss
Avril's POVNaramdaman ko na naman ang pakiramdam na to. Shit di to pwede. Di ako pwedeng magorakulo habang tulog, wala pa namang ibang tao ngayon sa bahay.
Ang kaninang walang hanggang dilim na nakikita ko ay unti unting napalitan. Sumigaw ako ng sumigaw sa paniniwalang may maitutulong to.
Wala. Wala akong maggawa. Nag-umpisa ng magpalit ang senaryo. Sigaw pa rin ako ng sigaw. Natigilan lang ako ng makita ko ang bisyon na nasa harap ko ngayon.
Si Bj, nakaratay sya sa hospital bed. Bigla muling nagbago ang senaryo, nasa bahay nila. Ang m-mga black wizard. Walang awa nilang pinahirapan si tita. Nakaupo si tita sa isang upuan habang nakatali. Sinisigawan nila ito habang pinapahirapan. Parang may hinihingi sila. Nang mukhang naubusan sila ng pasensya, itinaas nung lalaki ang kanang mata nya, biglang may lumabas na mga galamay sa kamay nung lalaki na kaharap ni tita. Dinukot nito ang mata nito. Halos manginig ako sa nasaksihan. Nagpalit na naman ang senaryo at napunta sa isang kastilyo. Isang itim na kastilyo, ang kaharian ng mga black wizard. Sa loob at sentro ng kastilyo may isang upuan ng hari na napapaligiran ng mga paniki. Nakaupo dito ang isang lalaki. Hindi ito ganung katandaan.
Nakayuko sya kaya di ko masyadong maaninag ang mukha nya. Nagulat ako ng magangat ang tingin nya. Nagkatinginan kami. Kung di lang ito pangitain, baka natunaw na ako dito. Ang, ang gwapo nya. Agaw pansin ang lila nyang mata. Nagsmirk sya. Itinaas nya ang kamay nya at nagliparan ang mga paniki na nakapaligid sa kanya.
Nqgpalit ulit ang senaryo. Nakita ko si Adellaide na nakatayo sa gitna ng maraming patay. Sa likod nya ay si Bj. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa balikad Ade. Nakayuko sya kaya di ko masyadong makita ang mukha nya. Nakita ko si Adellaide na umiiyak. Humaba ang mga ngipin ni Bj na katulad sa mga bampira at kinagat si
Napabalikwas ako ng bangon. Hinahabol ako ng hininga. Napansin kong may bulto ng tao sa harap ko.
"Ayos ka lang?" Sabi nya at pinunasan ang pawis ko gamit ang panyo nya.
Tumango ako bilang kasagutan.
"Anong nakita mo?" Malumanay na sabi nya. Kakaiba sya ngayon. Prang ang lungkot lungkot nya.
Sasagot na sana ako ng may maalala ako.
"Demeclaire si Bj nasa panganib." Malambing na sabi ko sa kanya
"Punta tayo sa kanila?" Sagot nya
Tinayo nya ako at binuhat ng pang bagong kasal.
"Demeclaire." Sabi ko sa kanya.
"Ayos lang. Responsibilidad ko e." Sabi nya.
Wala pang isang minuto nakarating kami sa car park. Isinakay nya ako sa passenger at sinara ang pinto. Lumakad na sya paikot. Habang inaayos ko ang seatbelt, may nakita akong bulto ng tao sa loob ng katabing kotse na sinasakyan namin. Kahit medyo tinted ang kotse, kilalang kilala ko ang taong nasa loob ng kotse.
Vlademaire.
- - - -
Adellaide's POV
"Bj! Bj!" Sabi ko sa kanya at niyugyog sya. Di sya kumikibo. Pero may isang patak ng luha ang pumatak sa pisngi nya.
"Bj."
Niyakap ko sya at tuluyan na syang umiyak. Hinaplos ko ang likod, kung sana may nagawa lang ako. Masyado akong mahina.
"I'm sorry Bj. If I'm just strong enough sana napigilan ko to." Alam ko ang pakiramdam ng mawalhan ng magulang. Pitong taong gulang lang ako ng masaksihan kong mamatay ang mga magulang ko sa harap mismo ko.
Naramdaman kong unti unti syang bumibigat. Mukhang nakatulog na sya.
"Bj?!" Sigaw ng isang tao at bumukas ang pinto sa harap. Nakita kong pumasok sina Demeclaire at Avril.
Walang sabi sabi pumunta si Demeclaire sa tapat nami. Nakita kong nakayukom ang palad nya.
"Fuck." Sigaw nya at inihagis ang lamesa sa galit nya. Pumunta din si Avril sa kinatatayuan namin. Nanginig sya sa nakita nya.
"Oh. My. God." Sabi nya habang nakatakip ang kamay sa bibig. Umiyak syang bigla habang unti unting nagbebreakdown.
"Avril." Tawag sa kanya ni Demeclaire. Hawak hawak nya ang balikat nito.
"Kung nakita ko lang sana ng maaga to, edi sana hindi nangyari to."
"Nakita mo?!" Gulat na sabi ko.
"Nakita ko kanina habang natutulog ako." Sabi nya habang pinupunasan ang mata.
"Tara, kailangan na nating malinis to bago pa may ibang makaamoy. Masyadong delikado." Sabi ni Demeclaire at binuhat si Bj
- - -
3rd's person POV
Binuhat ni Demeclaire ang binata. Habang inaayos ni Demeclaire sa kotse si Bj ay tinawagan ni Adellaide ang butler nya upang linisin ang bangkay.
Sa kalayuan may isang tao ang nakamasid sa kanila. Isang lalaking nakacloak ng itim. Nasa taas ito ng puno. Isang ngiti ang sumilay sa mukha nito.
Pasakay na sana sj Adellaide sa kotse nya ng may maramdaman sya na nakamasid. Automatic na napatingin sya sa isang puno kalayuan sa pwesto nya. Naalarma sya ng makita nya na myembro ito ng black clan, isang black wizard. Bigla itong naglaho na parang bula. Nagmamadaling sumakay si Adellaide sa kotse nya at umuwi. 'Kailangan ng maipatibay.' Nasa isip nya.
Paliko na sana sya sa kanto papunta sa bahay nila ng may biglang bumagsak na tao sa ibabaw ng bubuong ng kotse nya. Dali dali nyang itinigil ang kotse at bumaba.
Isang fiend.
Nakahanda na sana syang lumaban ng magsalita ito.
"Paghihiganti ay susi. Kamatayan ang kabayaran." Sabi ng halimaw
Nagulat ang dalaga dahil nakakapagsalita ito. Sa isang normal na fiend hindi ito maaring makapagsalit. Pero mukhang inaupgrade na naman nila ito.
Mas nagulat sya sa mga sunod nyang nakita. Nawala ito mg parang bula. Kinakabahan na bumalik sa sasakyan ang dalaga. Wala sa sariling nagdrive sya pauwi.
Lumalakas na sila. Kailangan ko ng umaksyon. Ang nasa isip nya.
- - - -
BabyChububu: pwedeng humingi ng favor? Paplug naman ng story ko. Thanks. Vote and comment also. Happy pang 51 sa rank in vampire. XD
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...