Epilogue

866 17 0
                                    

Charles's POV

Maayos na sana ang lahat.

Naligtas ako ni Papa.

Kumpleto na kaming pamilya ulit.

Nagkabati bati na.

Pero may problema na naman kaming kinaharap.

Ang sumpa ng araw.

May sumpa na ng araw ang ama ko.

Tinanggap na ng tatay ko ang pagiging hari. Pero uupo lamang sya kapag nag ika-45 na kaarawan sya.

Simula ng araw na iyun ay lagi na lamang syang nasa loob ng bahay dahil hindi sya nakakalabas tuwing may araw. Kapag gabi, lagi syang nasa hardin namin at inaalagaan ang mga halaman. Kung minsan ay doon sila nagdedate ni mama.

Lumipas ang dalawang buwan matapos ang mangyari ay nagpakasal sila mama at papa.

At ngayon buntis si Mama. Hindi pa namin alam ang kasarian dahil ilang linggo pa lang nito.

Masaya si Papa dahil kahit ganuon na ang kalagayan nya ay nabuntis pa nya si mama.

Pero may sinabi sya sa akin. Mas malakas na sya ngayon kesa noon. Pwede na nyang gamitin ang buong lakas nya para maprotektahan kaming pamilya nya.

Galit na galit din ang council sa kanya. Nitong huli lang nila nalaman na may sumpa na ng araw si Papa at ang sabi pa ni ama ay naiinggit sa kanya ang mga ito kaya ito galit na galit sa kanya. At alam nya na sa oras na maupo sya sa pwesto ay papahirapan sya ng mga ito.

Si Tita Steff buntis na at napag-alaman namin tatlo ang magiging anak nila ni Tito Bale. Ganun pa man ay hindi pa sila nagpapakasal kahit na buntis na si Tita.

Si Tito James naman ay laging nasa bahay at ako ang pinag-aalaga sa anak  nya. Kay Lynyx. Masaya naman ako sa pag-aalaga kahit pa man nagiging yaya ako.

Si Tito Deme at Tita Avril, napatawad na nila si Dad at Mom. At sobrang nakikiramay sila sa nangyari kay Dad.

At ako. May nakakatakot na bagay akong natuklasan.

Aksidenteng nahiwa ko ang sarili ko. Napatitig ako sa dugo sa kamay ko at para bang nilalamon ako nito papunta sa ibang dimensyon. Mamamalayan ko na lang ang sarili kong pumapatay ng kung ano. Mabuti na lamang ng sumumpong iyun ay nasa bahay si Papa kaya napigilan nya ako. Pero napatay ko ang aso naming alaga.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa sarili ko o dapat ko ikatuwa ito.

Dahil ang sabi sa akin ni papa,

Kaming malalakas ang kailangan magsakripisyo para sa kasiyahan ng mga mahal namin sa buhay.

Pero sana lang maging maayos na ang lahat. Kahit ako na lang ang masaktan wag lang ang magulang ko.

Dahil mahal na mahal ko sila. At gagawin ko ang lahat para maprotektahan sila.




All rights reserved 2016

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now