Epilogue

1.2K 34 4
                                    

BJ's POV

Nanghihina, nanginginig akong umupo. Inayos ko ang pagkakahiga nya, at ipinatong ko sa hita ko ang ulo nya. Ramdam ko ang pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko.

Iginala ko ang paningin ko sa kanya. Sya nga ang mama ko.

Hindi to ilusyon di ba?

"Mama. Wag mo na ulit akong iwan please. Mama. Gumising ka jan. Tumayo ka mama. Mama!" di ko alam ang sasabihin ko at wala akong magawa kundi tawagin ang pangalan nya

"A-anak. Ma-mahal n-n-na mahal k-ki-kita." matapos nun ay huminga sya ng malalim.

"A-akala ko magkakasama pa tayo ng matagal pero mali na naman ako."

"Alagaan mo ang sarili at asawa mo huh? Pati ang apo ko at magiging mga apo ko pa. Mahal na mahal kita." matapos nya sabihin yun ay unti unti gumaan ang pwersa ng kamay nya at unti unti itong nalaglag mula sa pagkakahawak ko

"Aaaaahhhhhh!" sigaw ko at tumingala para umagos ang luha na nakahara sa mata ko

Panaginip lang to

Tama. Panaginip lang to di ba?

Dahan dahan nilapag ko si mama at tumayo. Nanatiling nakatuon ang tingin ko sa wala ng buhay na katawan ni mama.

Cold na tumingin ako kay James at humanda para umatake pero ganun na lang ang gulat ko ng makitang may nakabaon ding kutsilyo sa dibdib nya. Pero nanatili syang tulala na nakatingin kay mama habang hawak hawak ang kutsilyo sa dibdib. Hindi pa naman ito masyadong nakabaon.

Anong? Paanong?

Tumingin ako paligid at halata sa pagkagulat ng mga bampirang nandito ngayon.

Natigilan ako kay Onyx na unti unti ay lumapit kay Mama at padaskol na hinugot ang kutsilyo sa dibdib nya.

Ibig sabihin?

Tumingin ako kay James na nakatingin kay Onyx na para bang hindi na alam ang gagawin. May naagos na rin na dugo sa bibig nya ng bumuka ang bibig nya kaya agad din nyang itinikom ito.

"Masakit ba BJ?" tanong nya sa akin hindi ko sya kinibo bagkus malamig ko lamang syang tinignan

"Ganyan kasakit ang naramdaman ko ng patayin ng papa mo ang mama ko!!"

Anong mama nya?

"Hindi mo alam?! HINDI NILA SINABI SAYO? NAPAKAINUTIL MO TALAGA HETEO!" isang halakhak ang nangibabaw sa buong kapaligiran

"B-bri?" napalingon ang lahat isang hindi katandaang matanda ang naluluha na lumapit sa katawan ni mama. Tinatayang nasa 45 taong gulang ang katawan nito at natitiyak kong bampira din dahil sa sya ay maputla.

"No! Bri--!!" sa isang iglap ay humagis sya at tumama sa isang kumpol ng mga bampira

Sumulpot sa harap nya si Vlademaire at hinawakan sya sa kwelyo ng damit nya dahilan para lumutang ang katawan nya sa ere

"Ang lakas ng loob mong magpakita!!"

"A-anak"

"Mama!!"

Nagkagulo sila Deme at Ate Yam. Mabilis sila tumakbo papalapit sa tinawag nilang ina pero muling binato ni Bale ang babae. Papunta sa direksyon kung saan nakatayo si Onyx.

"Look who's here. Pinaasa nyo ako Adriana na patay na kayo ni Brianna."

"Bitawan mo ako!!"

"Aww. Ano yun?"

"Wala ka ng magagawa Onyx. Talo ka na! Sumuko ka na!"

"Oh talaga? Patunay?"

"Walang hi--" at biglang binali ni Onyx ang leeg ng babae na para bang laruan lamang ito.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now