Chapter 6: Now
Bj's POVNagising ako ng makarinig ako nang kalampugan ng mga kaldero. Pagkabangon ko hinimas himas ko yung ulo ko, nagtanggal na rin ako ng muta. Nung tumayo ako, tumapat muna ako sa salamin at nagpeace sign.
Ang gwapo at ang ganda ko talaga BJ! The best ka!
Sabi ko sa isip ko. Tuloy pa rin yung kalampag ng kaldero. Napatingin ako sa damit ko, at naka uniform pa ako. Teka? Shit. Anong nangyari?
Dali dali akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang eksena na hinahampas ni mama si Vlademaire ng sandok. Hawak hawak nya sa kanan na kamay nya yung sandok tapos sa kaliwa naman yung kawali. Ano bang nangyayari?
Halos lumabas ang ihi ko na matagal ko ng tinatago sa pantos ko sa gulat ko nung sumigaw si mama.
"ANO?! UMAMIN KA NGA! Ginahasa mo anak ko no? Walangya ka! Ang daming tao jan bakit yung anak kl pa?!!!!" Sabi ni mama, pigil pigil sya ni..... Demeclaire at James?!
Napatingin si James sa gawi ko, at base sa tingin na yan alam kong humihingi sya ng tulong.
"Ma, huminahon ka." Sabi ko. Katulad ng mga eksena sa horror, yung part na unti unti titingin yung white lady. Halos magtayuan ang balahibo ko dahil sa sama ng tingin sakin ni mama.
"Hehe. Ma let me explain."
- - - -
"Ouch! Ouch! Ma tama na."
"Tita, ouch! Tama na po."
""Whahaha bagay sa inyong dalawa yan!"
"Huhuhuhuhu." Sabay na sabi namin ni Bale. Kanina ieexplain na sana namin este nila yung nangyari. Feeling ko maiihi talaga ako sa kinatatayuan ko kanina. Hindi ko alam kung sasabihin ba nila yung totoo o hindi. Kung gagamitan ba nila ng magic magic si mama, pero nagulat kami ng isa isa kaming pinaghahampas ni mama nung sandok. 'Mga walangya kayo! Ano itatago nyo pa?! Para naman hindi ko alam ng bampira kayo.' Yan ang saktong sinabi ni mama.
Hinatid daw ako nung tatlo kagabi, ala una na rin daw nun. Tapos nakatulog sila dito dahil nung palabas na sila ng kwarto ko nakita nila si mama. Wala naman silang dadaanan dun sa kwarto ko dahil walang bintana.
Halos mapahiga kami nyan sa sahig dahil medyo naibsan ang kaba namin. Medyo lang aa! Tapos yun, tinanong naman nya ang nangyari tapos kwinento namin. Tapos pinaghahampas hampas na naman kaming dalawa ni Bale. Bagay daw kami. Pero di daw sya napayag sa bromance. Nakakaloka.
"Oh sya, kumain na muna kayo." Halos abot tenga ang ngiti ni mama.
"Hay naku sayang di ako nagkaanak na babae, ang gagwapo pa naman ninyo. Sayang ang lahi."
"Ma! Nakakahiya!"
"Manahimik ka BJ." Sabi salin ni mama. Sabay sabay kami kumain. Habang nakain, tanong ng tanong si mama sa mga kaibigan ko.
"Oh, ano nginingiti mo jan Deme?" Tanong ni James
"Wala. Wala." Sagot nya pero nakangiti pa rin
- - - -
"Bato bato pik! Gamot sa adik! Sinong matalo! Syang talo!"
"Wuhhhhhh! Talo ka!"
"Andaya! Lagi na lang kayo ang panalo."
"Shut up. Lumusot ka na lang, dami mo pang dakdak." Sabi ni Demeclaire
Pumila na kami at lumusot na sa ilalim namin si Avril. Dumating sila kanina, pinatawag ni mama at gusto nya daw makilala yung mga kaibigan ko.
"Okey. Isa pa!" Sigaw ni Vlademaire
"Tss." Irap ni Avril
"Bato bato pik! Gamot sa adik! Sinong matalo! Syang talo!"
"Whahahaha! Ikaw naman Steffanie!"
"What?! Hell no!"
"Hell yes!" Sabay sabay namin sabi. Pumila na ulita kami. Nasa harap ko si Adellaide. Napahawak ako sa balikat nya. Parang may dumaloy na koryente sa kamay ko. Naka loose sando lang kasi sya at pantalon. Nung nakadaan na sakin si Avril bumitaw na ako sa pagkakahaw ko sa kanya. Tsk. Ang awkard.
"Okey, time for truth or dare." Sigaw ni Demeclaire wearing his famous smirk. Yan ang napansin kl sa kanya. Ang hilig nya magsmirk.
Nagsiupuan kami pabilog, kasali nga din pala si mama samin.
"Okey this is the mechanic, when you say dare you'll do a dare. While when you choose truth you have to put a thing in that bowl. Dapat yung nasa katawan mo lang. Pero magtatanong pa rin." Explain ni Steffanie
"Yun lang sa truth magtutruth na lang ako palagi."
"Sige bale, nang maghubad ka dyan."
"Ai oo nga."
"Okey, let's get it on." Inispin ni Vlademaire yung bote at tumapat kay Avril.
"Tss."
"Okey, Ako ang magtatanong. Truth or dare." Tanong ko sa kanya
"Dare!"
"Okey I dare you Avril to write your name in air using your butt while singing mahal ko o mahal ako." Sabi ko
"WTH? What kind of dare is that?"
"Bro ang dali naman nun! Andaya!"
"Wuuhhhh! Go Avril!"
Tumayo si Avril at ginawa na yung dare. Halos mamatay kami kakatawa kasi mukhang tanga si Avril. Pagkatapos nyang gawin yung dare, umupo na ulit sya.
"Okey, Demeclaire! Its your turn."
"Dare."
"Uhmmm. I dare you Demeclaire to climb in that tree then shout "help! Nasusunog yung sinaing namin'." Sabi ni Adellaide
Nakapoker face na tumayo si Demeclaire, lumabas sya ng bahay at pumunta sa tapat ng puno na tinuturo ni Adellaide. Wala pang isang sigundo nakaakyat na sya. Napansim ko na napalunok sya. Whahaha. Kinakabahan!
"Wahhhh! Helppppp! Yung sinaing namin nasusunogggggg!" Matinis na sigaw ni Demeclaire
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Hahahahaha. Epic! Di ka talaga pwedeng tumili bro, nagboboses ipis ka. Bwhahahahahahaha."
Napuno ng tawanan ang buong bahay. Kahit si Steffanie tawa na ng tawa.
Ang saya. Sana palaging ganito.
- - - -
Lumipas ang oras at natapos kaming lahat sa truth or dare na yun. Dalawang beses ako natapatan. Wag nyo ng itanong kung ano ang itiutos sakin. Nakakahiya.
Nagulat ako ng bigla sila humilera, may mga dala dala silang mga pagkain. Tapos si Adellaide may dalang cake na may kandila. Te-teka.
"Happy birthday Bryant!!!" Sigaw nila, biglang may pumutok na ewan kung anong tawag dun. Basta yung parang sa maliliit na ginupit gupit.
Birthday ko pala ngayon. Di ko namalayan.
"Salamat guys. Best birthday ever." Sabi ko
"Okey. Group hug!" Sabi ni Avril.
Sana talaga palaging ganto.
*********************************
Happybirthday sa asawa ko na si Luhan. Look above or at right, so handsome right, fc sya as Bryant James Heteo. Hahahaha. XD
Happy birthday din sa tatay ko. Para po sa inyo to.
Vote. And. Comment.Ps. Dedicated kay MsButterfly kasi ang astig ng stories nya. Kakatapos ko lang basahin yung BHOCAMP 3 at 3.5
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...