Chapter 44: New
BJ's POVWala sa sarili akong nagpunta sa dati naming bahay ni mama. Pagkaalis nila James ay lumabas ako ng underground at pumunta dito sa ibabaw ng Eripmav. Sarado ito katulad ng inaasahan ko. Inilibot ko ang paningin ko at natuon ang paningin ko sa gate.
Unti unting bumalik sa isipan ko ang mga ala-alang iyon.
Magmula ng tumira at lumipat kami sa lugar na ito panay kamalasan ang nangyari sa akin.
Iniling ko ang ulo ko.
Mali. Mali tong iniisip ko. Hindi panay kamalasan ang naranasa ko sa 4 na taong itinira ko dito. May mga bampirang dumating sa buhay ko na tinanggap ako at inalagaan at minahal.
Sa apat na taon na yun hindi nila ako pinabayaan.
Pinagtiisan nila ang masama kong ugali.
Napatingin ako sa gilid ng bahay ng maaninag akong anino. Sinundan ko ito pero pagkapunta ko sa pinagkakitaan ko dito ay wala na ito dito.
Dineretso ko ang daan sa gilid ng bahay ng hanggang narating ko ang daan sa likod ng bahay.
Bukas ang pinto dito kaya hindi ako nagdadalawang isip na pumasok dito.
Dahan dahan ang paglakad ko ng pagkapasok ko. Sinigurado kong wala akong malilikhang ingay sa bawat hakbang ko.
Pero ng makarating ako sa sala ay isang bulto ang nakita ko na nakaupo sa sofa
"Dad." sabi nya
Kinunutan ko sya ng noo bago nagsalita
"Bakit nandito ka?" tanong ko pero nginitian lang nya ako
"Sabi ko na nga ba dito kita makikita."
"Wag mo kong inaasar Charles. Sinasabi ko sayo."
"Sorry na Dad." Sabi nya sabay pout "Nagalala lang ako."
"Bumalik ka na sa baba. Hindi ka dapat nandito."
"Dad bakit di ka nag explain kay Mom?"
"I don't know Charles." sagot ko pero napatigil ako bigla
"Bumalik ka na sa baba. Mag-aalala ang mama mo."
"Dad naman eh. Bakit kasi--"
"Sige na Charles. Wag kang makulit." utos ko sa kanya saka naupo sa upuan. Sinapo ko ang noo ko at sumasakit ang ulo ko
Inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at pumikit. Ipinatong ang braso ko sa mata ko, para matakpan ang liwanag na nakakadagdag ng sakit ng ulo ko.
Ano nga bang nangyari BJ?
Bakit nga ba di ko pinaliwanag sa kanya?
"Sige Dad mauna na ak--" hindi ko alam ang nangyari kung bkit napatigil sya sa pagsasalita pero hindi ako natinag sa pwesto ko
"Kaya pala bigla kang naglaho Charles dahil sinundan mo yang tatay mo. Sabihin mo Charles, kasabwat ka din ng isang yan?"
Napatayo ako bigla sa pagkakaupo ko at tinitigan maigi ang taong nagsalita.
"A-ade."
"Mom its not what you think!"
"Not what i think?! Kung di pa kita sinundan di ko malalaman na--"
"See? Mom that's the problem with you. Hindi mo muna inaalam ang totoong nangyari!"
"Paano ko malalaman--?!"
"Oo ma! Paano mo malalaman kung di mo hinahayaang magpaliwanag ang mga tao sa paligid mo!"
"Charles tama na yan!" Suway ko pero huli na ang lahat nasampal na si Adellaide si ang anak ko
Gulat ko syang tinignan bago lumapit kay Charles
"See?! Emosyon mo ang inuuna mo!" Sigaw nya
"Charles ano ba!" Sigaw ko habang hawak hawak sya sa balikat nya galit na galit syang nakatingin sa ina nya
"Bastos!"
"Mom! Di mo ba alam ang sakripisyo ni Dad para lang iligtas ka nya?!" Naiiyak na sabi ni Charles.
"Nagpanggap sya mom! Nagpanggap sya para lang sa kapakanan mo!"
Nanlalambot na ako sa mga sinasabi nya pero hindi ko ito pinahalata. Tumingin ako sa taas para hindi tumulo ang luha ko.
"Mom please kahit ngayon lang. Kung hindi pa handa si Dad na iexplain sayo please mom. Trust him. Please mom?"
Tinignan ko si Ade na malamig na nakatingin kay Charles pero makikita mo sa mata nya ang lungkot at sakit. Basa na rin ito dahil sa luha pero alam kong pinipigilan lang nya itong tumulo.
"Mom kahit ngayon lang. Don't you love him." Parang nagmamakaawa na tanong nya
Hindi ko na kinakaya to. Ako ang kasalanan ng lahat ng ito. Ako ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito. At ako lang ang dapat sisihin dito. Ako dapat ang nag eexplain kung ano ang nangyari, kung bakit nangyari yun at kung bakit ko ginawa iyon. Pero eto ako hinahayaan na ibang tao ang magpaliwanag sa kanya.
Napakawalang kwenta ko.
"B-Bj."
Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko kay Charles at dahan dahan na lumapit sa kanya.
Ng magkatapat na kami ay hinawakan ko ang pisngi nya. Pinadaan ko ang daliri ko dito. Hanggang sa makadaan ang mga ito sa babang bahagi ng mata nya. Pinunasan ko ang luha nyang patulo na gamit ng daliri ko. At tinignan sya sa mga mata.
Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
"Sorry Bry." iyak nya. Hinimas ko ang likod nya at niyakap sya ng mahigpit ng maramdaman kong di na sya masyadong umiiyak ay humarap ako kay Charles at initapat ang isang braso ko sa direksyon nya inidikasyon na lumapit sya.
Masaya syang lumapit at yumakap din. Ng kumalas na kami sa mga yakap ay nagtataka akong tumingin kay Charles dahil hinawakan nya ang pisngi ni Ade.
Samantala si Ade naman ay parang nakatingin sa kawalan na para bang may pinapanuod.
Mamya maya ay bumitaw sa pagkakahawak si Charles at niyakap syang muli ni Ade.
Ok? OP ako dito (out of place)
"Ano yun?" Tanong ko
"Dad may natuklasan ako!" Masayang sabi nya at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang pisngi ko at parang bula na nawala ako sa kinatatayuan ko
Napunta ako sa isang lugar. Sa kwarto ito ni Charles sa bahay ni Ade.
Nakaupo sya sa kama at kausap ang isang baby.
Teka si Hell?
Inilapat nya ang kamay nya sa pisngi nito at makalipas ng ilang saglit ay tumawa ang baby na para bang may sinabi si Charles sa kanyang nakakatuwa.
Katulad kanina ay mabilis na nagpalit ang itsura ng paligid. Bumalik na sa dati, dito sa dating bahay namin ni mama.
"Ang galing. Kailan mo pa natuklasan yan?" tanong ko
"Nung isang araw lang Dad." nakangiting sabi nya napabusangot naman ako
"Bkit ako?" mahinang sabi ko
"Bakit di ko pa alam ang totoong kapangyarihan ko?"
Nagtinginan sila at malungkot na tumingin sakin si Ade.
Tsk. Ang gurang ko na tapos ganito pa ako?
"Bj. Sa tamang panahon. But for now. Please bumalik ka na sa bahay." Nakayukong sabi nya
Ngumitin ako ng matamis at hinawakan ang baba nya sabay angat ng mukha nya.
"Of course babe." Sabi ko at nagwink sa kanya
****************************
A/N: Last 16 chapters. Guys kindly follow me and comment your thoughts.
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...