Chapter 8: Trouble

1.7K 90 10
                                    

Chapter 8: Trouble
3rd person's POV

Napakadaming bagay ang natakbo sa isipan ng binatang Secher habang binabagtas ang kahabaan ng daan patungo sa kwarto ng kanyang kambal. Kakauwi lang nya galing sa paghatid ng isa sa kanyang kaibigan. Pagkapasok na pagkapasok ng sasakyan na sinakyan nya sa malawak na lupain nila ay agad syang pumasok at pumanhik.

Pagkatapos ng medyo mahaba habang paglalakad ay naratng din nya ang kwarto ng kanyang kapatid. Walang paligoy ligoy na binuksan nya ang pinto, walang katok, walang paalam.

"Napakabastos mo talaga mahal na kapatid." Pabungad sa kanya ng isang tao na nakahiga sa isang malaking kama na kulay pula. Nakauniporme pa rin ito.

"Bakit di mo sinabi? Alam kong alam mo ang sinasabi ko." Galit na tanong ni Vlademaire, kung ang dating masiyahin at makulit na binata ay tila nawala dahil sa isang bagay.

"Ang ano na naman Vlademaire? Wala akong alam sa sinasabi mo." Sagot sa kanya ni Demeclaire, bumangon ito sa pagkakahiga at pumunta sa bandang gawi ng pinto kung saan nakatayo si Vlademaire. Nandun kasi ang ref. Binuksan nya ito at kumuha ng isang kopita na naglalaman ng dugo.

"Sabihin mo na!!!!!" Sigaw ni Vlademaire, halos dumagundong ang boses ng binata sa buong lugar, bakas na bakas sa mukha nito ang galit at puot, ngunit sa kabila ng kanyang galit, isang nagtataka na tingin ang ibinaling sa kanya ng kanyang kapatid.

Nagtitigan lang sila. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng kanilang bahay.

"Buhay si mama." Kalmado ng sabi ni Vlademaire. Nabitawan ng kanyang kapatid ang kopitang hawak hawak.

"Pa-pa-pano??" Naguguluhan na tanong nito. Palagi itong walang emosyon, ngunit ngayon ay puno ng pagtataka, pagkaulila, at pagkalungkot ang mukha nito.

Umiwas lang ng tingin ang nakakatandang kapatid. Oo. Hindi man halata, pero mas matanda ng dalawang oras si Vlademaire kay Demeclaire. Isang kahindik hindik na pangyayari nuon ang nangyari sa kanilang ina kaya naging ganun ang pagitan ng oras nilang dalawa. Kahit ang pagitan ng relasyon nila sa isa't isa.

Umalis ng walang paalam si Vlademaire, naiwang nakatayo at tulala si Demeclaire. Isang bagay na matagal ng hindi nangyayari, mga labing limang taon na ang nakalipas.

- - - - -

Bj's POV

"Ma! Nandito na ako!" Sigaw ko sa kanya ng pagpasok ko sa bahay. Nakakapagtaka talaga si Vlademaire sa mga kinilos nya kanina, mukhang interesadong interesado sya dun sa babqeng nagpakita sakin dati. Inilapag ko yung bag ko sa sofa at umupo. Naginat na din ako. Wooo! Ang sarap maginat parang heaven men. Nakita kong nakasaksak ang tv kaya inabot ko ang remote sa tabing table nitong sofa na inuupuan ko. Gumapang ako papunta sa kabilang side ng sofa dahil sa likas na katamaran ko. Nangmahawakan ko yung remote, may nakapa akong papel. Mukhang pinandagan yung remote para di liparin. Dahil na rin sa isa akong likas na tsismoso binuklat ko yung papel.

Halos tumalon ako sa kinauupuan ko, nang mabasa ko yung nakasulat.

"Lahat ay may kabayaran. Kaya uunahin na kita." Nakasulat sa dugo ang bantang iyon.

"Mama?" Tawag ko kay mama, pumunta akong kusina pero wala sya. "Mama?!" Pumunta rin ako sa likod bahay at cr pero wala din sya dun. Teka, sa kwarto. Tama!

Mabilis akong pumunta sa kwarto ni mama. Pagbukas ko ng kwarto ay nakita ko sya,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakaupo sa rocking chair, naliligo sa saeiling dugo. Nakalabas ang mga bola ng mata, may laslas sa leeg, at nakahubad.

"MAMA!!!!! Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!"

- - - -

Adellaide's POV

"Young lady, may iiutos pa po ba kayo?"

"Wala na. Ay wait, check my schedule kung kelan ulit ang meeting ko with the council."

"Yes, young lady. I'll be right back after a few minutes." Sagot sakin ni Quintin. Sya ang butler ko.

Umupo ako sa kama at nakiramdam sa kapaligiran. Tunog nang mga huni ng ibong, at iba pang hayop. Iyakan. Tawanan. Hilik. At marami pang iba. Lahat yan naririnig ko, basta nasa loob ng teritoryo ko. Ang Eripmav City. Nilikha ko ang lugar na to hindi para makatulng kundi para lutasin ang patong patong na problema na kinakaharap ko.

Nabalitaan ko kasi isang taon na ang nakalipas na sa isang lugar sa maynila ay may mga kumakalat na mga kakaibang nilalang na kahawig ng mga tao ngunit halimaw ang kilos. Sinisipsip nito ang mga dugo ng mkikita nitong tao. Dala ng kuryosidad ko ay, nagpahuli ako ng isang halimaw na sinasabi nila. Pinaeksamin ko iyon sa mga Redeo na mga tauhan ko para malaman ang kompusisyon nito. Nalaman ko na nagiging halimaw nga ang isang tao kapag nacocontaminate sa virus na tinatawag na Furosi. Ito ay experimento ng mga black wizard kung saan pinaghahalo halo nila ang kaluluwa ng tao, ang kaluluwa nila, at dugo na mga vampira. May iba ring komposisyon pa ngunit mababaw na masyado at di na mahalaga kung sasabihin pa.

Pagkatapos lumabas ang resulta, ipinulong ko ang lahat ng bampira sa nasasakupan kong area. Bawat area ay may kumakatawan, at ang naiatang sa aking ay ang Pilipinas.

Tumayo ako para pumunta sa veranda. Binuksan ko yung pinto na glass at sumalubong sakin ang preskong hangin. Tsk. Nagaaway na naman yung kambal. Kahit malayo sila dito rinig na rinig ko ang pinag uusapan nila. Si Avril naghihilik na naman ang pwet, si Steffanie kausap na naman ang laptop nya, pero si James. Kahit kelan di ko mawari kung nasaan sya. Magkaibigan na kami simula elementary pero kahit kelan di namin nalaman kung saan sya nakatira. Halos sumakit ang ulo ko nung makarinig ako ng sigaw.

Boses yun ni Bj. Anong nangyri? Madali kong kinuha ang nakasabit na susi ng sasakyan ko. Bumaba ako, nakasalubong ko pa ang butler ko dala dala ang isang tablet.

"I have an important thing to do. I have to go." Sabi ko sa kanya habang nababa ng hagdan. Yumukod lang sya. Pagkayukod nya ay agad kong ginamit ang kakayahan ko para makapunta sa may paradahan. Ng makarating ako dun walang paligoy ligoy na pinaandar ko ang kotse, at pumunta kanila BJ.

Habang papalapit ako ng papalapit sa bahay nila ay nakakaamoy ako ng sariwang dugo..

"Sht. Walana bang ibibilis to?" Tinodo ko na abg speed nitong sinasakyan ko. Mga dalawang minuto nakarating ako sa bahay nila. Amoy na amoy ko na talaga ang sariwang dugo. Pumasok na agad ako sa bahay nila.

Nakita ko si Bj na nakaupo sa sahig sa tapat ng isang pinto.

"Bj." Tawag ko sa kanya. Ngunit parang wala sya sarili nakatingin lang sya sa loob ng kwarto. Teka, si tita! Mabilis akong pumunta sa tapat ng pinto at dun ko nakita si tita na, naliligo sa sarili nyang dugo.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now