Chapter 7: Xiron
Xiron's POV"Anong ginagawa mo?" tanong nya sa akin pero hindi ko sya pinansin. Pinagpatuloy ko lamang ang paghahalo ng mga likido na hawak ko.
"Oy." muli syang nagsalita sabay sundot sa tagiliran ko. Pabagsak kong nilapag ang hawak kong beaker at hinarap sya
"Di ba sabi ko sa taas ka lang?" mahinahon na tanong ko bagamat nag-iinit na ang ulo ko.
Napakakulit ng babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit ito pa ang napili kong maging alipin napakatanga at napakainutil.
"Nakakabored sa taas eh." sagot nya sabay pout. Saglit akong natigilan pero agad ding nangunot ang noo ko ng bigla syang lumakad at linagpasan ako.
"Waahhhh! Bakit may bata!" sigaw nya habang nakaturo sa tangke na may lamang katawan ng bata.
Ang tangke ay puno ng berdeng likido. Sa loob nito ay may batang nakasilid. Kung titignan mo ito ay napakapayat nito at napakaputla ng balat. Halos nakabakat na din ang mga buto nito at wala din itong buhok sa ulo. Sa pusod nito may nakakabit na apparatus na nadudugtungan ng isang mahabang tubo na nagsisilbing hingaan ng katawan.
Isang improvise na tyan. Inaalagaan ko ang katawan na yan may limampung taon na. Nakakalungkot dahil tumigil ang paglaki ng katawan ng batang lalaki sa edad na tatlo.
"A-anong gagawin mo jan?"
"Isang eksperimento." sagot ko sa kanya at lumapit aa tangke at hinimas ito
"Ito ang magiging sagot sa lahat ng pangarap ko. Ang tutupad sa lahat ng kagustuhan ko."
Hindi sya sumagot at nanatili lamang na nagmamasid sa bawat galaw ko.
"Isa na lamang ang kulang sa eksperimento kong ito. Ang dugo na lamang ng isang Heteo ang kailangan ko. At pagkatapos nun--" sinadya kong putulin ang pagsasalita ko, humarap ako sa kanya suot ang ngiting malademonyo at saka itinaas ang kamay ko
"Mabubuhay na muli ang anak ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/33177338-288-k589456.jpg)
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...