Chapter 47: Other side
BJ's POVUnti unti syang naglaho sa salamin at ang nakita ko na lang dun ay ang sarili ko nakatulala sa salamin.
Napailing ako bigla.
What was that? Imahinasyon ko lang ba yun o ano?
Hindi mo ako imahansyon BJ. Sinabi ko sayo ako ay ikaw at ikaw ay ako.
Nanlalaking mata na naman ako tumingin sa paligid dahil may nagsalita na naman na di ko makita.
Damn it!
Tuliro akong umupo sa kama
'Tsk. Wag mo akong inisin Heteo.' Inis na sabi nito. Napahinga ako ng malalim matapos mapagdesisyonan kausapin ang lintek na boses na ito.
"Ano ba ang kailangan mo?"
'Wala akong kailangan. Ikaw ang may kailangan sa akin.'
"Kung ganun ano ang dapat kong gawin?" tanong ko. Matagal muna bago ako nakahingi ng sagot mula sa kanya.
'Kailangan mo na magsanay. Para makontrol mo na ako.' sagot nya sa malalim ng boses
Kinikilabutan talaga ako pag naririnig ko sya magsalita dahil kaboses ko lamang sya
'Dahil kung hindi mo ako kayang kontrolin ako ang kokontrol sayo.' dugtong pa nya. Bigla kong naisip ang nangyari kanina. Para akong manika na minamanipula ng kung sino man.
Napabuntong hininga ako at hinagod ang mga buhok kong nakalagay sa noo ko papuntang likod. Matapos ay hinawakan ko ang gitnang parte ng ilong ko at minasahe.
'Ano pang tinatanga tanga mo jan?'
Hindi ko sya pinansin at tumayo ako at kinuha ang towel na nakapatong sa drawer ko at dirediretso na pumasok ng cr.
Pagkapasok ko ay binuksan ko kaagad ang shower at di alintana ang malamig na tubig na naagos sa katawan ko kahit na nakadamit pa ako.
Pumikit ako at tumingala at hinayaang umagos ang tubig sa mukha ko.
"BJ?!" mabilis akong napadilat at napatay ko bigla ang shower
Anong ginagawa nya dito?
'Hahaha. Mukhang masaya to.' Sabi ng salita na ikinakaba ko
"Anong binabalak mo?" bulong ko habang nakatingin sa pinto dahil baka bigla itong bumukas
'Anong binabalak ko? Tinatanong mo ba talaga ako?' pang aasar nya sa akin nagulat ako ng biglang gumalaw ang kanang binti ko at humakbang ito ng kusa. Nanlaki ang mata ko at mabilis akong umupo ng bahagya at pinigilan ito gamit ng dalawa kong kamay.
Narinig ko na naman ang mapang-asar nyang tawa na lalong ikinainis ko. Muli na namang humakbang ang isa ko pang paa pero dahil pigil pigik ko ito at madulas dito sa cr ay nadulas ako at napasigaw sa gulat.
"BJ? BJ?! Anjan ka ba?" narinig kong tanong ni Ade. Narinig ko ang yapak nya na papunta dito sa cr at ilang sandali pa man ay nakatok na sya.
"Ayos ka lang ba BJ?"
"Ayo-- Hindi ako ayos babe." nanlaki talaga ang mata ko dahil iba ang lumabas sa bibig ko sa sinasabi ng isip ko.
Damn it.
"Tigilan mo ako!" sigaw ko. Nanlaki muli ang mata ko dahil ang dapat na ibubulong ko lang ay naisigaw ko
"Hoy BJ! Anong nangyayari sayo dyan? Sinong nanjan?" sigaw naman ni Ade sa kabilang parte ng pinto. Pinipihit pihit nya ang saraduhan ng pinto na para bang paraan ito para mabuksan ito dahil nakalock.
Napaungol ako sa inis dahil sa sitwasyon kong ito.
Focus BJ. Kailangan makontrol mo na tong lintek na boses na to.
Bigla kong naisip ang nakita ko kanina. Yung madilim na lugar.
Hindi kaya susi yun para makontrol ko ang kapangyarihan ko? Pero paano ako makakapunta dun?
"BJ!" napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto ng cr at tumambad sa akin ang mukha nilang nag aalala. Hawak hawak ni Deme ang susi na dahan dahan naglalakad papalapit. Si Ade naman ay nakalapit na sa akin at nag aalalang chinecheck ang katawan ko.
"Ayos lang ako." sabi ko sa kanya at tumayo na. Hindi ako makapagpag dahil basamg basa ako.
"Anong nangyari?" tanong ni Deme
"Yung anak ko nasan?"
"Grabe ka naman. Ako ang nagtanong tapos anak mo ang hahanapin mo?"
"Tinatamad ako magpaliwanag." sagot ko sa kanya at inirapan sya matapos ay tinignan ko kaagad ang anak ko na nasa labas ng cr na nakasilip lamang
"Dad bakit kailangan ako."
"Sige na nak." sagot ko sa kanya wala naman na syang nagawa at naglakad papalapit sa akin
Ng magkatapat na kami ay inilagay nya sa pisngi ko ang kamay nya. Pumikit ako at nagconcentrate. Dahil baka bigla akong kontrolin muli ng boses na iyun
"Dad para kang baliw." napamulat ako sa sinabing iyon ng anak ko. Napakasama talaga ng ugali nito sakin.
Di na ako nagsalita at tumikhim para malaman nya na hindi ako natutuwa sa sinabi nya. Pero di nya ako pinansin at lumapit sa nanay nya at tito nya na hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito
Matapos nyang ipakita ang nakita nya sa akin ay halos mamatay kakatawa ang dalawa
Inaasar ba ako nitong mga to?
Natigilan naman ako sa sinabi ko. Ang sabi ng boses ako sya at sya ako. Baka sya ay ang ibang part ko.
I mean kung ang pinapakita ko ngayon ay ang mabuting side ko baka sya ang other side ko
"Huh. Hahahaha. Ewan ko BJ. I'm not informed." naiiyak na sa kakatawa si Deme at ng sabihin nya yan ay lalo sya lumagapak sa kakatawa
Bwiset -_-
Sana matapos na tong book one na to ng si Charles naman ang mabwiset sa mga pinsan nya.
(A/N: Don't worry malapit ng matapos last 14 chapters na lang. Tsaka sayo pa lang. Kunsuming kunsumi na si Charles.)
Tss!
Atleast pogi.
"Sa tingin ko isa lang ang makakatulong sayo BJ." sabi ni Deme habang nagpipigil ng tawa
Napatingin naman bigla sa kanya si Ade at nagtatakang tumingin sa kanya bago ako nilingon
"Sino?"
"Si Ate Yam."
"What?! No way."
"Pero kailangan mo sya." sabi nya at napatigil ako. Kailangan kong makontrol to kaya mo to BJ.
Kaya ko to.Pero di ko pa nakakalimutan yung time na una ko syang nameet.
Naiilang akong nagiwas ng tingin kay Deme at wala sa loob ng tumango.
"Ok sige. I'll do it."
****************************
A/N: Last 14 chapters. Napost ko na yung book two nito
HDTVG II: The Vampire's sacrifice
![](https://img.wattpad.com/cover/33177338-288-k589456.jpg)
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...