(Enjoy reading! Dont forget to vote and comment.)
Chapter 15: Valencer
Bj's POV"Okey that's all for today. Goodnight vampires." sabi nung regent namin ngayong araw.
Alas sais na at ngayon lang natapos ang klase namin. Yung normal class namin natapos ng alas dos tapos nag umpisa yung special class (vampire class) ng alas kwatro.
"Goodnight and thank you Sir Ricky Umba." palit na bati namin sa kanya. Haist. nakakapagod talagang mag aral. Tumayo na ako at nag inat.
"Yo. Wag ka ng malungkot. makakasama na natin mamayang practice yung valencer mo." narinig kong sabi ni James habang nakaakbay sakin.
"Tss. Ano naman ngayon?" sagot ko habang nililigpit ang mga gamit ko.
"Malaki ang boo--." di nya natapos ang sasabihin nya ng batukan ko sya.
"Aishh. Manyak ka pala."
"Bakit lalaki ako Pre kaya normal lang toh. Hindi naman ako katulad nyo ni Deme na walang alam kundi lamunin ang kalungkutan sa buong mundo." nakangiti nyang sabi nya habang nakatingin sa bintana. Parang may iba sa ngiti nya.
"Oh, speaking of the devil. " Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Deme na may dugo sa bibig, punit punit ang damit, akay akay sya ni Bale. Kasama rin nila si Steff, Avril at Ade.
"Oh, anong nangyari?" sabi ko at nilapitan si Deme
"Babes nagseselos naman ako nyan. Mas una mo pang puntahan si sweety pie kesa sakin. Porket sya ang may dugo sa labi?" sabi ni Bale habang nakapout. Iniupo ni Bale si Deme sa isang upuan.
"Nagalit sa kanya yung valencer nya kaya ayan pinarusahan sya." sagot sakin ni Ade. Umupo din sya sa upuan, parang pagod na pagod sya?
"Huh? Bakit anong ginawa mo?"
"Hinipuan nya." nakangiting sabi ni Bale. "Sweety pie! I'm so proud of you!"
"How many times did I have to tell you that i dont do such thing like that huh?!"
"Come on SP, just admit it. Ayaw mo nun nakagraduate ka na sa college of ignorance?"
"Tss."
"Hoho. Babes di ba may practice ka din mamaya?"
"Uhmm oo. Mamayang ala sinko ng umaga." sabi ko. Nagtinginan sila at ngumiti.
"Hoy di ko dusto yang mga ngiting nyong yan."
"Hindi babes. Alam mo kasi dapat nagrereview ka na. Sige na uwi ka na! Kami na bahala dito." sabi ni bale at hinawakan ako sa balikat.
"Oo nga Pre. Sige na! Uwi na! Kita tayo bukas!" sigunda ni James at tinulak din ako papuntang pinto. Pagkatapat namin ng pinto sa sinara agad nila ito kaya wala na akong naggawa at naglakad na papuntang parking lot.
- - - -
So ano ang uunahin kong aralin?
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kanina pa ako namimili ng librong pwedeng basahin dahil sabi nila Bale magreview daw ako.
Mga libro to ni Ade, hiniram ko kay Kuya Quintin. Galing sa library nya.
Nakaagaw pansin sakin yung librong manipis kaya kinuha ko to. Pumunta akong kama at nahiga bago ko binuklat.
All about the Valencer
Ang valencer ang tagapagsanay at tagapagbantay ng isang makapangyarihang bampira. Ang bawat bampira ay may kakayahan, ang pagkakaroon ng valencer ay depende sa lakas at antas ng isang bampira. Nalalaman na kung maaring isa kang valencer ay kung ang kapangyarihan mo ay katulad nang sa mga mahika. Ang valencer ay galing sa angkan ng mga Wilkerson.
YOU ARE READING
The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)
VampireHighest rank achieved #39 in vampire Bryant James Heteo. A simple boy with a simple dreams. Everything in his life was ordinary until he and his mom live in a city called Eripmav City. What if this city was full of vampires? And even go to school...