Chapter 46: Dead

756 26 0
                                    

Chapter 46: Dead
BJ's POV

Nagulat ako sa sarili ko ng kusang gumalaw ang katawan ko papunta sa kinatatayuan ni Vlademaire.

Ramdam ko pa rin ang daloy ng malakas na enerhiya sa katawan ko. Natutuwa ako sa pangyayaring ito pero natatakot din ako at the same time.

Di ko pa alam ang pakinabang ng enerhiyang pumapalibot sa katawan ko. Baka makasakit ako ng iba.

Nang marating ng katawan ko ang pwesto sa likod ni Vlademaire nagulat din ako ng kusang bumuka ang bibig ko.

"Dead." kinilabutan ako sa narinig ko. Pinilit kong gumalaw at kontrolin ang katawan ko pero para akong manika na minamanipula ng kung sino man.

Pagkabigkas ko sa salitang iyon ay bumagsak ang katawan ni Vlademaire. Pinilit kong alisin ang kung ano man itong nararamdaman ko. At hindi ako nabigo. Unti unti ay naramdaman ko ay humina ang lakas ng enerhiya na dumadaloy sakin.

Biglang nanghina ang katawan ko na para bang naubos lahat ng lakas ko sa ginawa ko. Napaluhod ako at humihingal na naghahabol ng hininga.

Tumingin ako sa gawi nila Adellaide at naalala ko ang nangyari kanina.

Mabilis akong lumapit sa mag ina ko at kinamusta sila.

Mahina na ang pag agos ng dugo sa saksak ni Ade na mukhang nilapatan na nya ng paunang lunas. Si Charles naman ay may dugi din na naagos sa noo nya dahil sa hinagisan sya ni Vlademaire ng vase.

Tumingin ako sa gawi nya at bumuntong hininga.

Ano ang nangyari kanina? Saan nanggaling ang boses na yun? At ang kapangyarihan na yun? Sa akin ba talaga yun?

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan sila Steff para pumunta dito sa ibabaw. Kwinento ko din sa kanila ang nangyari. Mabilis silang nakarating dito sa taas dahil na rin sa pagaalala.

"Mabuti na lang at naipit mo kundi baka naubusan ka ng dugo." sabi ni Steff habang binebendahan ang sugat ni Ade

Napangiwi naman ang babae sa kanya.

"Tsk. Parang tumigil ang mundo ko ng bigla nyang tangalin ang kutsilyo sa gilid ko. Malala pa pabigla dahil bigla sya sinunggaban ni BJ." pagkwekwento nya sabay tingin ng masama sa akin. Nginitian ko sya ng alanganin pero lalong tumalim ang tingin nya.

"Mabuti at ayos lang kayo." sabi ni Deme "pero ano ang gagawin natin ngayon sa isang yan?" tanong nya sabay nguso sa kapatid.

Tsk. Akala mo hindi nya kapatid kung makaganyan.

Nakatali ngayon si Bale na akala mo kriminal na may gagawin na masama.

"Chineck ko na sya. Nawalhan lang sya ng malay." napatigil sya bigla sa pagsasalita "Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nangyari iyon."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Ade. Bago ay tumingin akong muli sa walang malay na si Bale.

"Mukhang natuklasan na ni BJ ang kapangyarihan nya pero di nya alam kung ano ang totoong pakinabang ito. Maging ako ay di ko matukoy kung ano to." paliwanag ni Ade

"Bakit? Paano?"

"Hi-hindi ko alam. Masyadong mabilis. Namalayan ko na lang na nasa likod na ni Bale si BJ at binulungan nya ito at bigla naman itong hinimatay."

"Hi-hindi ko din alam ang nangyari. Basta parang may kumokontrol sa katawan ko at kumikilos ito ng mag-isa."

Natahimik silang lahat pagkatapos kong sabihin ang side ko. Walang nagtatangkang magsalita.

Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa ilalim ng Eripmav, dala dala si Bale. Sa mansion kami ni Ade tumuloy. Sumalubong sa amin si Avril at Ate Yam na mukhang asar na asar na nakatayo sa labas ng pinto ng mansion.

Ng makababa kami ay kitang kita sa mata ni Ate Yam ang boredom pero ngmakita nya na bumaba si Deme buhat buhat si Bale ay biglang tumalim ang tingin nya dito.

"What the hell is he doing here?!" galit na tanong nya pero walang sumagot. Lahat ay nanatiling tahimik maliban kay Charles na lumapit sa tita nya at hinawakan ang pisngi nito

"Ano yan? Ngayon pa naglambing anak mo Heteo?" asar na tanong ni Deme

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Hindi sya naglalambing." sabi ko

"That's how he communicates," pagpapatuloy naman ni Ade sa sinabi ko. Gulat na tumingin samin si Deme bago binalik ang tingin nya sa anak ko na nakahawak pa rin sa pisngi ng tita nya

Mga ilan pang sandali ay tinanggal na ni Charles ang pagkakahawak sa pisngi ni Ate Yam. Mangha namang nakatingin sa anak ko si Ate Yam.

"H-how?" tanong nya sabay tingin samin ni Ade

Napataas lang ako ng balikat samantala ay nginitian lang sya ni Ade.

"Baka dahil sa tatay ni BJ?"

"He's not from Secher clan Deme."

"Eventhough. Baka nakakalimutan mo na halo halo tayo dati. Nabukof lang dahil--" sagot nya sa Ate nya pero hindi na nya natapos ang sasabihin at piniling manahimik na lang.

"Ang mabuti pa ay magpahinga muna kayo, kami na ang bahala dito." steff

"Oo ako na ang bahala sa kapatid ko." si Ate Yam naman na nagsalita habang nagkukutkot ng kuko. Napalunok ako bigla pero di ko na sya pinansin naglakad na ako dirediretso at walang na akong pinansin sa kanila. Dire diretso ako sa kwarto ko dito sa bahay ni Ade.

Pagkapasok ko ay dumiretso ako ng higa. Ramdam ko ang pagod ko kaya pumikit agad ako.

Napadilat ako bigla ng may magsalita.

"Lumalakas ka na." sabi nito hinanap ko sa buong kwarto kung sino man ang nagsalita pero wala ni isang bulto ako nakita.

Halos himatayin ako ng matapat ako sa salamin at isang tao ang nandun. Malala kamukha ko pa.

Nakaturo lang ako sa kanya pero nakapoker face lang sya. Nakaputi lang sya at gulo gulo ang buhok.

"Wag mo kong tignan ng ganyan."

"Si-sino ka?"

"Ako ay ikaw at ikaw ay ako." Sagot nya sakin. Lumingon muna ako paligid at dahan dahan na lumakad papalapit sa salamin. Ng magkatapat kami ay inilapat ko ang daliri ko sa salamin pero walang nangyayari. Andun pa rin sya sa salamin at nakasimangot na nakatingin sakin.

"Maganda ang pinakita mo kanina." sabi nya "Pero di ko nagustuhan ang pagpapatago mo sakin." dumilim ang mukha nya sa sinabi nyang iyon

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko

"Katulad ng sinabi ko ay ako ikaw at ikaw ako. At ako ang makakasama mo sa bawat laban na kakaharapin mo." paliwanag nya

Bigla naman ako napatawa

"Wag mo kong tawanan." sabi nya "Malapit na ang pagdilim, kailangan mo ng magpalakas." sabi nya tumingin naman ako sa labas ng bintana pero maliwanag pa naman.

"Wag kang magtanga tangahan Heteo. Kailangan matutunan mo na akong kontrolin." sabi nya at unti unti syang naglaho sa salamin at ang nakita ko na lang dun ay ang sarili ko nakatulala sa salamin

****************************
A/N: Hahaa. Happy lang. Ang gwapo talaga ng asawa ko.
#ExoKai #PabitinUlit

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now