Chapter 9: Ancient Vampire

297 10 0
                                    

Chapter 9: Ancient Vampire
BJ's POV

Ancient vampire?

Yung sinaunang bampira pa?

Tss. Stupid BJ. Tinagalog mo lang.

"Nakakahanga!"

"Ano namang nakakahanga dun?"

"Hindi lamang sya sinaunang bampira. Nasa kanya pa rin ang sumpa ng araw x

"Sumpa ng araw? You mean yung nasusunog kapag natatapatan ng araw? Paanong nangyari yun?" gulat kong tumingin sa kanila, masyado sila busy sa pagsaid ng dugo sa lapag nagmumukha tuloy silang patay gutom na bampira na hindi nakainom ng dugo ng ilang buwan.

Parang sa mga horror movies ay dahan dahan nag angat ng tingin si John, puno ng dugo ang bibig at nakabuka pa ito. Nanlalaki din ang mata nyang nakatingin sa akin.

Mabilis kong kinuha ang tsinelas ko at saka binato sa kanya.

"Ano ba! Umayos nga kayo! Ang anak ko!" inis kong sigaw habang nagpapapadyak

"Pfft. Itsura nito." tawa ng tawa si Leticima habang nakatingin kay John

"Seryoso ako tanga. Ikaw ba talaga ang gusto ko maging hari? Tss. Napakatanga."

"Grabe ka na ah!"

"Halika na hahanapin na natin ang anak mo."

"Hahanapin? Paano nating mahahanap e--?"

"I have my ways." yun lang ang sinabi nya lumapit sya kay Leticima at bigla itong hinalikan sa labi.

Duduwal duwal akong nag iwas ng tingin sa kanila. Letse. Bromance! At sa harap ko pa talaga naglampungan. Nang maramdaman kong hindi na sila magkalapit sa isa't isa muli akong lumingon. Sumalubong sa akin ang isang kakaibang magic circle na ngayon ko lang nakita. Nakatayo silang dalawa sa ibabaw nito at parehong nakatingin sa akin.

"Halika na."

Mabilis akong umapak sa loob ng bilog. Nagliwanag ito at unti unting umakyat papuntang ulo.

The Vampire's Tale (He's Dating The Vampire Girl)Where stories live. Discover now