~36~
"Nakita ko siya kanina."
"Sino?"
"Si Aidan."
Bigla akong napatingin kay Mason.
"De... Tatay niya 'yun," tanging saad ko dito at muling napatingin sa tanawin sa harap namin.
Hindi ko maintindihan kung bakit bahagyang napakislot ako sa sinabi niya. At hindi ko maintindihan kung bakit namin pinag-uusapan 'to. Kung paano nagsimula o paano na napunta dito. He even asked earlier kung ano daw ang ayaw ko sa lalaki which is... weird.
Hindi ko ikakaila na masaya ang naging takbo ng byahe namin papuntang Tagaytay kanina. Marami naman kaming napag-usapan sa kabila ng maya't mayang katahimikan din. We made fun of Caela and her obsession with Hiro. Sorry for that. Nang makarating naman kami sa bahay ay naloko ko pa siya about retina scanning ng gate and it felt like I was able to avenge myself sa ginawa ni Mama sakin noon, hahaha. Then he bought burgers na siyang pinagsaluhan naming late night supper dito sa veranda ng bahay.
We had a good view from where we sat. Mula sa kinauupuan namin ay overlooking ang magandang tanawin. Hindi man kita ang Taal sa mga oras na iyon ay nariyan naman ang mga ilaw sa mga kabahayan na parang bituin, ang maliwanag na buwan at nagkikislapang tala sa langit. Just looking up and staring at the wondrous sky, I felt a moment of peace... and tranquility. Bahagyang nawala sa utak ko ang mga katanungang kanina pa bumabagabag sakin simula nang makadaupang palad ko ang daddy niya.
Kung saan-saan napadpad ang pag-uusap namin ni Mason. Of how I noticed na baka masyado na yata itong na-we-weirduhan sa mga bagay na kinahihiligan ko dahil nakita ko ang awed expression nito nang magtanong ito kanina sa byahe tungkol sa pagdi-drifting. Ang mga papuri niya at maya't mayang biro tungkol sa nakuha niyang litrato ko kanina sa business launch...
And then he brought him up.
"Gusto mo ba siyang kalimutan?"
"Huh?"
"Pwede kitang tulungan."
I looked at him only to find that he was already looking at me. But I can't tell what was in those eyes. Maybe I just have my own fair share of thoughts and I--
"Sigurado ka bang tubig ito? Baka naman may halo itong alak?" pilit ang ngiting saad ko pagkatapos umiwas ng tingin dito.
I know what he meant. But I can't seem to clear my thoughts and absorb it, really, kaya mabilis kong nilapag ang hinahawakang bote ng tubig bago pa mapansin nito ang panginginig ko.
I was beginning to feel tensed. And I don't want to overanalyze. Ayokong ulitin ang mga bagay na-
Muli akong napasulyap dito. Ignoring how I felt my heart begin to race. He was now looking at the bottled water like he was contemplating on something. And I kept on staring at him while he wasn't looking. My eyes traced his gangly figure, from his slightly messed-up hair down to his broad shoulders. We were closer, and it was enough for me to scrutinize him more.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...