Doce

38.9K 567 173
                                    

~12~

 

June

Present day

"Louie, halika nga muna."

Napalingon ako kay Kuya K na kakababa lang ng hagdan. He’s holding a plastic tool box na probably ay lagayan ng mga gamot kasi nakikita ko ang cotton balls and betadine.

Kakatapos ko lang magbreakfast nun and I was about to go to the mini gym para magpapawis saglit. Mas maagang nagbreakfast sina Mama dahil may luncheon meeting daw ito sa isang prospective client.

It was Saturday. Kahapon lang ako umuwi from condo dahil sabi ni Mama, sa bahay daw ako every weekends. Kaya naman pinasundo niya ako kay Tatay Tonyo bandang three sa condo dahil half day lang ako tuwing Friday at kinuha ko pa ang mga laundry ko para dalhin sa bahay.

"Bakit? Kararating mo lang ba Kuya?" tanong ko dito dahil hindi ko siya nakasabay sa dinner kagabi at breakfast kanina.

Actually, hindi din nakauwi si Kuya J kahapon. Sa penthouse daw siya natulog kung saan naman tila nagsilbing bachelor’s pad nito. Sa taas lang naman iyon ng company mismo kung saan din siya nagta-trabaho ngayon bilang Junior Executive. He’s also taking his master’s degree in business administration at the same time.

Ang alam ko, itong si Kuya K naman ay currently pursuing his med school. Basically, sabay kaming first year student. He’s a graduate of BS Nursing. Wala nga sa itsura niya na kaya niyang pagtyagaan ang pagiging nurse eh kaya siguro tinuloy na ang pagdu-duktor. Hahaha.

Pero kukuha pa rin daw siya ng boards next week. Sayang daw kasi yung valid ID ng pagiging RN if ever.

What a reason for taking his head-cracking licensure examination, tss.

Tumango si Kuya K sakin. "Yup. Tough week. Unang linggo pa lang, may quizzes na kami sa mga surgeons na prof namin. Mabuti na lang napagdaan ko sa college ang mga pretest na binigay about anatomy and physiology,” sabi nito bago hinila ang braso ko papunta sa living room. “Lemme try to practice an intravenous insertion on your metacarpal vein."

Agad na pumalag ako sa narinig. "No! Ayoko nga! The last time you did that, ang dami kong hidden mickeys dahil pasmado ka Kuya! Maghanap ka ng pagpraktisan mo, wag ako!"

I was a sophomore in high school then and he was too in college, nang ipa-return demonstration sa kanila ang pag-inject ng gamot. Okay lang naman na magpractice siya sakin kasi mataas naman ang pain tolerance ko. Sa kanya ko nga minsan nakukuha ang mga medical terminologies na naiimbak ko sa utak dahil ang interesting naman talaga ng pinag-aaralan nila. Pag trip kong magbasa ng mga disease process ay nakikihiram ako ng mga libro niya. Minsan, siya din nag-eexplain sakin sa mga di ko ma-gets. Magaling din kasing mag-explain si Kuya K.

Sabagay, siya nga laging tutor ko nun eh.

Going back, he first did an intramuscular injection sa right deltoid muscle ko nun. Sa part na nilalagyan tayo ng bakuna. Hindi naman masakit talaga. Siguro sa una lang because you anticipated the needle to hit your arm pero parang wala naman pag pumasok na. Tsaka normal saline solution lang naman daw ang laman ng injection. Parang tubig nga lang ang itsura nun pero according to him, iba daw iyon. Pag tubig daw ang ininject sakin, masakit daw ang pasok nun unlike the normal saline solution na parang wala lang. Kasi the solution itself daw has an equal kind of component katulad ng fluid na meron tayo sa loob ng katawan: 0.9% Sodium Chloride.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon