Treinta y tres

19K 669 195
                                    

~33~ 

It was around eight in the morning when I woke up. Mabagal akong kumilos habang ininat-inat ang mga paa at kamay nang bigla akong matigilan. I know that today's event would be something big and I know that it means so much to my mother, but I couldn't help but freeze for a couple of minutes while staring at the mannequin that was standing near my dresser. I was about to brush my hair using my fingers pero naudlot iyon nang mabistahang mabuti ang suot ng mannequin na bumulaga sakin. I am not really familiar with styles, yes, but I have seen these type of clothes in the movies. And I have read a lot about them, too.

Unintentionally, I let out a sigh.

Victorian. I am pretty sure that this dress is a Victorian cut.

"Louie? Gising ka na ba?"

Hindi ko na inabala ang sariling lingunin ang pintuan kahit bahagyang nagtaka ako kung bakit hindi naka-lock iyon.

"Hindi pa," sagot ko nang hindi pa rin tumitingin sa pinto.

Naramdaman ko na lang ang paglipad ng tsinelas at agad ko naman iyong nasalo ng kaliwang kamay.

"Paano ka nakapasok?" nakangising tanong ko kay Kuya K na obviously ay napikon sa sagot ko. "At sino ang nagpasok ng damit na yan dito?"

"Binuksan ko ang pinto? Hahaha. Silly. Di ba sinabihan ka ni Mama kagabi na 'wag mong i-lock ang kwarto mo para maakyat ang damit mo— whoah."

Matagal din nitong tinitigan ang damit nang tuluyang makapasok sa silid ko. "Is that your dress for tonight? Parang..."

"Balot na balot ako? Hahaha."

"No. Hindi naman. Masyadong conservative lang. Pero ganoon naman talaga ang pino-portray ng ganyang gowns during its era. Too feminine, too conservative, but very elegant and stylish. Hindi ko lang ini-expect na ganyan ang susuotin mo. Not exactly Mama's style, if you get what I mean. Akala ko modern cut."

Nagkibit lamang ako ng balikat sa sinabi nito. "It's a Victorian cut, right?"

"Yeah. Victorian kasi ang theme. Hindi mo ba alam?"

Umiling ako. "Hindi kaya ako mainitan mamayang gabi sa ganyang suot?"

"I don't know. Hindi pa ako nakasuot ng Victorian gown eh," natatawang saad ni Kuya K.

"Siraulo."

"Now we're quits," tumatawa pa ring saad nito habang naglakad palabas ng kwarto. "Bumaba ka na daw."

"Sunod na lang ako."

"Bilisan mo ha," pahabol na saad nito.

"Opo."

Nang makaalis si Kuya ay saglit ko pang tiningnan ng mabuti ang damit. It was a long sleeved black gown. Simple lang ang style niyon kumpara sa ibang Victorian gowns na nakikita ko sa movies. Wala ngang masyadong kaarte-arte bukod sa usual na mga designs nito. Pero feeling ko talaga, magmumukha akong evil princess sa ganoong damit. What can I say? It was all black. Even the accent was black. Tama si Kuya K. It was the kind of dress na napaka-unsual na tabas na pipiliin ni Mama.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon