Diecinueve

30.7K 718 538
                                    

~19~

"Kuya, naranasan mo na bang mag-walkout sa ka-date mo?" tanong ko kay Kuya J habang ka-sparring ko siya sa mini gym.

Nang makauwi ako ng bahay bandang 7:30 kanina ay hindi na ako nagdinner. Bukod sa nakakawalang gana, syempre inakala na din nila na nakakain na ako kasama ang mga 'groupmates' ko. Si Kuya K naman ay hindi pa nakakauwi dahil may lakad din siya pala.

It was a free combat na walang rules. Yung kahit ano'ng technique pwede gamitin. Black belter na din sa Taekwondo si Kuya J, pero so far, alam nitong kaya ko siyang sabayan. Nag-aya kasi siyang magpapawis daw kami ng ilang minutes dahil hindi siya nakapag-gym ng araw na iyon. Sumang-ayon naman ako agad. Pwede nang pangrelease ng pagka-badtrip ko kay Jem di ba?

"What? Never. Kabastusan yun. De hindi na naulit ang date? Kung nililigawan ko pa lang ang babae ha. Pero kahit naman kami na, I think kahit gaano ka pa kagalit sa babae ng mga panahong iyon hindi option ang pagwalkout. It's a gentleman's unwritten rule," sagot nito bago nagpakawala ng isang sipa na mabilis kong nailagan.

Pero bigla namang uminit ang ulo ko sa narinig kaya sunod-sunod din na nagpakawala ako ng suntok at sipa dito. He countered all of my attacks and it went on very smoothly at first, hanggang sa ako na ang nalagay sa defensive stance. Ilag na lang ako ng ilag sa mga atake niya. Na halata namang ikinatuwa ng magaling kong pinsan. Nakikita ko kasing aliw na aliw ang mga mata niya.

Mas lalo lang tuloy akong nainis.

Kala neto.

Hindi napaghandaan ni Kuya ang sumunod na ginawa ko. Hindi ko na kasi iniwasan ang huling suntok niya. I firmly grasped his hand and thumb, until it reaches at the center of my body, applying the nikyo technique of wringing his wrist.

Napaluhod na lang ito sa paanan ko habang napapaigik sa sakit. Malakas nitong hinampas ang mat floor gamit ang libreng kamay. Doon na ako nahimasmasan at binitawan si Kuya.

"Kuya, sorry! Nabigla lang ako," nakangiwing saad ko dito at pinipigilan ang matawa habang ginagapang nito ang tumbler ng tubig sa mesa.

"Hindi ko sinabing lampahin mo ako, Bunso. Sabi ko lang kanina magpapawis tayo. May galit ka ba sakin?" naiiling na saad nito.

Umiling lang ako dito.

"Ano bang nangyari sa meeting niyo kanina, ha?" nagdududang saad nito sakin.

"Wala. Okay lang naman yun. Magsha-shower na muna ako Kuya," agad na paalam ko dito at hindi na hinintay ang sagot niya.

Potek na Jem, nakakawala sa katinuan ang pagiging gago. Hays.

***

Pero hindi ko inaasahang Miyerkules mismo ng sumunod na linggo ay ang araw na maghaharap kaming muli ni Jem. Balak ko na sanang kalimutan na lang ang nangyari at magmove on lalo’t hindi na din naman kami nagkikita.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon