Treinta y nueve

18K 659 298
                                    

~39~
"Louie, wait up!"

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag. "Why, what's wrong?"

"You're living around Ortigas complex, right?" nakahingal pang tanong ni Dale na sinagot ko lang ng tango. "Do you know where Richmonde Hotel is? I mean, can you tell me a familiar place perhaps. I'm meeting someone there eh. One of the org's sponsor and I don't know where that is."

Saglit kong inisip ang eksaktong lugar na binanggit nito. Then thought of a landmark.

Hmm. Medyo may kalayuan din ng konti kung lalakarin mula sa condo ko, pero pwede na. Kaya naman. Alam kong malapit lang sa Philippine Stock Exchange iyon.

"Malapit lang sa Philippine Stock Exchange. Alam mo yun? Uhm... Lagpas ng San Miguel Corporation yung Richmonde. Corner San Miguel Ave and Lourdes street. "

Nakita ko sa mukha nito ang confused look kaya napabuntong-hininga ako. Katamad mag-explain.

"Tara na nga. Samahan na lang kita," saad ko dito at nauna na sa paglakad.

It took me a few seconds to realize na walang may sumusunod sa likod ko. Paglingon ko, nakita kong nakatayo pa din ito sa eksaktong lugar na kinatatayuan niya kanina.

Unbelievable. "Wuy, ano?" nagtatakang tanong ko dito.

"H-Ha?" saad nito na tila naalimpungatan sa pagkakahimbing saka ikiniling ang ulo. "Ah, wala. Magko-commute ba tayo?" nagsimula itong maglakad palapit sakin.

"Hmm. Wala akong sundo ngayon eh, kaya yup. We'll take a cab," kibit-balikat na sagot ko habang kinakapkap ang wallet sa sling bag.

"Okay lang ba na kotse ko na lang ang-"

"May kotse ka?" mabilis akong napalingon dito kasabay ng pagbalik ng wallet sa bag. "Yun naman pala eh. Tara. Saan?"

Makakalibre pa yata ako ng pamasahe, hehehe.

Nakita kong alanganing ngumiti lang ito habang binabaybay namin kung saan ito nagpark ng sasakyan.

"Bakit?" tanong ko dito.

"Ah, wala naman."

"Sa Katipunan na tayo dumaan ha?" sabi ko pa dito bago sinenyasan itong huwag na akong pagbuksan ng pintuan ng- shit.

Parang ayaw ko pang maniwala sa kotseng tinigilan namin. Ang gara ng Nissan Patrol niya. It was the latest of its kind. Last weekend lang namin napag-usapan nila Kuya ang tungkol sa mga brand ng kotse while we were browsing the models that we like.

Nauna pa akong pumasok sa kotse ni Dale nang marinig ko ang tunog na senyales na pwede ng buksan ang sasakyan. Pasimple kong pinagsawa ang paningin sa interior ng kotse nito.

And I just wished my mom would think of giving me one of my own on my eighteenth birthday.

Inggitera lang, Louie? Ang inggitera mo!

***
"Mabuti pala sumama ka sakin?" Dale said while we were stuck in a traffic along Katipunan.

Matagal na sandali pa akong napaisip ng sasabihin ko bago mahinang natawa.

I also cannot believe that I would be talking with the Dale Anthony Montemayor like this. Like we were having some casual conversation. My decision of accompanying him sa pupuntahan nito ay medyo may kabiglaan, oo. But for the past weeks, hindi ko alam kung paano pero medyo humupa yata ang inis ko dito at pansamantalang nagkaroon kami ng truce. It was when our Chemistry prof decided to divide us into groups of two para sa three weeks thesis work. At yes, ka-buddy ko si Dale. I was expecting a power-struggle teammate. But he was so patient, considerate and open-minded. Hindi ko lang talaga in-expect na para sa isang katulad niyang competitive, ilang araw niyang pagtitiisan ang pagmamaldita ko, hahahaha.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon