Veintiocho

23K 677 207
                                    

~28~

Nainis talaga ako sa sinabi ni Kuya J. I mean, it was not because he was teasing me about Mase who might be seeing someone— like the hell I care? Pero, ayoko lang na parang pinamumukha niya akong parang bata, and worse, yung kawawang bata talaga! I hated how he tapped my head na parang aso. Eeeh! Kainis.

And he's saying like I am so deeply, madly in love with the guy. Let's be clear on this because I'm not, okay? I have an awkward feeling when he's around. That is true. To be honest, I really don't want to dwell about what the hell am I feeling because it kind of rattles me a bit. I don't like how I seem to get scared by the minute and excited by next just the mere thought of seeing him again.

At nagsimula lang mangyari ‘to right after that night when we exchanged text messages— Oh gaaad.

I heavily sighed, forced myself to dismiss the thought saka kinapa ang cellphone sa bulsa at binasa ang text ni Hiro. Only to find out that he has one missed call too.

From Hiro:

Ano'ng oras tayo magkikita?

San kita pupuntahan?

Too busy to answer my call?

Balak ko na sanang tawagan ito nang makarinig ako ng mga katok sa bintana sa side ni Kuya J. Hindi ko na masyadong napansin ang pagngisi nito dahil binaba na niya ng konti ang bintana ng kotse. Halos mapanganga ako nang mapagsino ang bahagyang sumilip doon.

It was Mason. A Mason that was running out of breath, profusely sweating. I wonder how he got here when... Mabilis akong napalingon sa likod at nakita ko ang isang kanto doon.

Did he...? Whatever.

"Ah, Lou—"

"Yes? Disappointed?" ngising saad ni Kuya J pagkatapos nitong kunin ang lollipop sa bibig.

Binalik ko ang tingin kay Mason at mukha na siyang ewan na parang napahiya sa harap ni Kuya.

"Ah, Kuya J. Kumusta po? Ano, pasok po kayo, birthday ko po."

Wala sa sariling napangatngat ako ng kuko at mahinang sinaway si Kuya. Pero hindi man lang ako tiningnan nito. Tuluyan na niyang binuksan ang bintana ng kotse at marahang tinapik-tapik ang braso ni Mason.

"Cool ka lang parekoy. Teka... Ire-recline ko lang ang upuan para makapag-usap kayo," he said then immediately reclined his chair. "Pretend I'm not here."

Hindi ko alam ang ire-react ko. I mean, why did he just do that? And duh? I don't want to talk to Mason while he's there obviously eavesdropping! Lokohin niya pa akong hindi nakikinig dahil naglagay pa siya ng headset sa tenga niya. Who will believe that?! He was singing a love song and it's an OPM! Wala kaya siyang OPM songs sa current playlist niya and that headset was connected to his car and the stereo was off!

"I'm falling for you...finally...my heart gave in~~~"

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon