Cuarenta y dos

12.1K 466 190
                                    

~42~
"So which is which? Take the approximately three to six months period of initiation before becoming a member or be our department representative this coming Engineering week and automatically secures you a membership spot?"

Hindi ako nakasagot agad sa sinabing iyon ng Chemistry prof namin who was also the adviser of EEE organization na siyang main org ng academic department namin na Electrical and Electronics Engineering Institute.

Pinaiwan ako nito pagkatapos ng klase namin at sinabing samahan ko muna siya sa faculty office. Bahagya akong nagtaka pero isinawalang bahala ko na lang. Mabilis lang naman daw eh. Along the way, tinanong nito kung may nasalihan na ako dating mga competitions sa high school bukod sa sports. Syempre sabi ko, quiz bee ganyan. Ngumiti lang siya bago niya tinanong kung totoo bang sumali ako sa Miss Intramurals sa Uste dati.

Medyo naalarma ako nang marinig iyon kaya alanganin akong sumagot ng oo. Parang alam ko na kasi ang tinutumbok nito. At hindi nga ako nagkakamali. Kahit sinabi ko ditong nagkataon lang ang lahat. Na tsumamba lang ganun. Pero halatang ayaw na niyang magpaawat. Kung ako ang tatanungin, halatang bago pa kami mag-usap, desidido na siyang kunin akong representative ng department. He was too eager to convince me hanggang sa heto na nga at nakaupo na ako sa harap niya ngayon sa faculty room.

"And maybe, the 1.0 final grade will help you decide, too? I heard you got flat one in all of your subject aside from mine," nakangiting dagdag pa nito sa pananahimik ko.

Maang akong napatingin dito.

Somebody did his homework and hit a homerun.

I slightly clenched my fists and feel they're already sweating. He wasn't the type who would just give a flat 1 grade. I only got 1.25 sa subject nito and according to him, it was by far the highest grade he'd given sa labinglimang taon niyang pagtuturo sa unibersidad na iyon. Ibig sabihin niyon...

"So? I can see that you are thinking. It's a good sign," komento nito.

"Sir kasi... Pwede naman po tayong bumawi sa sports di ba? Mas athletic po kasi ak--"

"Sa March pa naman ang Engineering week, kaya huwag kang mag-alala."

Muli akong natahimik kaya nagpatuloy pa ito.

"Hindi mo ba naisip kung bakit parang napakadali lang sakin sabihin ang bigyan ka ng ganoong grado? Or have you ever wondered why I sounded too desperate for you to be our representative?"

"Sir, kasi..."

"Frankly speaking, yes. I am desperate. Dahil sa halos nakalipas na limang taon, hindi pa nananalo ang representative namin sa engineering week..."

Nagpatuloy ito sa pagsasalaysay kung saan dating mga lalaki ang kalahok ng bawat department at ngayon lang pinalitan ng babae. Sa laki daw kasi ng populasyon ng engineering meron na din itong sariling mundo sa University. At kung dati ay tuwing Disyembre daw iyon, inilipat na din sa Marso.

"...you being an athlete is already an edge in sports. In our department. You're flexible, I know. Maging sa mga quiz bee, pwede ka ding ipambato ng departamento. But THIS," may inilapag ito sa ibabaw ng mesa. "...is security, assurance. This is an ace."

Napatingin ako sa... magazine at literal na napalunok ako nang makita ang front cover niyon kung saan ako ang modelo. Hindi ko naman ikinakahiya ang pagiging modelo ko kasi I know I should be proud, pero nahihiya pa din ako tuwing nababanggit iyon.

Parang... nakakailang lang na ewan.

Huminga muna ako nang malalim at tiningnan ang kausap. "Sa totoo lang sir, hindi naman ako masisilaw sa uno although malaking tulong po siya bukod sa binigyan niyo ako ng pagkakataong mas makapagfocus ako sa ibang klase ko, tataas pa ang GWA ko."

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon