Cuarenta

16.3K 571 237
                                    

~40~

"Hmm, Mase. Tumawag ka pala sa bahay kanina?" tanong ko kay Mason nang hindi tumitingin dito. Inabala ko ang sarili sa pag-inom ng chocolate frappe na ito din mismo ang nagbayad.

Inaamin kong medyo nakakahiya. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako sa sarili o ano na wala man lang akong naiambag sa kinain namin ngayong araw.

Agad akong napatingin dito nang marinig kong napaubo ito.

"Ah, oo. Nagpaalam lang ako kay Tita."

Lihim kong nakagat ang straw. "Nabanggit nga ni Kuya. Sino nakausap mo? I mean, sino sumagot ng phone kanina?"

"Si Kuya J yata."

"Ahhh." Kaya pala. Siraulong 'yon.

Ilang segundo din kaming natahimik. At nailang lang ako.

"Bakit nga pala... naisipan mong dito kumain sa Rob Magnolia?" baling ko dito at muling napatingin sa frappe nang sabay pa yata kaming napaharap sa isa't-isa. Ramdam ko ang biglang paninigas ng panga ko. "Uhm. Nevermind. Wag mo na lang sagutin."

I don't want to pry. Pero at the same time, gusto kong marinig ang sagot?

Ang gulo kooo.

"Sigurado naman kasing maraming tao sa Philcoa. Baka nalipasan na tayo ng gutom di pa rin tayo nakaka-order. Maiba lang," paliwanag nito.

Napatango ako at bahagyang napangiti nang may maalala.

"Sabagay. Yung huling group meeting nga namin sa Chowking, halos isumpa ko. Parang wala ng aircon dun. Inabot pa yata ng isang oras ang order namin," kwento ko dito.

Epic talaga yun dahil muntik pang makipag-away si Niña sa mga crew, hahaha.

"Buti nakatagal kayo dun?" nakangiting tanong nito.

Kung alam mo lang kung paano ko din kinontrol sarili ko 'non dahil sobrang gutom na 'ko, tss. "Si Thea kasi, yung isang groupmate ko... mahigpit na bilin ng daddy niya na huwag umalis ng Chowking kasi dun din siya susunduin," napabuntong-hininga kong saad. "Uy baka napilitan ka lang mag-Jollibee kanina ha."

Mukha kasing ang lalim ng iniisip niya habang kumakain kami.

Mabilis naman itong napailing. "Hindi. Okay lang naman. Nabusog ka ba sa kinain mo?"

"Oo naman. Grabe naman 'yang tanong mo. Hindi si Charlie kausap mo ha?" natatawang sagot ko dito.

Nabusog din kaya 'to? Bakit kasi ginaya ang order ko baka ayaw naman niya pala 'non.

Napalingon ako dito nang matagal itong hindi nakasagot. Napansing kong napapakamot na naman ito ng ulo.

"De... kasi ano... di bale na."

Napaangat ang isang kilay ko sa inakto niya. "Ano? Gusto mo pa bang kumain? Samahan kita, okay lang."

Nakakakonsensya talaga. Bakit kasi hindi na lang ako prangkahin na gutom pa--

"Haha, hindi. Iuwi mo na lang," saad nitong kahit hindi masyadong maliwanag ang ilaw sa labas ng coffee shop ay sapat na para makitang bahagyang namumula ito kahit nakangiti.

At sapat na din ang ngiting iyon upang nakangiti akong nagtanong dito kahit nagtataka. "Ha? Ano'ng iuwi? Baliw 'to."

Muli na naman itong napakamot ng ulo. "May dinala kasi ako. Akala ko kasi sasabihin mong ako na lang ang bahala kung saan tayo kakain. Yun..."

What. The. Hell. Ano'ng ibig sabihin nito?

Alanganin pa yata ang tawa niya nang magsalita. Nagulat talaga ako. Kakaibang klase ng gulat coupled with anticipation.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon