~43~
Natigil ako sa pagsusulat ng homework nang tumunog ang intercom. Mabilis akong tumayo at tinungo iyon pagkatapos iipit ang ballpen sa loob at isara ang kwaderno."Louie, si Charlie nasa telepono sa baba."
"Salamat yaya, baba na lang po ako," saad ko at agad na sinuot ang house slippers. Hindi ko na inabalang ligpitin ang study table, didiretso na dapat ako sa baba nang mapansin ko ang notebook na pinagsulatan. Walang anu-ano'y kinuha ko iyon at kinipkip sa kilikili bago tinakbo ang hagdan.
"Charlie."
"Hi bespren! Naistorbo ba kita? Kamusta naman?"
"Hindi naman. Napatawag ka?"
"Wala lang, boring kasi dito sa bahay, wala akong magawa. Tsaka wala kasing pumapansin sa mga post ko sa FB eh."
"Nagpaparinig ka ba? Alam mo namang hindi ako laging online sa mga ganyan. Besides, hindi ako gumawa ng FB para maging autoliker mo," naiiling pang saad ko dito habang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook.
"Naku hindi! Hindi naman para sayo ang post ko, para sa kras ko, huehue."
Ilang linggo na din akong merong Facebook account. I made one or rather, nagpagawa ako kay Kuya K. Kailangan kasi sa org. Oo, sumali na ako pero dadaan pa ako sa parang initiation. Kaya nga bina-bribe ako ng Chem prof ko 'di ba para maiwasan ko ang ilang buwang initiation.
Inaamin kong medyo mahirap nga ang mga pinapagawa, pero kaya pa naman. At yun na nga, ayun sa org, sa FB daw mas madaling pag-usapan ang upcoming tasks at events na din na kinu-conduct ng org. But unless hindi ako sinasabihan ni Dale o ng ibang co-trainee na merong nakapost na task sa FB, hindi ako masyadong nagba-browse.
Napansin ko kasing sumasakit na ang mga mata ko kapag matagal na tumititig sa laptop kaya kung hindi rin lang importante and possibly related sa school, iniiwasan ko nang gumamit ng laptop. Sabi sakin ni Kuya K sa kakabasa ko din daw 'to ng ebooks kaya masisira na daw mga mata ko. Nagkasagutan pa kami non. Sabi ko kasi nasa medical field siya pero hindi alam na myth lang yun. Muntik pa akong mabatukan kung hindi lang ako mabilis tumakbo palayo.
Totoo naman eh. Sitting closer than necessary para manood ng TV, reading ebooks or even reading in the dark with little light will not damage your vision. You may have headache, eyestrain pero hindi masisira mata mo dahil lang dun. Research-based. Mahilig kasing magpapaniwala sa sinasabi ng iba, hindi muna dino-double check kung may basis. Pero hindi ko lang alam sa long-term effect ha? Say mga all throughout ng buhay mo, iyon na gawain mo, hahaha.
Anyhow, some few things I could name that could really damage your eyesight would be exposing your bare eyes to the sun and regular use of eye drops, especially those that you think na makakareduce ng redness ng mata mo. So might as well wear shades and stop using eye drops as a habit because it temporarily restrict the blood vessels in your eyes.
Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang boses ni Charlie. Kung saan-saan na naman lumilipad ang utak ko.
"Ano na nga yon?"
"Ayun. Sabi ko para sa kras ko ang status na 'yon. Sira na yata yang telepono niyo."
Pigil tawang hindi ko na lang pinansin ang reklamo nito. "Friends na kayo sa FB?"
"Oo kaya! Monthsary nga namin ngayon. Kaya nga sad, kasi hindi niya man lang napansin ang post ko."
"Ha? Kayo na ba? Si Taki yang tinutukoy mo di ba?" gulat na tanong ko.
"Oo, si Taki nga. Hindi naman ako two-timer, bespren. Gorabeee! One month na kaming friends sa FB, edi sempre, monthsary namin ngayon!"
"Ahhh sorry naman. May ganun pala sa FB, hindi ko alam eh."
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...