Cuatro

47.6K 739 168
                                    

~4~



Matagal pang nakatingin sa kawalan ang dalawa kong pinsan at si Hiro habang pinagmamasdan ang bote.



Nang hindi na ako makatiis, I literally snapped my fingers in front of them. "Huy! Ano, tapos na oh, are we going to call it a night?"



Si Kuya K ang unang nagsalita na tila wala pa rin sa sarili habang kinakausap si Kuya J. "We're almost there bro, at naalala kong napalabas nga pala sa commercial ng isang brand ng gatas yan pero hindi man lang sumagi sa isip natin."



Kahit si Kuya J ay pailing-iling. "Hindi pa nanonood ng tv yang si Louie ha."



Makapag-usap ang mga 'to kala mo sila lang ang tao. Naiinis na tumalikod na ako pagkatapos kong hilain ang kamay ni Hiro.



"Tara na nga, huwag mong pansinin ang mga retarded na yan," saad ko habang hila-hila ito. "Gutom ka na ba?" tanong ko dito habang naglalakad kami pabalik ng pool.



Umiling lamang si Hiro sakin. "Okay pa ako Siobe. Wala naman akong masyadong nagawa hahaha."



Mabuti alam mo, muntik ko nang sabihin dito.



Halos patayin ko na siya sa utak kanina habang naglalaro kami at siguro kung natalo pa kami, ewan ko na lang.



Bahagya akong nanginig ng dumapya ang panggabing hangin sa katawan ko kaya napayakap ako sa sarili. Dumagdag pa siguro ang kadahilanang nagbabad din ako sa pool kanina kakasisid.



"Nilalamig ka na yata," nag-aalalang pakli ni Hiro at akmang huhubarin nito ang suot na jacket nang bigla kong naramdamang umangat ang katawan ko sa lupa.



"What the fuck are you doing Kuya K?!" malakas kong tanong nang malingunan ko ito habang buhat-buhat ako.



"Bro! Si bunso, dali!" sigaw nito kay Kuya J at hindi pinansin ang sigaw ko.



Whaaat?!



Ano'ng nangyayari?!



But he seemed tense. Halatang pinagpawisan ito ng malapot kahit ang lamig naman. He looks so worried like he'd just witnessed a horrifying scene.



Kaso nakakailang lang yung feeling kasi naka-swimming trunks lang siya eh.



"Kuya ano ba! Ibaba mo nga ako! Ang bigat ko kaya!" pagwawala ko pero nang dumating si Kuya J habang bitbit pa rin ako ni Kuya K ay nakita ko ding biglang namutla ito.



Kaming dalawa lang yata ni Hiro ang clueless sa mga nangyayari, badtrip.



"Shit! Saan ang masakit sayo ha? Bakit hindi ka nagsasalita kanina?" nag-aalalang tanong ni Kuya J na hinaplos-haplos pa ang pisngi ko. "Mang Tonyoooo!" malakas na sigaw nito. "Mang Tonyo, ihanda niyo ang kotse, dali!"



Ha?! Potek, ano'ng nangyayari?!



Ano'ng drama na naman ito?!



Parte na naman ba ng despidida 'to?



Hindi ko na nasundan ang mga pangyayari. Mabilis akong dinala ng mga 'to sa sala habang nakasunod lang si Hiro sa likod ng mga pinsan ko at di magkandatuto ang dalawang kolokoy kung ano ang unang gagawin pagkatapos akong paupuin. Parang hindi nga nag-eexist si Hiro eh, siguro kasi parang emergency case kung makaasta ang dalawa?



Yung huling kita kong nataranta sila ng ganito noong limang taon pa lang ako eh at aksidenteng natamaan ako nila ng bola ng basketball tapos dumugo ang ilong ko. Nanonood lang kasi ako noon sa likod ng bahay. Pagkatapos akong patingnan sa family doctor nun pinaluhod silang apat sa asin habang nakadipa. Mga parusa talaga ni Lolo eh, tss. Pero after nun, tinuruan na din ako ni Lolo maglaro para makasabay ako sa kanila at hindi lumaking lampa. Ayos na rin di ba. Hehehe.



"Should I tell Mama Louise? Oh my God, oh my God! Bro! Tawagan mo na lang ang family doctor, dali!" natatarantang saad ni Kuya K pero ito naman ang pumunta sa lagayan ng telepono.



Shunga ampotek.



"Damn, no! Huwag muna nating sabihin kay Mama. Pinahanda ko na ang sasakyan, teka kukunin ko ang first aid kit," saad naman ni Kuya J pacing back and forth bago bumalik ulit,"pero... saan nga pala nakalagay yun?"



Ay wow, shunga the second.



Hindi na ako nakatiis kaya napasigaw na talaga ako. "WHAT'S HAPPENING?! Parte ba 'to ng party oh ano?!"



Siya namang pagpasok ng humahangos na si Tatay Tonyo. "Ready na ang kotse, ano'ng... Louie..." nakita ko kung paanong namutla din si Tatay Tonyo nang makita ang itsura ko.



"Y-You're bleeding bunso. You're bleeding..." puno ng pag-aalalang saad ni Kuya K at halos hihimatayin na si Kuya J habang nakatingin sakin.



Doon ko lang tinignan ang kabuuan ko.



I'm bleeding... yeah right.



Ang daming dugong dumaloy sa mga binti ko. Para lang akong pinaslang at sinaksak kung saan.



Pero imbis na mahiya sa kababuyan ko ay napabunghalit ako ng tawa sa harap ng mga pinsan ko. Hindi ko na napigilan at halos gumulong ako sa upuan.



Halos ubuhin na yata ako kakatawa pero clueless pa rin sina Kuya at Tatay.



"I have my period, you morons! Hindi lang ako nakagamit ng pads kanina dahil nagsisimula na ang laro nang ma-realize ko. It was Hiro who first noticed anyway. Ang OA niyong mag-alala. Teka, magpapalit lang ako," saad ko at natatawa pa ring iniwan ang mga itong nakanganga.



Nakita ko ang pagpipigil ni Hiro na humagalpak sa tawa.



Mga taeng yun. Kinabahan din ako kasi akala ko kung ano na.



Pero habang naglilinis ako ng katawan at iniisip ko ang nangyari ay parang gusto kong lumubog sa kahihiyan.



First day really sucks, shit.



Delayed reaction of embarrassment. Ano toh?!



Kahit mga pinsan ko sila at kapatid ko si Hiro ay hindi pa rin dapat ako nagkakalat sa harap nila. I'm turning 17 and I should behave like one, tss.



Kahiya ka Louie. Pustahan paglabas mo, patay ka sa mga pinsan mo.



Shit, wag naman sana. Umarte na lang kaya akong inaantok or sobrang pagod at kailangan ko nang matulog? Tutal 11 na din naman eh. Hmp.



Kasalanan kasi ng obstacle game yan eh.



Pagkatapos kong maligo at magpalit ng pantulog ay walang pagmamadaling nagsuklay ako ng buhok. Nakarinig ako ng mga katok sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay si Kuya K ang nabungaran ko.



"Ano ka, hindi pa tayo tapos. Baba." saad nito at muli ay wala akong nagawa ng buhatin ako nito palabas ng kwarto.



Pinigilan ko muna ang magsalita kahit kanina ko pa gustong sigawan siya kaya pagkababa pa lang namin ng hagdan ay agad kong pinilipit ang leeg nito dahilan upang bitawan ako ni Kuya K. Halos mamutla ito at habol-habol ang hininga.



"What did you do that for?!" singhal nito sakin. Dinama pa nito ang leeg na parang na-deform sa orihinal na posisyon.



"Kanina mo pa ako binubuhat, pwede mo naman akong kausapin lang ah," asik ko din dito.



Parang gago 'tong si Kuya, alam naman niyang ayokong ginaganun.



"Ang arte mo talaga. Madami kaya ang magpapakamatay mabuhat ko lang," pang-aasar nito sakin saka mayabang na tinampal ang dibdib. "Heartthrob 'to."



Wow ha. Sarap pukulin ng suklay sa kayabangan.



"Well, I'm sorry for bruising your gigantic ego, but I don't belong to those pea-brain bitches who wanted to catch the attention of a conceited-self-proclaimed-heartthrob such as yourself," nakataas ang kilay na saad ko bago iniwan ito at tinalunton ang pool side.



Naabutan ko sina Kuya J at Hiro na kapwa nakapajama set na din. Tanging pang-apatang lamesa na lamang ang nandoon at apat na stools intended siguro samin. Sa lamesa ay nandoon ang mga inumin at ilang putahe ng ulam, mani at chichirya. Pinatay na din ang sounds kaya tahimik ang buong paligid. Pinagpahinga na din daw nila ang mga kasambahay at si Tatay Tonyo.



Yikes, alak. They have one bottle for each of these liquors: wine, martini, vodka, scotch and tequila.



Actually, ganyan din ang pagkasunod-sunod sa lamesa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapalunok.



"Oh asan si K?" tanong ni Kuya J sakin nang makaupo ako sa tapat nito. Hiro was on my left.



I shrugged. "Ewan ko. Must be somewhere where he could admire his heartthrobness."



The two boys chuckled at naramdaman ko ang pagbatok sakin mula sa likuran.



"Aray naman!" angil ko kay Kuya K nang malingunan ito.



"Kanina ka pa ah. Kahit aalis ka na sa Sabado, iiyak ka pa rin sakin, sige ka," saad nito at umupo na sa bakanteng silya.



Nilukutan ko lang ito ng ilong at hindi na kumibo.



Siya 'tong nagsimula eh, tos ako pa rin ang kawawa? Unfair talaga sila. Hindi marunong ng fair play, hmp.



Ayokong uminom, lalo na kung kasama ang mga loko-loko kong pinsan sa totoo lang, pero hindi ko ikakaila na gusto ko din namang subukan. Like most teenagers, na-curious din naman ako sa lasa ng alak. I want to know kung totoo nga ang mga sinasabi nilang epekto niyon sayo. And this was the only day na pinayagan ako kaya siguro, it wouldn't hurt to try di ba?



Sabi nga ni Mama, it's better to get wasted kung nasa loob ka lang din naman ng pamamahay mo kaysa sa ibang pamamahay ka pa magkalat.



We started drinking wine. And damn, it tastes good. Masarap. Seryoso. At first akala mo maalat siya na ewan hanggang sa you'll get used to the taste and it started to taste so sweet.



Ayun, ginawa kong panulak habang kumakain kami ng salmon, hahaha.



Martini? Geez, masarap din. It's different from wine pero it's something that after you've finished your share, magbo-volunteer ka to ask for more. It's like you'll get addicted to the taste and you can't help it.



I was kind of disappointed somehow kasi akala ko ba hindi masarap ang alak? Akala ko ba iikot ang paningin mo? Akala ko ba, bigla ka na lang nawawala sa huwisyo like all of your inhibitions were gone?



"Ano Louie, ayos ba?" nakangiting tanong ni Kuya J sakin.



Ngumiti ako ng matamis kay Kuya. "Yup. Masarap naman pala eh. I never knew na magugustuhan ko sila."



"Masyado ka kasing naniniwala sa lahat ng binabasa mo. They're just theories. How will you know na totoo kung hindi mo susubukan mismo?" saad ni Kuya K sakin bago binalingan si Hiro. "Di ba Hiro?"



Ngumiti lang ang kapatid ko at tumango habang itinaas ang baso. And with that, nagcheers kami at nagbottoms up.



Then it was vodka. Medyo mainit na ang daloy ng vodka sa lalamunan ko tuwing nilalagok ko siya kaya I don't do bottoms up with it. I just sipped. Just like the other two na nauna, tolerable siya at okay naman ang lasa. But I would prefer martini or wine kung ako ang tatanungin.



"Let's play truth or truth," saad ni Kuya J nang malapit na naming matapos ang vodka.



Hindi ko napigilan ang matawa ng malakas. "Di ba dapat truth or dare?"



Oh God, bakit ang lakas ng tawa ko masyado? Parang kala mo ako lang ang tao sa mundo? Epekto na ba 'to? Tss.



"Nakakatamad na magdare. Mamaya kung ano pang ipagawa mo," sagot naman ni Kuya J.



Ay ganun, boo.



"Game," saad ni Kuya K at pati si Hiro ay sumang-ayon din.



Kumuha si Kuya J ng scotch at naglagay sa maliit na shot glass. Then he placed it at the middle of the table.



"Si Hiro muna, tapos ako, tapos si K tapos last si Louie," saad ni Kuya J. "Bago magsalita ay magbottom's up muna ng scotch."



Nakita kong akmang magpo-protesta si Kuya K pero hinawakan ito sa kamay ni Kuya J.



Bakit kaya?



Itinaas ko ang mga kamay ko nang may maalala. "Kuya si Hiro, dapat hindi masyadong umiinom di ba? Kasi kalalabas niya lang sa ospital."



"Ay oo nga pala. At dahil ikaw ang kapatid niya, ikaw muna ang sasalo sa inumin niya," nakangising komento ni Kuya J.



Sabay kaming nagprotesta ni Hiro.



Ang daya talaga nito! Ang dugas! Pero dahil pinagpipilitan ni Hiro na okay lang at dahil concerned citizen din naman ako, inako ko na naman ang kapatid ko.



Sige na. Sige na. Mukhang kaya ko naman eh.



"Oh K, ikaw magtanong kay Hiro," baling dito ni Kuya J.



Tumango naman ang isa. "Uhm, Hiro... What was your first impression about our family?"



Napangiti si Hiro sa tanong na iyon. And since kailangan magbottom's up muna bago siya sumagot ay inisang lagok ko ang scotch na nasa maliit na shot glass.



And faaaaak men, isusumpa ko ang gumawa ng alak na 'to.



ANG PAIT, POTEK.



Ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa lalamunan ko. Di na ako magugulat baka bukas sunog na.



Napapikit ako upang kalmahin ang sarili. Potek, ayoko ng scotch.



"Louie, okay ka lang?" tanong ni Kuya K na nagpipigil nang tumawa.



"Bakit ang pangit niyan? Di ba pwedeng yung martini na lang? Mas gusto ko pa yun eh, tsaka yung wine," saad kong ilang beses pang lumunok-lunok.



Kumuha din ako ng tubig at uminom. Ang init pa rin sa lalamunan, tae.



Natawa lang sakin ang mga pinsan ko at si Hiro.



"Tawa pa Hiro. Ba't di ka na sumagot diyan?"



Nagkamot ito ng ulo at nagsalita. "Uhm.. your family is nice. Very. Actually I was intimidated at first. Ewan ko. Nahihiya lang siguro talaga ako dahil sa isyu nga na meron kami ni Siobe. And I never expected that I will be welcomed warmly by everyone kanina. Nahihiya talaga ako, sorry kung hindi ako masalita. But believe me, I enjoy your company. This isn't the first time na pumunta ako sa bahay ng ibang tao pero syempre iba pa rin yung idea na oo, pamilya nga ng half sister mo pero hindi naman kasi... I mean, it's kind of awkward lang siguro dahil may mga isyu pa kasi sa pamilya. I hope you get what I mean," saad nitong tila naguluhan din sa sariling sinabi.



Tinapik naman ni Kuya J si Hiro. "Itong tandaan mo bro, welcome ka lagi dito kahit wala pa ang kapatid mo. Alam naming nag-iisa ka lang at alam din namin kung gaano kalungkot yun. Kung ano man ang isyu ng mga matatanda, huwag na tayong makisaling mga bata, ayos?"



Nakita kong parang natuwa si Hiro sa sinabi ng pinsan ko. Tawagin ka ba namang 'bro' ni Kuya J? Feeling close din 'to agad ang pinsan ko eh hahaha.



Pero lihim pa rin akong napangiti. I'm really proud of my family.



Binato naman ito ng mani ni Kuya K. "Hindi mo naman kasalanan kung naging anak ka ng Papa ni Louie sa iba. Basta tandaan mo lang ang kahalagahan ng pamilya mo, na kapatid mo pa rin si Louie at parehong dugo lang ang nananalaytay sa ugat niyo. Ibig sabihin, you should protect each other. Kita mo kami niyan?" turo nito kay Kuya J. "Nagbubugbugan din naman kami paminsan minsan which is normal lang sa magkapatid. But you should know na kahit ganun man, huwag ka dapat magtanim ng galit sa kanila kasi sino pa ba ang magtutulungan sa huli di ba?"



Tumango si Hiro dito. "Salamat po," saad nito sa dalawa.



Parang tinamaan naman ako sa 'huwag magtanim ng galit'.



Eh kasi gawain mo?



Eh ano naman? Pakialam mo ba? Inggit ka?



Bwisit makaepal.



"Oh Hiro, ikaw na magtanong kay Kuya J," sabi ko dito at agad namang kinuha ni Kuya ang shot glass at ininum iyon.



Tinignan ko ang reaction niya habang umiinom ng scotch.



Bakit parang wala lang sa kanya?! Unfair!



"Ano po, dahil despidida ni Siobe eh message niyo na lang sa kanya. Or yung bagay na kinaiinisan niyo at bakit," saad ni Hiro.



Ano 'to, open forum?



Napaisip naman si Kuya J ng sasabihin. "Okay. Yung kinaiinisan ko kay Louie uhm... marami-"



"Ay grabe naman!" agad na angal ko.



"Tumahimik ka, show ko 'to hahaha," natawa din kaming tatlo sa sinabi niya. "Madami. Minsan nakakainis na yung pagiging obsessive compulsive niya, yung pagiging organized niya, pagiging introvert at bugnutin..."



Napanguso ako. Ang sama niya lang. Hindi ako OC ah! At hindi rin ako bugnutin!



Okay fine, konti. Pero... hayst.



"Nakakainis na kailangan mong siguraduhing nakauwi siya ng safe sa bahay, na hindi siya ma-late sa klase at ipagtanggol sa..." nagpause ito at napa-'tss' bago nagpatuloy.



Ha? Ipagtanggol sa ano?



"Minsan nakakainis na yung kailangan mo siyang intindihin kasi dapat? Bunso kasi siya eh, kailangang protektahan, kailangang huwag masaktan pero nakakainis kasi hindi mo din pala maiiwasan iyon. There will come a time na you have to hurt her kasi ayaw mong mas masaktan pa siya lalo. Nakakainis yung kahit alam mong kaya naman niyang protektahan ang sarili niya pero bilang naturingang bunso siya, eh gusto mo pa ring gawin? Hindi lang dahil nakasanayan mo, hindi lang dahil gusto mo, but because you love her more than anything..." saglit akong tinignan ni Kuya sa mga mata. "I know this may sound cheesy to her Hiro, hindi kasi kami showy at expressive sa bahay kaya tignan mo ang reaksyon niyan."



"Ano?" saad kong nakataas ang dalawang kilay sa mga 'to.



"I agree with him," sabat naman ni Kuya K na tinapunan ako ng tingin bago humarap kay Hiro. "Akala kasi lagi niyan walang kakampi dito samin. Kahit noong nandito pa sina Justin at Kurt. Na akala niya siya lang mag-isa sa mundo. Tsaka hindi lang siguro kami sanay na vocal talaga sa nararamdaman sa isa't isa considering na parang pinalaki din 'tong si Louie na one of the boys."



Tumango-tango lang si Hiro habang nakangiti.



Ayokong ipasok sa kukute ko pinagsasabi nila, mamaya na. Baka bumaha pa ng luha dito.



I never knew that. Hindi ko alam na... ganoon pala nararamdaman nila Kuya.



Tsaka, maybe yung ibig niyang sabihin naman ni Kuya J nun ay yung time na napaiyak ako sa sagutan namin regarding Aidan. Na akala niya ginamit ko lang si Ray para kalimutan si Aidan.



Wala na naman sakin iyon. Hindi ko naman kayang magtanim ng galit sa kanila. Ewan ko. Hindi ako sanay.



"Si Kuya K na nga!" saad ko and I was tasked to ask him a question.



Hihihi.



"So Kuya... the heartthrob, naks!" agad akong binato nito ng mani sa sinabi ko.



"Sige, isa pa," banta nito sakin.



Hahahaha.



"Sabi mo kaya kanina yan. Ikaw na 'tong.. Anyway..."



Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil parang biglang umikot ang paningin ko kaya sinubukan kong tumayo.



"Huwag kang tumayo!" sabay na pigil nina Kuya.



Parang pinaghehele yata ang pakiramdam ko. Pero magkagayunman ay nakangiting binalingan ko sila ng tingin. "Ayos lang ako, ano ba kayo. CR lang ako, okay?"



"Samahan na kita," saad ni Kuya J at agad na tumayo upang alalayan ako.



Sa CR lang kami na malapit sa pool side dumiretso at nang makapasok ako sa loob ay ini-lock ko na ang pinto. Agad akong kumapit sa sink dahil parang mabubuwal ang pakiramdam ko. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng mukha. Pagkatapos nun ay umihi na ako. Ang tagal ko pa nga yatang nakaupo sa inidoro. Parang gusto ko na ngang matulog doon eh.



Tinignan ko ang tiled floor ng CR pagkatapos iangat ang mga paa upang basahin ang nakasulat sa mat sa paanan ko.



"Welcome," malakas kong usal at bahagyang natawa kasi alam ko namang 'welcome' talaga ang nakalagay sa mat na yun kanina pa pero doble na ang tingin ko sa mga letra.



"Louie? Tagal mo ah, okay ka lang diyan? Tapos ka na ba?" saad ni Kuya J sa labas ng palikuran.



"Teka po, malapit na," balik-sagot ko dito.



Nang tumayo ako ay parang ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Feeling ko mabubuwal talaga ako kaya kumapit ulit ako sa sink. I flushed the toilet then washed my face again, hoping na umaliwalas na ang pakiramdam ko.



Pero bahagya lang akong umokay. Antok pa rin ako. Hays.



Kaya hindi na ako nagdalawang isip. Tumalon talon ako upang magising at sinampal sampal ko din ang pisngi ko.



"Wake up, Louie," kastigo ko sa sarili.



Huminga ako ng malalim at lumabas na ng banyo.



"Oh, ano'ng nangyari sayo? Parang naligo ka ah," puna nito sa tumutulo ko pang mukha at bahagyang basing buhok.



Namumungay na talaga ang mga mata ko. "Di pa ba tayo matutulog kuya? Inaantok na yata ako."



Narinig kong tumawa ito. "Sige, sasabihin ko sa kanila," tanging saad nito.



Nang makabalik kami sa lamesa ay sinabihan din ako ni Kuya K na ang tagal ko daw.



"Sumuka ka ba?" tanong ni Hiro sakin.



Umiling lang ako. Parang tinamad na din akong magsalita pero sinubukan ko pa ring ibuka ang bibig ko. "Inaantok na nga ako eh," nakanguso ko nang saad.



"Oh sige, ikaw na ang tatanungin," sabi ni Kuya J sakin.



Ha? Ako na ba? Di ba parang si Kuya K pa? Wala naman akong amnesia ah. Nag-CR lang ako, ako na?



"Kuya, si Kuya K pa yata ah?" reklamo ko dito.



Umiling lang ito. "Ikaw na, para matapos na tayo. Last na 'to."



Hmmmp. Daya. "Sige na nga."



Kinuha ko na ang scotch at inisang lagok ulit iyon.



Daaaaamn. Sino ba kasi nag-imbento nito?



Promise talaga magre-research ako tungkol sa mga klase ng alak. Hindi na ako iinom nitong scotch. Napapapikit ako sa pait habang inaabot ang baso ng tubig.



"Ano na?" tanong ko habang pungay na pungay na ang mga mata.



"Sino ngang crush mo Louie?" tanong ni Kuya K.



Teka, nakangisi ba sila? Hindi ko masyadong maaninag. Doble na talaga paningin ko eh.



"Crush? Kuya naman eh, di ba si Aidan nga? Alam niyo na dati pa eh," nakasimangot na saad ko.



Gusto lang yata akong inisin ng mga 'to eh.



"Hanggang ngayon? Di ba pinaiyak ka lang nun, sabi mo?" saad naman ni Hiro na parang galit.



Nilingon ko ito nang halos nakapikit. "Ha? May sinabi ba ako sayo na pinaiyak niya ako? Wala kaya akong sinabi sayong ganun. Bluffer," pakli ko dito.



"Oh sige na, wala na kung wala. Sagutin mo na lang yung tanong ni Hiro. Hanggang ngayon si Aidan pa rin? Walang bago?" follow-up naman ni Kuya J.



Boses na lang yata nila naririnig ko eh. Hindi ko na kasi masyadong mabistahan talaga mga mukha nila.



"Hmmm.... Wa-"



"Weh!" sabay-sabay na protesta nina Kuya J, Kuya K at Hiro.



Wow ha.



"Teka lang! Sabi ko kasi WALA YATA AKONG MAISIP PERO WAIT LANG. WAIT LANG kasi mag-iisip nga ako," sagot ko sa mga 'to.



At dahil sa biglang pag-exert ko ng effort ay parang nawalan na ako ng lakas. Nangalumbaba ako sa lamesa.



Maka-react naman kasi, di pa nga tapos magsalita.



"Hmmm..." ungol ko habang nag-iisip.



"Ito na lang para mas madali," sabi ni Kuya J. "Ano'ng masasabi mo kay Mason?"



Sinubukan kong tignan sina Kuya at Hiro sa nanlalabo kong tingin.



"Mason? Ah... Hehehe..."



Humagikhik nga ba ako? Yuck, Louie. Rewind, rewind please.



Narinig ko ang paghagalpak nila sa sinabi ko.



Bakit? Ano'ng masama sa sinabi ko? Inulit ko lang naman ah.



You just giggled. Kiniliti ka Louie? Kiniliti?



Tss. REWIND! REWIND!



"Wuy, ano na?" tapik sakin ni Kuya K habang nakatawa pa rin. Si Hiro parang nakahawak pa sa tiyan niya.



"Ha? Uhm.." I couldn't help but plaster my smile again habang inaalala ko ang nakangiting mukha ng lalaking tinanong nila.



Mason...



"So? Mason?" sabay-sabay na tanong ng mga pinsan ko pati si Hiro.



Ngumiti ako at napapikit. "Si Mason... Ano..."



I just smiled, and then felt like the whole world went blank.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon