Tres

50.8K 808 168
                                    

~3~



"When I see your face... There's not a thing that I would change.. cause you're amazing... just the way-"



"Will you stop that Kuya?"



Napangisi si Kuya J sakin. Nakakairita lang kasi, tumutunog na nga yung sounds, sasabay pa. Ang redundant lang.



Okay fine, naiinis lang ako dahil maganda ang boses niya tapos, err...



"Edi kumanta ka rin dyan kung naiinggit ka," hamon nito at humalakhak na talaga ito nang panlisikan ko na ng mga mata.



Ipagdidiinan pa talaga na pangit ang boses ko?



Wala naman yatang sinabi ang Kuya mo Louie?



WALA AKONG PAKIALAM! IYON ANG THOUGHT NG PAGKAKASABI NIYA! EH ANO NAMAN?! MAS MATALINO NAMAN AKO SA KANILANG LAHAT!



BADTRIP. HMP.



"AYOKO NA SUMAYAW!" malakas kong saad bago iniwan ito sa dance hall at tinahak ang sounds na kasalukuyang pinupwestuhan ni Hiro samantalang si Kuya K ay pumasok saglit sa bahay.



Feel na feel ni Hiro ang pag-aala-DJ. Napansin kong hindi masyadong nagsasalita ito kapag nandiyan ang mga pinsan ko. I mean, alam kong madaldal siya eh kaya nagwonder din ako kung bakit ang tahimik niya. Siguro nahihiya lang talaga kina Kuya.



Mukhang hindi naman natinag si Kuya J sa sinabi ko. Nagkibit balikat lang ito bago pahabol na nagsalita na dinig na dinig ko na dahil pinatay ko agad ang sounds nang makarating ako kay Hiro.



"May 7 songs ka pa. Haven't you noticed? 10th song mo pa lang yun," nakakindat pang saad nito.



Kaya pala. Ampotek yan namaga na yata kasu-kasuan ko sa closed shoes na 'to! May heels pa kasi eh hindi nga ako sanay! Tapos ano yun, salitan lang silang tatlo sa pagsayaw sakin? Mabuti sana kung pati sila naka-heels din nang maramdaman din nila ang impyernong pinagdaanan ng mga paa ko. Kaso hindi naman. Nililibang lang nila ako nang kung anu-anong tanong at kwento para hindi ko mapansin na naka-ilang kanta na pala.



Ipinaghila ako ng upuan ni Hiro at agad akong umupo doon pagkatapos magpasalamat dito. Mabilis kong kinuha ang sapatos sa mga paa at naaawang dinama iyon.



Humanda sila kapag nagkapaltos ako sa pesteng high heels na 'to!



Nang makalapit si Kuya J samin ay pinaandar nito ulit ang sounds na parang walang nangyari. Naiiritang hinila ko ang plugs ng extention cord na malapit lang banda sakin kaya namatay lahat iyon.



"AYOKO NA NGA EH!" nagpapadyak pang saad ko dito.



Nanlaki ang mga mata ni Hiro sa inasal ko.



Pakialam ko? Bakit, siya ba ang nagheels at nasaktan ang paa? Siya ba ang hindi kumportable sa suot na cocktail dress dahil nangangati sa two piece swimsuit na hindi pa yata nalabhan bago pinasuot sakin at may price tag pa yata sa likod? Siya ba, ha? Siya ba? Pwes, huwag siyang maka-laki ng mga mata niya kung ayaw niyang masaktan.



"So unlady-like," saad ni Kuya J at nakita naming humahangos na tumakbo patungo samin si Kuya K na may hawak na fish bowl na may mga papel na nakatupi sa loob.



"Bakit namatay? Tapos na ba? Di ba may pito pang kanta?" nagtatakang tanong ni Kuya K at nakita kong sa likod nito ay ang limang kasambahay namin at si Tatay Tonyo.



HUH?



Bakit nandoon sina Tatay? At bakit may pito pang kanta? Ano'ng pinagsasabi ni Kuya?



"Ayoko na nga kasi," nakangusong saad ko dito.



"Ang childish mo ngayon ah," puna ni Kuya K sakin. "Dapat kasi 17 songs kasi 17th birthday mo na next month."



"Debut lang? Ayoko na nga eh," pagmamaktol ko sa mga 'to.



"Hayaan mo na yan. Proceed to the next part of the program na lang pero kain muna tayo. 9:30 na din, resume na lang by 10. Kailangang sulitin natin yung gabi," pahayag ni Kuya J. "Hanggang umaga 'to hahaha."



Kahit hindi ko sila naintindihan eh pansamantala akong natuwa na kainan na. Ginutom din kaya ako, bahala sila hahaha.



Ayos naman kahit papaano kasi bukod sa madaming pagkain eh asikasong-asikaso nina Kuya si Hiro. Parang ang close na nga nila agad eh. Sabagay, magaling naman talagang makisama sina Kuya.



Our grandparents taught us how important it is to interact well with others, regardless kung ano'ng estado nila sa lipunan. Treat them equally because we are all equal daw in God's eyes. Tama naman sina lolo. It's one of the reasons why walang masyadong kaaway ang pamilya namin bukod siguro sa hindi maiiwasang inggit ng ibang tao sabi nina Mama. Normal lang naman daw iyon.



Eh hindi ko na naman pinapansin.



I mean, what do I get from those gossips and nonsensical accusations about our family aside from feeling bad? It is far better not to know a thing or simply not minding them at all di ba? It saves me from feeling bad about it na alam ko namang walang kwenta lang. Kasi I should know better than those people na walang magawa kundi ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. May gagawin ka naman or wala napansin ko, madami pa ring sinasabi ang mga tao sayo eh. Whether you have done good or bad things.



Anyway napadami na ang sinabi ko, ayun nga, sabay-sabay na kaming kumain ng mga kasambahay at nina Kuya. By that time kasi, tulog na yata sina Mama so bale bukod sa limang kasambahay at sina Tatay Tonyo, ang tatlong lalaking kasama ko ngayon na lamang ang gising dahil nga sa pesteng despididang 'to.



Habang kumakain ay pabirong siniko ako ni Kuya J.



"Kuya ang bastos mo talaga, kitang kumakain ang tao!" naiinis kong saad dito.



Muntik na kaya akong mabulunan! Paano, kumakain na ako nang saging na panghimagas, imaginin niyo na lang na nasubo ko ng buo yun nang sikuhin niya yung kamay ko at halos umabot na sa epiglottis ko yung saging. Parang maluluha pa tuloy ako, takte.



Nakita ko ding tumawa sina Hiro at Kuya K sa nakita.



"Ay sorry, hindi ko alam hahaha," natatawang saad ni Kuya J.



Tumawa pa.



Sikmurahan ko kaya 'to? One time lang talaga.



"ANO NA?" sabi ko at kumuha ng isang basong tubig at uminom bago pa ako matuluyan.



"Sorry na nga eh hahaha! Ah, sasabihin ko lang na sayang kasi hindi pumayag sina Tita Ayessa na sumali yung outsiders sa party mo," nakangiting saad nito.



Ano'ng outsiders pinagsasabi nito?



"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.



"Yung boyfriend mo... Para kumpleto naman ang gabi mo, ayeee," sabat naman ni Kuya K.



"Boyfriend?" nagtataka ding tanong ni Hiro. "May boyfriend ka Siobe?"



"Wala no! Maniwala ka sa mga yan. Magaling lang talagang mag-ilusyon ang dalawang yan," sagot ko dito.



"Si C2 Red, di ba-"



"ANO NA BA ANG NEXT SA PROGRAM KUYA?" pilit ang ngiting saad ko dito na sabay na ikinahagalpak ng dalawa kong pinsan.



ANAK NG TINAPA NAMAN!



"Siobe, sino si-"



"Baka gusto mong sa labas ng bahay matulog mamaya Hiro?" biglang baling ko dito.



Napakamot naman ito ng ulo. "Sabi ko nga." Narinig ko pa ang bulong nito. "Grabe talaga, walang patawad 'tong babaeng 'to, hays."



Lihim na lamang akong napangiti.



Teritoryo ko 'to eh hahaha.



Nang matapos kaming kumain ay balak ko sanang magpaalam kina kuya na magbihis pero bawal daw. Steady lang daw ako sa upuan ko kaya tumabi na lamang ako kay Hiro pero tinawag ito nina Kuya kasi nagpatulong sa pagkuha nung bridge at tower sa pool. So pinagtulungan nilang tatlo nina Kuya at Tatay Tonyo. Tapos napansin ko yung isang mataas na parang plywood yata na may bakal na stand at pinagtutulungan ding itulak ng limang kasambahay namin at sinet-up sa bandang dulo na medyo malayo sa pool. Ang lawak kasi masyado ng bakuran. Unti-unti din nilang inimis ang mga pagkain at tinira ang mga inumin.



Ano bang meron dun sa plywood?



Balak ko sanang puntahan para matignan ang sa kabilang side niya dahil na-curious ako pero napatigil ako nang marinig ang boses ni Tatay.



"Punta na kayo sa pwesto niyo," pasigaw na saad nito sa mga kasambahay.



"Tay, ano'ng meron?" tanong ko dito pero bago ako nito sinagot ay binalingan nito ang dalawa kong pinsan.



"Hindi niyo sinabihan si Louie?" tanong nito sa dalawa at napailing na lamang nang kibit-balikat lang ang sagot ng mga pinsan ko.



"Aba'y obstacle race daw sabi ng mga Kuya mo. Nagpatulong nga ako sa kapitbahay natin sa mga games eh. Mabuti na lamang at may-ari pala ng catering service, party at may alam din naman sa mga ganitong bagay kaya kinunsulta ko sa Mama mo tungkol sa mga sinuhestiyon nun bago namin inasikasong lahat ito," paliwanag sakin ni Tatay.



Pinagpalit-palit ko ang tingin kay Tatay at sa dalawa kong pinsan.



"Amazing," anas ni Hiro na nasa tabi ko.



"So ano 'to maglalaro tayo Tay?"



"Hindi, kayong apat lang. K, asan na yung lagayan ng isda?" baling nito sa pinsan ko na agad namang kinuha ang fish bowl at inabot kay Tatay.



"Ano namang panalo namin dito Tay? I mean, baka may premyo kami?" curious na tanong ko.



Hindi yata naisip nila Kuya yun dahil biglang naging attentive sila kay Tatay.



"Ang alam ko nag-ambagan sina lolo mo para daw ganahan kayo," natatawang saad ni Tatay.



"Pera?" kunot-noong tanong ko habang sina Kuya K naman ay walang pakundangang inalam kung magkano lahat ng ambag.



Mukhang perang mga kolokoy, napanghahalata talaga.



"Mga bente mil din yata lahat tapos bumili ng dalawang Mac Book si Mama mo," sagot ni Tatay at talaga namang nanlalaki ang mga mata namin nina Kuya sa tuwa.



Nagkagulo na tuloy kaming tatlo habang tila amused lang na napatingin si Hiro samin.



Palibhasa ang yaman niya. Hindi niya naranasang paghirapan ang mga materyal na bagay na meron siya, eh samin kailangan mo pang paghirapan iyon dahil hindi naman basta-basta binibigay. Yung cellphone ko nga na bago, sa totoo lang, kahit hindi naman ako humingi kay Mama na bilhan ako, pinagdilig pa rin ako ng halaman nila lolo ng isang buong linggo. Morning and late afternoon pa yun ha. Eh kamusta naman ang mga halaman sa malapad na bakuran namin, di ba? Na kung tutuusin may sprinkles naman kami for that. Isang linggong parusa talaga.



Pero gusto ko ng Mac Book. Shucks. Matagal na din kasi yung laptop ko. Grade six pa ako nun. Hindi naman kasi ako humihingi kay Mama. Hindi din naman kasi ako sanay na humingi lang ng basta-basta kung alam kong pwede pa namang gamitin. Tsaka kahit may computers sa game room, iba pa rin kung may sarili kang laptop. Ang ganda pa kaya nung specs ng bagong model ng Mac Book ngayon, hays.



Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mama noong nakaraang araw nung tanungin niya ako kung may gusto akong bilhin sa Apple store tapos sabi ko okay na sakin ang Mac Book kasi luma na yung laptop ko pero pwede namang wag muna kasi mapagtitiisan pa naman.



Nahiya lang kasi ako.



Di kaya... para sakin yung laptop at gusto lang talaga ni Mama na ipanalo ko 'to?



Hmmm.



Pwes, kailangan kong manalo.



Tinignan ko sina Kuya na halatang desidido ding manalo sa laro.



Naramdaman ko na lang na bigla yata akong inatake ng anxiety sa mangyayari sa obstacle game. Yung tipong hindi mo alam ang ina-anticipate mo. Napatingin tuloy ako kay Hiro na parang kalmado pa rin.



"Wuy, okay ka lang?" tanong ko dito.



Yan ang tinatawag na projection. Yung ramdam mong hindi ka okay sa sarili mo pero may gana ka pa talagang magtanong sa kausap mo kasi kunyari, okay ka at siya ang hindi. Hahahaha.



Tumango lang siya sakin bago napangiti at nagtanong. "Bakit ikaw, mukhang balisa ka?"



Napabuga ako ng hangin. Halata pala. "Ayoko kasing nasosorpresa ako eh. Yung tipong hindi ako handa at hindi ko alam ang mangyayari. Basta," mahinang bulong ko dito.



Nagbubulungan pa sila ni Kuya K na parang na-eexcite na din ang mga ito.



Ipapanalo ko 'to. AKIN ANG MAC BOOK.



"Anak, kumuha ka na ng papel nang makapagsimula na tayo," saad ni Tatay Tonyo.



Ayon kay Tatay ay ako lang daw ang kailangang bumunot ng papel. Nakasulat daw doon ang pangalan nina Kuya K, Kuya J at Hiro. Kung sino daw ang mabubunot ko, iyon daw ang kampi ko sa obstacle game. Bale dalawang teams daw ang meron.



Kumuha ako ng papel at hindi ko maiwasang hindi matawa nang makita ko ang pangalang nabunot ko.



LLOYD HIRO.



Looks like it will be siblings versus siblings competition.



Pero I want to be sure na walang anomalyang mangyayari. Wais 'to oy!



"Teka Tay, yung rules ba ng laro eh sure kang walang alam sina Kuya?" tanong ko dito.



Ngumiti si Tatay sakin. "Segurista ka talaga. Walang alam ang mga yan sa ginawa naming laro. Tsaka mabilis lang 'to mga bente hanggang tatlumpong minuto lang siguro."



Nakampante naman ako pansamantala pero pagkatapos kong pinakita kay Tatay ang papel na nabunot ko at narinig kong humiyaw sina Kuya J ay pasimple ko ding tinignan ang dalawang natirang papel. Nang masiguro kong nakalagay nga din ang mga pangalan nila Kuya ay dun na ako naniwala talaga. Malay ko bang may inside job na nangyayari hahaha. Besides, si Kuya K yung may hawak ng bowl kanina and you know.



May hawak na baril-barilan si Tatay para hudyatan na magsisimula na ang laro. Ang unang instruction lang nito ay pumunta sa lamesa na pinaglagyanan ng pagkain kanina dahil nandoon ang papel na magsasabi ng instructions namin. Nang pinaputok nito ang baril ay agad na tumakbo kaming apat sa lamesa. Nauna pa si Kuya J pagkatapos niya kaming bungguin at itulak ni Hiro. Ginagamit talaga nito ang laki ng katawan at nang kunin nito ang isang papel ay pasimple niyang nilaglag ang isa na intended samin para ma-delay yung pagkuha namin ni Hiro.



Kainis na lalaki, sarap dagukan.



Habang binabasa namin ang instructions ay narinig ko ang pagsplash ng tubig sa pool kaya napalingon ako doon. Nakita kong nagdive na si Kuya J in his swimming trunks habang nasa kabilang side naman ng pool si Kuya K at nakaswimming trunks na din.



SHIT.



Ang tagal ko nang hindi nakapagswimming lately baka manakit ang katawan ko nito, huhu.



Task #1:

RULE NUMBER 1: Wear your swim wear for this task.

Person 1 should perform a dive at sisirin ang chain na kwintas sa pool. Pag nakita ito ay kailangang ibigay niya iyon kay person 2 na magpeperform naman ng backstroke at hanapin ang pendant ng singsing na iyon sa kabilang parte ng pool kung saan nagdive si person 1. Saka pa lamang siya sisisid upang hanapin ang singsing. And then the two persons will now proceed together sa likod ng plywood to perform the next task.

PS: Ang flashlights at googles, kung kailangan ay nasa ilalim ng lamesa.



Naka-drawing sa papel ang pool kung saan magda-dive ang person 1 at aabangan ito sa kabilang side ng pool ni person 2 upang magperform naman ng backstroke.



SHIT.



So kaya ako naka-swimsuit. Kaya ako pinagswimsuit ni Mama kanina pa.



"Ate bawal pa ako sa strenous activities kasi di ba kakalabas ko lang ng ospital," narinig kong saad ni Hiro.



Napatingin ako dito na may alanganing ngiti sa mga labi niya.



And I just want to die nang sabihin niya iyon. Hindi pwede 'to. Dapat kong makuha ang Mac!



"TATAAAAY!" malakas kong tawag kay Tatay Tonyo kaya humangos na lumapit ito sakin. "Paano yan, hindi pwedeng maglaro si Hiro kasi kaka-opera lang sa kanya."



Lumapit naman si Kuya J samin. "Edi ikaw muna si person 1 at person 2 sa task," nakangising sabat ni Kuya J na sinang-ayunan naman ni Tatay kasi nagsimula na daw ang laro at hindi nila naisip iyon kanina.



WAAAAAA! Ang daya naman! Ano toh?! Patayan?



Pero pinatos ko na din dahil nakita kong nagba-backstroke na pala si Kuya K.



"We're going to win this bunso. Two guys are way stronger than a single guy who can't swim at the moment and you... the not-so-lady-more-of-a-manly little girl. We'll have that Mac Books," saad ni Kuya J na patungkol sakin ang pang-asar bago iniwan kami ni Hiro. Si Tatay ay umalis na din.



Nag-aalalang hinarap ako ni Hiro. "Ate, pasensya ka na. Bibili na lang ki-"



"Don't. We will win this, trust me," putol ko dito at tinitigan ito sa mga mata.



I will give my all, I promise that.



Kahit... parang matatalo nga kami. Ang importante I don't stop fighting and give the best that I can.



Ang ayoko pa naman sa lahat iyong pinamumukha sakin ng mga pinsan ko ang kahinaan ng pagiging babae ko. Ang sexist lang.



Akma kong huhubarin ang suot na cocktail dress nang pigilan ako ni Hiro. "Ate, may... tagos... ka yata."



Parang gusto ko na ding sapakin 'tong si Hiro eh kung hindi lang talaga kalalabas ng ospital.



Wala na akong time mag-isip, pwede ba?! Tagos, tagos. Mac ang nakasalalay dito, iisipin mo pa ba yung regla mo?!



Badtrip. Lakas makapigil.



Kaya pala ang dali ko lang ding mabadtrip kanina, meron pala ako.



Pero ang alam ko, kusang tumitigil ang menstruation kapag nasa tubig na ang isang taong nireregla. Nabasa ko yun eh. Besides- pasimple kong tinignan ang tagos sa likod ng damit at nang makitang maliit na tuldok pa lang naman iyon ay pinakiramdaman ko na din ang sarili...



Mamaya pa aatake ang dysmenorrhea ko. Mamaya pa lalakas ang labas ng...



"Hintayin mo lang ako dito. Pag nakita mong nagba-backstroke nako, ready ka na," baling ko kay Hiro at tumango naman ito.



Nakita kong nag-iingay na ang dalawa kong pinsan na mabilis na tumakbo papunta sa kabilang side ng plywood.



Tinuloy ko na ang paghubad ng damit habang hawak ang water resistant flashlight sa isang kamay, sinuot ang googles sa mga mata at agad na nagdive sa pool.



Isa lang ang masasabi ko. Ang swerte ko. Dahil agad na nakita ng mga mata ko ang kwintas. Siguro dahil kumikinang iyon.



Sabagay, kwintas nga diba hahaha.



Pero wag ka, 50 meters ang length ng pool namin kaya nakakapagod talagang lumangoy. Dahil nasa tubig na din naman ako at ako din ang person 2 ay nagfreestyle na ako papunta sa pinakadulo at nang maka-tap doon ay sinipa ko ang wall ng pool upang makabwelo ng backstroke pabalik sa kabilang side. Siguro kung hindi lang ako athlete type baka lumalabas na ang dila ko kakalangoy.



Potek. Pinakain lang yata kami para gutumin ulit eh!



Habang sinisisid ko yung singsing parang gusto kong isumpa ang araw na 'to.



Yung totoo? Despidida party ba talaga 'to ng pag-alis ko o despidida ng kamatayan ko? Nakakabanas. Balak pa yata akong patayin ng mga pinsan ko bago makaalis papuntang Canada.



Pero joke lang pala dahil may bahay na pala ako sa Tagaytay.



Tama, iyon na lang ang iisipin ko hahahaha.



Nang makuha ko ang singsing ay agad naming tinakbo ni Hiro ang likod ng mataas na plywood na yun pagkatapos kong suutin ulit ang cocktail dress.



Bakit ba, hindi na naman siguro kailangang magswimming ulit. If ever, huhubarin ko na lang.



Muntik na akong mapamura nang makarating kami doon sa harap ng plywood at nakita ang mga safety gears na nakalatag sa baba.



WALL CLIMBING.



Great. Matatalo na talaga kami, napi-feel ko na talaga.



ILANG STRENOUS ACTIVITY PA 'TO?!



"Ate-"



"Oo, alam ko. I heard you once. Bawal ka sa strenous activities," nakabusangot kong saad.



BAKIT KO BA KASI NABUNOT SI HIRO?



Bakit pa ba pinasali 'tong lalaking 'to eh wala namang pakinabang? Kainis.



Kainis talaga! Gusto kong magwild, baaaaadtrip!



"Yaya, pang-ilang task 'to?" wala sa mood kong tanong. Siya kasi nagbabantay nung station na 'yun.



"Pangalawa Louie at tatlo lang naman lahat. Nandoon na din yata sina Kuya mo sa panghuli," sagot nito sakin.



Binasa ko na lang ang instruction kahit banas na banas na ako.



TASK#2:

Person 1 will perform the wall climbing, get 2 fresh eggs at the top, making sure not to break or drop it while person 2 will eat the fresh eggs afterwards.



YUCK. Kakainin ang hilaw na itlog? Edi ang lansa non?



Pero on the other hand okay na din na isa lang ang aakyat. Kala ko pa naman dalawa kami kasi bibigti na talaga ako, seryoso.



"Siguraduhin mong uubusin mo ang itlog ha?" baling ko kay Hiro habang isa-isang sinuot ang gears para sa wall climbing. Desididong tumango naman ito na tila nakahinga ng maluwag dahil hindi pa naman ganoon ka-hopeless ang kaso niyang maging rason ng pagkatalo namin. Siguraduhin lang nitong kaya nitong masikmura ang pag-ubos ng mga itlog mamaya.



Pero tae, feeling ko matatalo na din naman kami. Eh nasa task 3 na sina Kuya.



Mawawalan na dapat ako ng pag-asa nang marinig ko ang sigawan na sagutan nina Kuya K at Kuya J.



Kuya J: Mag-isip ka nga ng maayos!



Kuya K: Bakit ako? Ikaw din kaya? Kanina pa ako nag-iisip dito eh! Mahirap mag-isip ng maayos pag pinepressure ang utak!



Kuya J: Tangina naman, advance na tayo bro, pag naabutan tayo nina Louie, yari na!



Kuya K: Shit hindi pwede! Sayang yung pangdate!



Kaya agad kong binilisan ang pag-akyat. Hingal na hingal na ako pero ingat na ingat din ako sa pagbaba lalo na nang hawak ko na ang dalawang itlog.



Agad naman iyong kinain ni Hiro at halos pigilan nito ang sariling maduwal. Tumalikod na lang ako dahil parang di ko matignan. Naduduwal din kasi ako. Mabuti sana kung hard-boiled iyon.



Nang matapos kami sa task 2 ay agad kaming sinabihan na pumunta sa station 3 na doon naman banda sa may gate. May dalawang walang lamang plastic bottle ng 1.5 liters ng softdrink doon at nakabantay si Tatay Tonyo kasama ang dalawa pang kasambahay.



Nanlalaki ang mga mata ng mga pinsan ko nang makita kami ni Hiro.



Hindi pa rin pala sila nakatapos sa last task. Great.



Pinigilan ko ang mapangisi. Kasi hindi pa tapos ang laro eh baka makarma kami hahaha.



"Tay, ano 'to?" tanong ko sa dalawang bote at tinuro lang nito iyon.



Nang yukuin namin ni Hiro ay nandoon nakapatong sa ilalim ng plastic bottle ang papel kaya na-gets ko na naglalaman iyon ng instruction.



TASK#3

SIMPLE LOGIC

You only have to answer this simple logic and perform something if there's need to perform something.

Question: How are you going to get the ballpen cap inside this bottle without touching any part of the bottle?



HA? ANO DAW?



Binasa ko na lang ulit.



How are you going to get the ballpen cap inside this bottle without touching any part of the bottle?



At binasa ulit.



How are you going to get the ballpen cap inside this bottle without touching any part of the bottle?



At isa pa.



How are you going to get the ballpen cap inside this bottle without touching any part of the bottle?



At... last na lang, pramis.



How are you going to get the ballpen cap inside this bottle without touching any part of the bottle?



Nilingon ko si Hiro. "Alam mo?"



Umiling ito. "Ang hirap naman niyan. Paano magagawa iyon?" saad nito.



Binalingan ko na lang si Tatay. "Tay, asan yung ballpen cap sa bottle namin?"



May kinuha ito sa bulsa at nilagay iyon sa bote. Pagkatapos nun ay hinarap ko sina Kuya J. "Still thinking?"



Nagtataka man ay tumango ang mga ito.



Doon na ako ngumisi. "I guess you're both not so lucky afterall."



Tinakbo ko na ang faucet na pagkatapos buksan ay hinila ko ang hose at tinuon sa bunganga ng plastic bottle. Pinuno ko iyon ng tubig, making sure na sakto lang ang current ng pagdaloy niyon sa bote.



Syempre, the ballpen cap is plastic, so what do you expect?



Yes, it will float.



"Hello Mac Book!" masayang bulalas ko nang lumabas ang ballpen cap sa bunganga ng bottle. Nakita kong masaya rin si Tatay para sakin dahil ang lapad ng ngiti nito.



All the three guys were just...



Yeah, dumbfounded I guess?

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon