Treinta y uno

18.7K 580 125
                                    

~31~


"Galit ka pa rin ba sakin?"


Obvious ba?

Tsk. Ito ang mga klase ng tanong na nakakabobo eh. Pero pinili ko na lang ang hindi umimik at nagkunwang walang narinig. Patuloy lang ako sa kunwang pag-i-isketch sa pad kahit shading lang naman talaga ang ginagawa ko kasi tapos na naman ‘yon.


"Ilang beses ba dapat akong humingi ng tawad?"


Ano 'to, teleserye moment? Try mo nang one million times raise to the power of eternity.


"Louie Antoinette K—"


"Kaya kong magka-grade ng uno nang hindi sumasali sa kahit ano'ng org para lang mapadali ang buhay ko. Hindi mo kailangang..." I scoffed para pigilan ang sariling makapagsalita pa ng masama dito. Pinasya ko na ding tumayo para iwasan ang magkasala pa. Sayang lang ang pagkumpisal ko nitong Linggo kung agad na iyon mababahiran ng mortal sin.


Pero hindi pa nakuntento ang hinayupak at talagang pinigilan pa ang braso ko.

Gusto ba talaga nitong masaktan?

"Ano ba?!" saad ko pagkatapos ipiksi ang kamay kong hawak nito. Mabuti naman at binitawan nito agad-agad.


Napatingin na ang lahat ng tao sa klase kahit mangilan-ngilan pa lang ang mga iyon. Mga usual na mukha ng mga taong alam mong punctual. At mukhang nagulat din sila sa pagtaas ng boses ko. Alam kong nagtataka ang mga ito. Usually kasi naririnig lang nila ang boses ko during recitation o kapag tinatanong ng prof tuwing wala nang ibang matawag sa mga advance lessons na questions nito at natsa-tsambahang napasadahan ko ng basa kaya medyo pamilyar sakin. And all those times, kalmado lang talaga ako. Syempre wala namang recitation na pasigaw, di ba, hahahaha. Kaya if I'm not mistaken, ngayon lang nila ako nakaringgan sa ganitong tono ng pananalita. Pwera na lang kung andun din sila noong nag-one-on-one kami ni Jeremiah.


"I said I'm sorry."

Bagot na bagot na sinalubong ko ang mga titig nito pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. "So I heard. And the more you say it, the more it doesn't make sense anymore."


Nakita ko ang panlulumo sa mukha nito sa binitawan kong salita. "Ang hirap mo namang i-please."


Ngumiti talaga ako ng mapakla. Ang arte talaga nito. Hindi ka bagay magdrama, dude. So you better stop doing that.

"Actually? Mas mahirap akong makalimot."


Mas lalo lang nagmukhang ewan ang itsura nito pagkatapos kong sabihin iyon.

"Are you saying that there's no chance for us to be friends? Because of what happened before?"


Napaatras yata ang ulo ko sinabi niya.

So he wants us to be friends? That is news.


Pero hindi ko maiwasan ang saglit na mapaisip. Masyado na ba akong OA sa nararamdaman kong galit dito? Sa hindi ko makalimutan eh. Yung tipong kahit wala naman siyang ginagawa, just his mere presence is enough to ruin my day.


"Siguro..." halos pabulong kong sabi at tuluyan nang tinalikuran ito para lumabas muna. Hihintayin ko na lang munang pumasok ang prof namin saka na ko papasok ulit sa classroom.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon