~16~
Saturday
"Saan daw kayo magkikita-kita?" tanong ni Tatay nang lulan na kami ng sasakyan.
Palabas pa lang kami ng bahay. I just had my lunch kasama sina Mama.
Hindi kasi natuloy ang pagpunta namin sa Divisoria last time. Bukod sa nataong parang kasagsagan ng mga exams nun ay minove na din ng prof namin ang role playing.
Medyo ininda ko pa din ang grade ko sa English pero hindi na ganun ka-grabe. Though minsan kapag sumasagi siya sa isip ko napapakagat labi na lang ako sa pagpipigil na maiyak sa pagkaawa ko sa sarili. Kaya siguro, I’m doing my best to distract myself at wag na lang munang isipin dahil tama nga naman sina Mama, kapag nagfocus lang ako sa nararamdaman kong sakit na dulot ng 3.0 na yun ay baka mas lalong wala akong magawang productive upang makabawi.
I’m working hard sa pag-improve ng writing skills ko especially sa term paper. Ilang gabi na akong nagbabasa ng mga grammar books, tamang formatting sa pagsulat ng report paper at pagbabasa ng broadsheets.
Sabi sakin ni Kuya Just, okay naman daw ang content ng report ko pero feature type kasi ang pagkakasulat which is a big no-no kapag nagsulat ng report paper. It should be formal daw and lessen yung mga overly dramatic wordings and opinions. Lahat na nakalagay ay factual lang with corresponding sources. Binigyan niya din ako ng mga tips lalo na yung paggamit ng mga synonyms and antonyms ng mga words para hindi ko nauulit ang mga descriptions ko. And when you say sports daw, dapat mababasa talaga ang mga sports terminologies and it should be in a way na may buhay ang pagkakasulat. Yun kasi ang naunang topic ko, sports. But sadly, it was my first time to write a sports article. Ang yabang ko pang pumili ng topic na tungkol sa boxing, sumemplang tuloy.
Kainis, hahaha.
I should understand the assignment given daw sabi ni Kuya. It's not enough that I have read them; I also need to continuously reread them and understand it by heart. Since we were given the chance to choose a topic, I should choose the one that I love. It will drive you to do your best because of the passion. Lastly, strive for originality. Never be afraid to work outside your comfort zone. Kasi baka ang pinili mong topic, yun din pala nagustuhan ng iba, so you have to make sure na yung pagkakagawa ng report mo ay unique at hindi lumabas na generic di ba? Sayang lang yung effort mo nun.
Kuya also make sure na alam ko kung pano magresearch ng sources ko. Mas inadvise niya sakin ang pagbisita sa mga libraries, making sure na up to date iyon. Mas legit daw kasi sila kunan kesa sa online sources that you have to make sure pa na reputable nga. Medyo mabusisi din ang pagdo-double check sa facts. Hindi naman daw kasi ganun kadami minsan ang mga up to date journals sa internet. Gumagamit nga ako ng flash cards para malista ko ang mga information ng mga sources ko for my bibliography.
Madami pa siyang tinuro sakin na sobrang dinibdib ko talaga. This time kasi, wala akong planong maging lax sa kahit ano'ng subject ko kasehadong PE pa yan.
Basta so far, tanggap ko naman ang shortcoming ko. Hindi naman dapat lahat alam ko na agad. Kaya nga nag-aaral di ba?
"Nak?" muling saad ni Tatay sakin.
"Po?" lingon ko dito at saglit na kinuha ang headset sa tenga.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...