~49~
Rodriguez ResidenceSabay-sabay kaming napalingon nina Kuya K at Kuya J nang marinig ang mga katok sa pinto. Nasa game room kami at kasalukuyang kausap sa Skype sina Kuya Kurt at Kuya Justin. Ako na ang nagpresintang buksan ang pintuan dahil mukha namang walang balak sina Kuya na tumayo.
Isa sa mga kawaksi ang nabungaran ko.
"Hi ate. May problema po ba?" nakangiting tanong ko dito.
Family day namin ngayon sabi ni lola. It can be so relaxing, but sometimes, doon din nagsisimula ang pikunan lalo na sa'ming magpipinsan. Pero noon 'yon. Lalo nung kumpleto pa kami tsaka siguro kasi masyado pa kaming mga bata noon. Nagkakapikunan sa paglalaro. Ngayon kasi nangyayari pa din naman pero hindi na ganoon kadugo. Medyo tamed na kaming lahat, hahaha.
I can almost feel the Christmas in the air lalo na kapag ganitong halos kumpleto kami sa bahay. Simula din kasi nang pumatak ang buwan ng Disyembre, they have already decorated the interiors with Christmas decors. Madami na ngang mga regalong nakalagay sa ilalim ng Christmas tree. Hindi lang namin alam kung para kanino. We did draw lots para sa Christmas eve's exchange gift at ang iba ay naka-ready na ang gifts malayo pa man.
"Wala naman Louie," sagot ng kawaksi na humingi pa ng pasensya kung naistorbo daw nito kami. "Sinabihan lang ako ng lolo niyo na i-remind kayo na mga alas diyes daw mamaya dapat ay nasa dining hall na kayo para mananghalian. Baka daw mapasarap kayo sa paglalaro."
"Ganun po ba. Sige po, ako na'ng magsasabi kina Kuya. Thank you po."
Agad naman itong umalis pagkasabi niyon. Sinabi ko na din sa mga pinsan ko ang bilin ni lolo. Maaga pa naman. It was just a little past eight in the morning. Halos kakatapos lang naming magbreakfast. We can still play a few games before ten.
I don't blame lolo though, this is a family bonding. Although we are staying home and there might be nothing fancy about it, pero ini-schedule nito ang araw na iyon na lahat kami ay nasa bahay. Kaya nandun sina Kuya, Mama, at mga tita ko. But mostly kapag ganitong family day, kumakain lang naman kami and then while the elders would allow us to play sa game room, naglalaro din sila lola ng mahjong sa lanai. Kinagabihan niyon ay may barbecue party sa pool side.
"Magkano ang at stake?"
Narinig kong tanong ni Kuya J. Hindi ko na kasi nasundan ang usapan nila nang kausapin ko si ate kanina. Ang alam ko lang ay plano nilang maglaro ng League of Legends, a kind of multiplayer online battle arena game o tinatawag na MOBA. Tsaka malamang ay hindi naman ako kasali kung maglalaro man sila against each other unless team up kaming lima. Which is fine kung sakali mang sila lang apat ang maglalaro kasi hindi ko pa gamay 'yon.
"Place your bet 'to. Bawal ang pera, but it should be something valuable para challenging," sagot naman ni Kuya Just.
It didn't take long enough for Kuya J to decide. "Five months use of my sports car. What's yours K?"
"Hmm." Saglit na napaisip si Kuya K while tapping his fingers sa billiard table. "Alright, five months use of my Harley."
Gulat na napatingin ako dito. Masyadong malaki ang at stake. Last month lang ito bumili ng big bike and he doesn't even want us to touch it. Hindi pa daw niya napagsawaan iyon.
"This should be interesting. Pero paano naman kung kami ang mananalo ni Kurt? How can we use your wheels?" saad ni Kuya Justine, which kinda makes sense.
"What do you suggest?" Kuya J inquired.
"I want his transformer action figure collections. All of them," saad ni Kuya Kurt at nakita kong bahagyang napatiim-baga si Kuya J niyon. He did hit the right spot.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...