~54~
UP DILIMAN
11:30My class was supposed to end at 11AM pero as usual, nag-extend na naman 'tong prof namin dahil alam niyang mahaba ang break sa hapon. PE na ang next class and will start at four to five in the afternoon. Minsan nga hindi na pinapasukan ng iba or kung hindi man cancelled.
Ten minutes past eleven, I got a text from Dale confirming na sa labas lang ito ng room maghihintay. Buti nasabi kong 11:30AM na kami magkita, or else I'd be really late. Nagpahuli na akong lumabas nang sa wakas ay i-dismiss na kami ng dakila naming guro. Halos lahat kasi sa mga kaklase ko eh halatang atat na atat nang makaalis ng classroom. Para na kaming mga takas sa bilibid kung magsipulasan.
I can't blame them though. Who doesn't want to get away from this class? Kahit kaninang nagle-lecture, wala nang gana makinig ang mga estudyante. Punong-puno na ang mga utak, wala nang paglagyan ng impormasyon. Meron pa ngang naglalaway sa tulog. Marahil hindi na kinaya ang brain pressure sa pinagpipilit na ipa-absorb ni prof kaya nag-give up na lang.
O baka bored lang din. Ewan.
Hindi ko masyadong pinahalata ang gulat nang makita ko na magkatabi si Dale at Mason sa labas ng silid. Napansin kong agaw-pansin ang dalawa dahil halos palipat-lipat lang ng tingin ang mga babaeng kaklase ko sa mga 'to.
But what the hell is he doing here?
Not that I didn't want to see him. Maybe I just needed some space and a bit of time to take in what he said. And I might come out as a really horrible person, but I really don't feel like dealing with him today.
I kept averting looking at Mason's side, kahit pa alam kong I will eventually have to dahil nasa side nito ang daan papunta sa banyo at hindi kay Dale. Lihim akong napabuntong-hininga, patay-malisyang hindi pinansin ito.
"Can I go to the toilet for a couple of minutes before we go?" saad kong nakatingin kay Dale.
"Yeah, sure. Go ahead. Dito na kita hintayin," nakangiti namang sagot ng kausap.
Ramdam ko ang mga titig ni Mason kahit hindi ako nakatingin dito and as much as I want to ignore him 100%, hindi ko pa din naiwasan ang bahagyang tapunan ito tingin bago dire-diretsong pumunta ng banyo.
Gusto kong matawa sa sarili. It's weird but somehow, I felt a tiny disappointment when I came back with only Dale waiting outside our classroom.
Pagkatapos mo siyang deadmahin, really now Louie?
Sa Engineering canteen namin napagpasyahang kumain. I was about to buy for my food nang pigilan ako ng kasama. Nagulat ako nang ilabas nito ang bento lunch box. Hindi ko inasahang magdadala pala ito ng pagkain.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa," nahihiyang saad ko dito.
"I invited you out for lunch I think it's only fair I prepare our food. I don't really mind. And just letting you know, we really have a great cook. So you should try this."
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Umorismo"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...