~51~
Three months forward...
Around March"Anak? Anak! Tulong! Tulungan mo 'ko!"
"Ma... Mama..."
"Anak... Please, anak..."
"Ma...?"
"Okay, everyone! Who's done with their seatwork?"
Napabalikwas ako sa upuan sa malakas na tinig ng propesor namin. Bahagyang habol ko din ang paghinga. Humihikab na napatingin ako sa gusot na papel, hindi alintanang blanko iyon. Wala akong nasimulan kahit isang letra sa binigay nitong seatwork.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nina sakin.
Tumango ako dito ng hindi lumilingon habang pinupunasan ang butil ng pawis na naggitilan sa noo ko.
"Me! I'm done!" malakas na pahayag ni Sabina, ang meztisang exchange student na galing Brazil. At dala ng pagkagulat, sabay pa kaming napalingon ni Nina dito.
"Okay, good. You can read your book for our next discussion on Thursday while others are not yet done," pahayag ni prof. "There's still thirty minutes before the time."
"I can't go home early?" tanong dito ni Sabina, na sa tono ng pananalita, nais talagang iparinig sa lahat.
I can clearly see her expression kahit side view lang dahil nasa kabilang banda lang ito at isang row lang ang pagitan namin. Ayoko dapat siyang pansinin, but her voice is too loud to ignore.
"No."
"Why?" mabilis na tanong nito sa sagot ni sir, tanong na agresibo, walang pag-aalinlangan. And I didn't notice that I was also waiting for my prof to answer that.
"Because life is not that easy," simula ng propesor dito bago nagpatuloy. "It doesn't give you a single problem and then make the rest of your existence happy and sweet. It only gives you a pinch of happiness after tormenting you with gallons of disappointments, distress, anguish and misery."
Muntik na akong mapaismid sa narinig. Sinarili ko ang mapait na ngiting namutawi sa labi.
Yup. Life—
"Life's a bitch."
Hustong napalingon ako kay Sabina nang sabihin niya iyon and I saw how she rolled her eyes. Hindi ko alam kung hindi na narinig at nakita ni prof ang sinabi at ginawi nito o hindi na lang nito pinatulan.
"If life's a bitch, and so are you," pabulong na komento ni Nina na ikinabungisngis naman ni Althea.
Hindi ako nakisabay sa hagikgikan ng dalawa. Niyuko ko ang papel ko at doon itinuon ang pansin. Sinimulan ko na namang basahin ang mga tanong na pinasasagot sa amin. Tatlong beses ko na yatang nabasa iyon. Pero parang walang pumapasok sa utak ko. Madalas, sa mga ganitong pagkakataon, wala na talaga. Hindi sa wala akong ganang makinig sa klase, parang bigla lang nawawala ang atensyon ko. Hindi ako makapagfocus. Tagos ang paningin ko sa blackboard. Tagos sa kung sinong pontio pilatong nagtuturo.
Suddenly, I created a new dimension of my own where I weave things inside my head. Things I know would help me sustain a day. Things that will help me survive.
I am trying to smile, so nobody knows I'm drowning.
Pero mukhang kahit ang bibig ko ay ayaw makisama kahit man lamang pansamantala. Hanggang sa hindi ko namalayang bigla na naman akong napatingin sa kawalan. Hanggang sa natapos na ang klase.
When I look down for my paper, wala na iyon. Sandali akong nagtaka at akmang lalapit kay sir na papalabas na ng classroom nang mabilis na piniligan ako ni Thea.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...