~32~
From Mason:
Free ka ba sa Sabado?
Pasyal natin si Lark. :)Muntik na yata akong mabilaukan sa fresh milk na iniinom nang mabasa ko ang text na iyon. It was sent around 7:30PM last night. Hindi ko na naman nareplayan ang text nito kagabi dahil inuna kong inasikaso ang tawag ng sikmura. Then I remember Kuya J calling me at sa sobrang inis ko ay ini-off ko na lang ang cellphone. I bet aasarin na naman ako niyon kasi. Kaya naman nang magising ako nitong alas sais ay saka ko pa lang binuksan ang cellphone ngunit hindi ko din inabalang tingnan agad kung may nagtext dahil agad na dumiretso ako sa banyo para maligo. Sa bahay kasi ako mag-a-almusal dahil binilinan ako ni Mama kagabi na susunduin ako ni Tatay bandang alas siete ng umaga.
"Gah." Parang ayoko nang humingi ng sorry pa kay Mason sa paulit-ulit na matagalang pagreply ko dito. As I've said, it doesn't make sense saying sorry over things you still keep on doing.
But I have another dilemma in mind.
Paano ko sasabihin sa kanya, or rather, paano ko ire-remind sa kanya ang tungkol sa date— I mean, sa business launch na napagkasunduan namin before?
"This is really awkward," napapabuntong-hiningang bulong ko habang muling nilapag ang cellphone sa dining table upang pansamantalang hugasan ang ginamit na baso.
Dala-dala ko hanggang sa biyahe pauwi kung paano ko uungkatin iyon kay Mase. Pero maya-maya lang ay naalala ko na naman ang rason kung bakit ako napatulog sa condo kagabi at sa posibleng pagpipilit nila Mama kay puno sakaling malaman nila na wala akong plus one. Mabilis pa yata sa alas kwatrong napatipa ako sa cellphone lalo't napansin kong papasok na kami ni Tatay sa village.
Shucks.
Alam kong ang aga pa nitong text ko sa kanya pero sana magreply siya agad, huhu.
To Mase:
Okay lang ba na sa ibang araw na lang?
This Sat na kasi ang sinabi ko sayo lasttime na business launch. Good morning. :)
Sana talaga magrep—
"Kamusta ang gising natin, anak?"
"Okay naman po, Tay," nakangiting lingon ko dito at muling tumitig sa hawak na cellphone.
Sana lang talaga magkahimala.
Please, Lord.
"Mabuti kung ganoon. Aba'y iyong kaklase mo kagabi hinahanap ka—"
"Shit, Tatay! Nagreply siya! Ay Tay, sorry. Ano. Nabigla lang po ako, hehehe. Teka po ha, excuse lang po Tay," hinging-paumanhin ko dito at agad na binasa ang text.From Mase:
San pala? Good morning din. :)Mabuti na lang at parang early riser 'to. Hehe.
Hindi ko napigilan ang ilang beses na paghampas sa kilid ng upuan sa pagpipigil humiyaw. I mean hindi naman sa ano ha, pero syempre mas gugustuhin kong si Mase ang plus one ko kaysa naman dun sa puno. Besides, may utang pa ako dun sa tao na... Oo na. Date.
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...