~29~
Yuuuck, Louie! Ang arte arte mo kanina!
Hindi ko napigilan ang malakas na pagpadyak ng mga paa habang inaalala ang nangyari kanina.
Gaaaah.
What was I supposed to do then? Alangan namang magpadaig ako sa hiya? Besides, I don't know how or why I reacted that way!
Tapos ang lakas pang manukso nina Kuya, kainis!
"I'm just trying to mingle, you know," marahas na bulong ko habang malalaki ang hakbang papasok sa kabahayan.
Agad akong napatingin sa wall clock nang madaanan ko ang sala at lumusot patungo sa kusina para uminom ng gatas. It was 9:30PM. Magha-half bath na lang ako at matutulog.
Eeeeh! Nakakahiya talaga kanina. Kinikilabutan ako sa reaksyon ko.
"Oh anak, nakauwi ka na pala. Hinatid ka ba ni Hiro?"
"Ay kabute!"
Mabilis kong nilingon ito sa nanlalaking mga mata. Muntik na talaga akong mapatalon. Pakiramdam ko ay tumayo din ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi pa kasi ako nagpaandar ng ilaw.
"Ma! Ba't gising pa kayo?"
"Itong batang 'to. Napakanerbyosa," sabi nito at biglang lumiwanag ang paligid nang i-on nito ang switch ng ilaw.
"Nagulat ako eh," sabi ko saka humalik sa pisngi niya. "Akyat na po ako ah."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko," sita nito sakin.
Nagkibit lamang ako ng balikat. "De quits na tayo, hahaha."
Natawa na lang din ito sakin.
"Bakit kaya wala pa ang mga pinsan mo? Hindi ba nagtext sayo? Nag-aalala na ang mommy Van mo," pahabol na saad nito habang paakyat ako.
"Ma naman, sina Kuya iyon. Nine thirty pa lang ah. Nandyan na 'yan in a minute," sabi ko habang pigil-pigil ang bungisngis.
Nang makapasok ako ng kwarto ay agad na inabot ko ang intercom at nagdial sa linya ni Tatay sa baba. Humingi pa ako ng pasensya dahil baka naistorbo ko ang pamamahinga nito.
"Tay, pakisundo nga sina Kuya sa labas ng bahay. Hindi pa nakapark ang kotse sa loob eh."
"Bakit hindi sila nagbusina? Wala akong narinig ah."
"Hindi siguro nila kayang magbusina Tay. Sige na po. Labasan niyo na lang."
"Mga pinsan mo talaga. Sige, sige. Ibaba ko na ito ha?"
BINABASA MO ANG
Miss Astig 2
Humor"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's creative imagination or used in a fictitious manner. An...