Cuarenta y cinco

16.4K 593 461
                                    

~45~
"O ba't ka tumigil? Fifty tayo ngayon di ba. Half ka pa lang."

Kuya K was holding the bar, keeping the balance habang nagka-crunch ako. Kahit hindi naman talaga kailangan kasi stable naman ang bar stand, kaso ganyan lang talaga sila minsan kapag nag-a-upside down crunch ako at nandyan sila.

"Teka nag-iisip ako, give me five seconds to rest," reklamo ko dito.

"Walanghiya. May gana ka pang mag-isip sa lagay na yan, nangangawit nako dito. Ano na? Crunch!"

Para namang binubuhat niya ako, eh nagbabantay lang naman siya.

"Ito na, ito na. One thousand one, one thousand two, one thousand three, one thousand four, one thousand five..."

"Ano ba yang pinag-iisipan mo?" tanong nito maya-maya. "Kung ano'ng gagawin mo dun sa prutas na pinadala ni Montemayor?"

Instead of answering, napahagikhik ako sa sinabi ni Kuya K habang patuloy na nagka-crunch. I wasn't thinking about it at all kahit na nagulat ako nang puntahan ako kaninang umaga ni yaya sa kwarto upang sabihing may pinadalang prutas si Dale. The note says it was fresh from their farm. Mga mangga at saging ang laman ng basket. Mama, my two aunts and my grandparents found it romantic, but my cousins find it corny and stupid.

Like what do I expect from the two.

I find it weird though. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. I mean, hindi naman siya siguro--

"Ba't ka natawa? Gusto mo na ba siya? Sinagot mo na ba yon?" sunod-sunod na tanong nito nang matapos ko ang 25 crunches. In-adjust din nito ang bar pababa at tinulungan ako sa pagkuha ng gravity boots sa mga paa.

"Kapag nagbigay ng prutas nanliligaw na? Malay ko ba kung para kina Mama naman 'yon. Tsaka wala namang sinasabi si Dale."

"What--"

"At hindi ko siya gusto, okay?" Iba ang-- tss. Napaupo ako sa mat at kinuha ang tumbler ng tubig na inabot nito.

"Ang hina mo naman. Nanliligaw na yon! Lahat na lang hindi mo alam? Kay C2 red ganyan ka din sumagot, 'wala namang sinasabi yun, kuyaaa!'" panggagaya pa nito sa pagkakasabi ko na pati pag-ikot ng mata ko ay dinamay pa.

Gago talaga 'to minsan, hahaha.

"Nanliligaw na yun. O sabihin natin, si Pelaez, maghihintay pa yan ng tiyempo. Parang medyo torpe eh," napailing pa ito. "Pero di ba? Nag-effort pa ng old school picnic basket yun? Bakit naman ako mag-e-effort sa babae kung wala naman akong gusto?"

"Friends kami."

"Bullshit! Friends, tae."

"Kuya!" nanlalaki ang mga mata ko dito.

Hindi ako nito pinansin. Mukhang asar na asar na 'to.

"Hindi ako magpapakapagod magdala ng picnic basket para lang sa kaibigan! Hindi ako magpapadala ng isang basket ng sariwang prutas na all the way pa sa kabukiran para lang sa kaibigan!"

"Hindi naman ikaw sila eh, bakit ka high blood diyan?"

He grunted. "Eh yung Sapio girl ba, naitanong mo na kay C2 red kung sino yon?"

Gusto ko na siyang tusukin sa mga mata. Grabe ang chismoso, sobra!

"Hindi pa kami nagkita."

"Anak ng-- hindi ba pwedeng tawagan? O itext 'yan? Iisang school kayo hindi kayo nagkikita?"

"Kuya naman, magkaiba kami ng course. Tsaka di ba mas okay pag personal?"

"Edi dapat ikaw nagtext na magkita kayo."

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon