Uno

97.9K 1.1K 285
                                    

~1~

"Galit ka pa rin ba sakin?"

 

Mababakas ang pag-aalinlangan at kaba sa boses ni Aidan nang tanungin niya iyon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ko mapigilan ang pagngiti.

 

"Bakit naman? Tagal na nun ah. Huwag mo nang isipin yun," kalmadong sagot ko sa tanong nito.

 

Totoong magaan sa dibdib ko ang mga sinabi. Hindi ko nga siguro makakalimutan ang ginawa niya kahit pa sabihing hindi naman niya ako niloko. Wala naman kaming relasyon noon pero alam kong matagal ko nang napatawad si Aidan kahit nasaktan niya ako.

 

"Talaga? So kung aayain kitang lumabas ngayon sasama ka?"

 

Literal na nagulat ako sa tanong niya.

 

Di ba nasa California 'to?

 

"Weh? Nandito ka ba?" kinakabahang tanong ko. Gusto ko din munang makasiguro.

 

"Paano kung, oo?" hamon nito sakin.

 

Mas bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niyang iyon. Napatingin tuloy ako sa cellphone at sinigurado ang numero niya kung nasa Pilipinas nga siya. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang plus sign sa unahan ng numero nito.

 

"Hahahaha. You're kidding right?"

 

I heard him chuckled. "Well, yeah. Pero next year babalik na ako. Labas tayo ah?"

 

"Bakit?" Hindi ko din maiwasan ang pagkunot-noo. Totoo naman eh. Bakit?

 

"Marami tayong dapat pag-usapan."

 

Ha? "Like?"

 

Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. "Next year. Tatapusin ko lang ang master's ko. Okay lang ba sayo?"

 

Okay nga lang ba? Actually, okay lang naman kaso... "Sa... Canada na ako mag-aaral."

 

"Di mas malapit sa California," mabilis na salo nito at hindi ko maiwasang hindi isipin na napangiti siya sa nalaman.

 

Crap.

 

Masyadong determinado ang tono nito kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

 

It's now or never.

 

Mas mabuti ngang magkaroon na ng closure 'to once and for all.

 

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon