Dieciotso

32.8K 621 154
                                    

~18~

 

"Niel Xander, uhm... Pwede ka bang makausap?"

Pagkatapos tumango ay agad na lumingon ito sakin upang harapin ako.

Minsan ko lang binubuo ang pangalan niya. Pag may mga bagay akong gusto i-stress out o pag kinukuha ko ang atensyon niya sa isang seryosong bagay. Kaya din siguro agad na tinigilan nito ang ginagawa.

Kami na lang ang natira sa classroom nun dahil sinabi kong tapusin muna namin ang homework bago umuwi. Nakakatuwa nga kasi parang nahahawa na siya sakin minsan. Yung ugaling gawin muna yung homework sa school para mag-aaral na lang pag-uwi, hahaha.

"Sure. About what?"

"Bakla ka ba?" diretsong tanong ko dito habang diretso ding nakatingin sa kanya.

"HA?"

Halatang nagulantang ito sa tanong ko dahil halos um-echo na din sa apat na sulok ng silid ang boses nito kasabay ng panlalaki ng mga mata.

Yung tingin niya sakin ng mga panahong iyon parang nawawala ako sa katinuan na kailangan niya lang intindihin.

“Did… you… sleep well last night?”

“Hindi ako nagbibiro dito. Just answer my question,” saad ko, hindi pa rin hinihiwalayan ng tingin ang mukha niya.

I really wanna see his facial expression while waiting for him to tell me the truth about his confusing gender!

Nakita kong saglit na napaisip ito habang nagtataka pa ring nakatingin sakin. Nang sa wakas ay napansin niya sigurong hindi nga ako nagbibiro ay napabuntong-hininga na lang ito.

"Okay. Paano mo naman nasabi iyan?" tanong nito sakin.

Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Madami nang nagtatanong sakin eh, sabi ko confirm ko muna sayo. Don't assume otherwise stated di ba?"

Syempre, gusto ko munang malaman niya na hindi sakin unang nanggaling ang mga ganyang assumptions dahil totoo naman. Kung hindi lang sa nakita at narinig ko, nungka akong magdududa at maguguluhan ng ganito.

"Hell, no! Hindi ako homo," agad na tanggi nito sakin.

"Weh? So bisexual ka lang?" I asked, with eyes full of scrutiny.

Madami pa lang klase ng sexuality.

Akala ko bakla, tomboy, babae at lalaki lang ang gender. Pero kung pagtutuunan mo talaga ng pansin, there’s a lot more. Sa sobrang pag-iisip ko kasi sa tunay na kasarian ni Sand napa-research din ako.

"Neither!"

"Hmm ‘kay," sabi ko na lang dito.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon