Cuarenta y cuatro

15.4K 533 264
                                    

~44~
"Aaaaaahhh!"

Sheeeeeet! Ang lamig!

I never thought na bigla na lang akong bubuhusan ng sobrang lamig na tubig habang naka-blindfold, nakagapos sa likod ang dalawang kamay habang nakaluhod at nire-recite ang poetry ni Edgar A. Guest.

"Repeat. From the top."

Matagal pa akong hindi natinag at naramdaman kong hinawakan ako sa braso. More of tinampal.

"Repeat the poem. From. The. Top," mariing saad nito sakin. "And louder your voice."

I was trying to recognize the voice, kung sino ang nagmamay-ari niyon, but I can't. Pero alam kong babae. Napalunok na lang ako at sinunod ang utos nito.

When... things go wrong, as they sometimes will...

When the road you're trudging seems all uphill...

When the funds are low and the debts are high...

And you want to smile, but you have to sigh...

When care is pressing you down a bit...

Rest if you must, but don't you quit.

Life is queer with its twists and turns...

As every one of us sometimes learns...

And many a fellow turns abou--

"Aaaaaahhh! Shucks, fuckin' cold!"

Nakarinig ako ng pigil na mga hagikhikan.

Hindi na ako natutuwa sa ginagawa nila sa'min. This is torture. I don't understand why they have to do this to us.

"Repeat. From the top."

W-When things go w-wrong, as they s-sometimes will...

When the r-road you're t-trudging seems all uphill...

W-When the funds are low and the d-debts are high...

And you w-want to smile, but you have to sigh...

When care is p-pressing you down a bit...

R-Rest if--

"Bakit ganyan ka magsalita, Kwok?"

"Nilalamig n-na po k-kasi--"

"Repeat. From the top," saad nito at muli akong binuhusan ng malamig na tubig.

Impit na napasigaw ako sa ginawa nito habang kuyom-kuyom na din ang nakagapos na mga kamay sa likod.

I repeated reciting the poetry.

At dalawang beses pang pinaulit sakin iyon dahil napapatigil na lang ako bigla. I was getting cold, natural nanginginig na ako at hindi na makapagconcentrate. Nakakangawit na din ang pagluhod kahit tila may patungan pang karton iyon. But they were too cruel. Halos hindi na ako makapagsalita sa lamig.

Gusto kong pagsisihan 'tong pinasok ko. Hindi ko in-expect na ito ang gagawin samin. Bago kami nilagyan ng blindfold mula sa school kanina at isakay sa van, ilang beses pa kaming pinahiya sa harap ng madla. Isa-isa sa amin ay may kanya-kanyang task. Pero ang sakin kanina ay pinasuot ako ng adult diaper na siyang nasa labas ng suot kong pants habang nag-i-inquire sa loob ng English library 2 para manghiram ng libro. Mangiyak-ngiyak ako habang naglalakad lalo't alam kong nakasunod na ang tingin sakin ng mga tao. They might think na nababaliw na ako.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon