Cuarenta y siete

19.4K 674 406
                                    

~47~
"Uhm... Sige Dale, see you when I see you na lang later?"

Nagawa ko pa ding ngumiti dito kahit alanganin. But it looked like he wasn't finished yet.

"Does this conversation make you feel awkward, Louie?"

Lihim akong napakagat-labi sa sinabi nito. "Honestly, yes. Are you... are you trying to say something?"

"Well--"

"Uhm, you know what?" putol ko dito na napatapal pa ng noo nang bahagyang mapasulyap ako sa relo. Hindi ko alam pero bukod sa biglang pagkailang sa posibleng sasabihin niya, I'm a little worried about the time. "Whatever it is, uhm... nevermind."

Nakita kong bahagyang namula ito, but his face was serious even when he managed to tweak a faint smile. "But I've been meaning to tell you this anyway."

"Ha? Ahh. Dale kasi... 'Di ba I told you earlier, I'm meeting a friend this afternoon? I really don't want to be rude by cutting you off, pero--"

"Yes, of course I understand," alanganin itong nagpakawala ng mahinang tawa. "Pero ano, Louie... Pwede naman siguro nating pag-usapan sa ibang araw? Okay lang namang ayain kitang lumabas minsan, hindi ba?"

I looked at him while still biting my lower lip. He's obviously tensed and he looked so... hopeful. I'm not so sure kung awa ang naramdaman ko kaya lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko.

"For sure. Some other day, maybe. Sige Dale ha..."

Bahagya akong napapikit nang tuluyang makatalikod dito.

***
Oh my goshhh.

Oh pleaaaase.

Wala lang yon, Louie. Don't overanalyze. Breathe, breathe.

Juskupo.

Patuloy ko pa ding kinakalma ang utak ko sa huling pag-uusap namin ni Dale. The hell. I shouldn't be thinking about it right now, tsk.

Right. It's nothing. It might just be related to the org or something about school. No. Big. Deal.

Napakislot tuloy ako nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. Akala ko pa kung sino.

It was Kuya K.

"O Kuya, napatawag ka?"

"Kainis ng seatwork namin. Sumasakit na ang ulo ko. Bawal kaming magresearch sa internet pero may five minutes break kami ngayon kaya ikaw na lang ang tatanungin ko. For sure alam mo 'to."

"Pero okay lang magphone?" natatawang tanong ko.

"Malay ba ni Sir na magpo-phone pala ako dito sa CR?"

"Kaya pala naka-echo, hahaha."

Nagpakawala din ito ng tawa. "O sige na, sagutin mo na muna 'to baka isipin nila, tumatae ako dito. Ilan ba ang species ng ants? Yung recent ha? Tsaka may pakpak ba ang mga 'yon? Ang alam ko wala naman 'di ba? Pero bakit naman magtatanong si sir ng ganoon ka-weird kasi."

Saglit akong napakamot ng ulo habang napapaisip. "Uhm... Over 12,000 yata ang ant species all over the world, Kuya. Estimation lang talaga ang naalala ko. Tsaka sa pakpak, ang alam ko, yung queen ant merong pakpak 'yon. Tsaka alam mo bang walang tenga ang mga langgam? I mean basically, they can't hear, but they utilize the vibration that they feel in the ground through their feet. That's how they 'hear' things."

Nagulat pa ako nang humalakhak na lang ito bigla. "It will always be a wise decision to ask questions like this to you, Bunso. May extra information pa ako. Ano pa?"

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon